Chapter 28 (Texas)

543 25 4
                                    

Chapter 28

Texas

"Can I come in?," that was the hardest question ever asked to me as of that moment.

I was expecting Rich,but I saw Seth.Bakit ganyan ngayon? Bakit sa mga panahong gusto kong makita si Seth ay hindi siya nagpapakita? Tapos ngayong gusto ko siyang iwasan saka namam siya susulpot na lang nang basta-basta? Life is indeed ironic.And an unfair player.

"Why?," I blatantly asked.I'm just broken but I haven't lost my manners yet.Ganunpaman,alam kong mahal ko pa rin siya kahit gaano niya ako nasaktan at sa oras na muli ko siyang papasukin  sa loob ng aking bahay ay alam kong mahihirapan na akong paalisin siya.

Tila natauhan din siya sa tanong ko.Imbes na magbigay ng rason ay iba ang kanyang sinabi. "Sige,uuwi na ako," aniya at dahan-dahang umatras.

Isa,dalawa,tatlong hakbang paatras ngunit ang mga mata namin ay nanatiling magkahinang.Aalis na agad siya nang hindi sinasagot ang tanong ko.

"Bakit ka nga nandito?," I asked him.More specific this time.

He stopped and smiled. "I just want to make sure you're okay," aniya.

"May magagawa ka ba kung hindi ako okay?," diretso kong tanong.

He stood idly.And he seemed bothered by my question.Kung ako ang masusunod,gusto kong sagutin niya ang tanong.May magagawa nga ba siya kung sakaling sabihin kong hindi ako okay? Will it change everything?

Yumuko siya at kita ko ang kanyang pagbuntong-hininga habang ako naman ay tumingala sa langit.Ang ibang tao sa mga oras na iyon ay nagkakagulo para lang malitratuhan iyong Super Moon na tinatawag nila samantalang ako ay hindi magkandaugaga kung papaanong papahintuin sa pagtibok nang sobrang bilis ang puso ko.Paano nga ba ganung nasa harapan ko mismo ang dahilan ng pagkalabog nito.

Kung sana ay napakadali lang sabihing 'bukas ay hindi ko na siya mahal' at kinabukasan nga ay gigising kang wala nang pagmamahal na nararamdaman sa taong iyon.Ngunit hindi ganoon.Kahit ilang libong beses mong ulitin na hindi mo na siya mamahalin,sa tuwing makikita mo siya,libong beses mo ring kakainin ang mga sinabi mo.Because falling out of love does not happen overnight.It takes time.And time.And more time.

And that's what I'm afraid of.Ilang linggo,buwan o taon na naman kaya ang gugugulin ko para lang mahilom ang sakit sa aking puso?

"C-Can I stay for a few minutes?," napabaling ako kay Seth.Alam kong kapag um-oo ako ay lalo ko lang siyang bibigyan ng access para saktan ako.But I don't have the heart to say no to him.Ang tanga kong puso ay nagsusumamo ng isang kaunting pag-asa kahit malabo ito.

O kahit ngayon na lang? Huling beses na lang.

"WELCOME to my humble home," nakangiting turan ng pinsan kong si Paris nang nakarating kami sa bahay nila sa Texas.

Isa lang iyong bungalow.Puti ang kabuuan ng pintura nito sa labas at berde naman ang nakapalibot dahil sa mga bermuda grass at iba't-ibang uri ng halaman na naroon.Pagpasok mo naman sa loob ay puti rin ang kulay pati ang tiles nito.Ang mga furnitures ay medyo dark ang kulay.A theme of black and white to shortly describe it.

"Hanggang kailan mo planong magstay dito?," tanong niya ulit.

"Hanggang sa kusa mo akong palayasin," ngiti ko sa kanya.

"You know I can never do that,unless gusto kong makalbo ng mommy mo," she cringed and I laughed at the thought.

Everyone in our family really has this certain fear with my mom.Kahit kanino kasi sa aming magpipinsan ay wala siyang pinipiling pagalitan basta't nakita niyang may mali sa mga ginagawa namin.My cousins grew up aloof to her.Alam naman din nilang tama ang sinasabi ni Mommy sa kanila.

Masarap Ang Bawal: If EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon