Chapter 1

74 4 2
                                    

Tila ba napakatagal ng oras at araw. Yung tipong dalawang araw parang naging dalawang taon.

After knowing that me and Ry are classmates halos dalawang araw akong hindi nakatulog ng maayos dahil sa excitement. I don't know why. I can't explain the feeling. 'Yun bang mixed. Excited. Nervous. Basta yon!

"Good morning, Pa!" bati ko kay papa then kumuha ako ng loaf bread.

"Good morning! Ang aga mo ata ha?"

"Hon, who's tha-" napatigil si mama sa pagsasalita "Oh! Good morning, sweetie! Hmm you're early?" then nilapag niya yung coffee ni papa sa table.

Nagkibit balikat lang ako "Maaga po nagising e," kumuha ako ng palaman para sa bread ko "Where's Kuya and Dria?"

"Dria will be late for school, tinatapos niya pa yung requirements niya,"
sabi ni mama tapos umupo para daluhan si papa sa pagkain "And your kuya's still in his room."

"Oh okay..." tumango tango ako "Well, I have to go na po, Ma, Pa." sinuot ko ang bag ko at aakma na sanang umalis nang...

"Wait! Faye, di ka pa nagbebreakfast," mama said "And hindi ka ba sasabay sa kuya mo?"

Umiling ako "I have this!" tinaas ko pa nang sobrang sigla yung hawak kong sandwich na ako mismo naglagay ng palaman "Bye!"

Saka ako tumakbo palabas ng bahay. Sobrang excited na ba ako? Hays. Oo nga, hindi nga halata e. Nagpahatid ako kay Manong Bert papunta sa school. Alam ko naman kasi na aasarin ako ni Kuya kapag nakita niyang ang aga kong pumasok.

I've never been excited for school. I hate the fact of waking up early in the morning. I hate the fact of listening almost half of the day to the lessons. I hate the meaning of school. I just hate it!

Hindi ko rin magets yung sarili ko, ba't gusto kong pumasok ng maaga? Alam ko naman na kahit malate ako hindi agad kami magkikita ni Ry. 'Tsaka di naman ako ganito dati, na desperadong makita siya. I'm being exaggerated. This is not me!

8 o'clock ang time namin ngayong first day pero sagad talaga excitement ko. Kaya ang labas pag dating ko sa school wala pang masyadong studyante. Sobrang aga ko ata? Well it's first day, kaya hindi masyadong maaga ang time.

"Is this real? Nakikita niyo ba yung nakikita ko?"

"Omg! Nanaginip ba tayo ng gising?"

"Hindi. Baka naman kamukha lang niya yan?"

"Aray!" they screamed in unison pagkatapos ko silang batukan.

"Makabatok ka naman dyan, Faye!" reklamo ni Ange

"Para kayong ewan e! Kita niyong ako 'to 'tas kung ano ano pang pinagsasasabi niyo?"

"Hindi naman sa ganon. Kagulat lang talaga" mahinahon na sabi ni Arci at umupo na ulit sa bench.

Ganda ba naman ng eksena nila kanina. Sabay sabay silang napatayo na parang nakakita ng multo pagkadating ko.

"Ang aga mo kasi. Alam mo yun? Parang hindi normal. Ikaw ba talaga yan? May sakit ka?" tuloy tuloy na tanong ni Jersey with matching hawak pa sa leeg ko "Hindi ka naman nilalagnat." 'tas umupo narin siya.

"Teka!" biglang singit ni Ange "Baka naman sinasapian 'tong kaibigan natin." biglang umatras si Ange na parang natatakot pa "Oh Diyo--Ouch!" hinawakan niya yung ulo niya "Ba't ka ba nambabatok dyan?!

"Sira! Gusto mo ikaw ipasapi ko?!"

"Joke lang. Sungit!"

"Maaga lang naman ako kasi maaga ako nagising yun lang." sabi ko at umupo narin.

Thought of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon