Ang ating buhay ay parang isang pako na nakatusok sa isang gulong na umiikot; may punto na kung saan ang pako ay makakarating sa itaas, at pagkatapos, ito ay darating sa baba dahil sa pag-ikot ng gulong. Ito ay sumisimbolo sa mga ginhawa at pag-subok na dumarating sa ating buhay.
Kapag tayo ay naka-angat sa gulong na ating sinasakiyan, labis ang saya na ating nararamdaman. Lahat ng bagay sa paligid mo ay may halaga, at buong magdamag ikaw ay nagbubunyi dahil sa nangyari sayo. Dahil sa ginhawa, may mga bagay na tayong nakakalimutan at may nagagawa tayong ma bagay na hindi maganda sa mata ng naka-abang sa itaas.
At kung tayo naman ay nakarating sa ibaba, may mga pag-subok na hindi natin nakakaya. Nawawalan tayo ng pag-asa, at napapaisip tayo ng mga bagay katulad ng, "Gusto ko nang mamatay,", o, "Wala na 'to. Ayoko na,". Hindi natin alam na ang mga pag-subok na ito ay pinadala ng isang taong nagmamahal sa atin.
Ang taong ito ay may pagmamahal na walang katulad. Siya ay may malaking puso na kung saan kasiya ang lahat ng mga tao sa mundo doon. Ang problema, tatanggapin ba natin ang pagmamahal niya o hindi?
Ang taong ito ay walang iba kung hindi ang ating Diyos na si Hesu Kristo. Ang buhay na nasa atin ay kaniyang nilikha, at ito ay isang regalo mula sa kaniya. Ang ginhawa na ating nararanasan ay dahil sa kaniya. Binibiyayaan niya tayo ng mga bagay na hindi natin maaakalang darating sa atin. Ang Diyos ay mabait at mapagkumbaba sa lahat. Kapag tayo ay nakaranas ng ginhawa, wa nating kalimutan na pasalamatan ang Diyos na nag-bigay sa mga biyayang nararanasan mo. Wag mo ring kalimutang gamitin ang mga ito sa mabubuting paraan. Nawa'y di tayo mawala sa maayos na landas na ginawa ng Panginoon.
Ang mga pagusbok naman ay galing din sa kaniya. Binibigay ng Diyos ang mga pag-subok upang malaman ng tao ang kahulugan ng kaniyang kaluwalhatian at kapangyarihan. Hindi ibig sabihin nito na kung ikaw ay nakakaranas ng pag-subok, hindi ka na mahal ng Diyos. Ang ibig sabihin nito ay gusto niyang tumatag ang iyong kalooban at ang iyong pananampalataya sa kaniya. Dahil sa mga pag-subok, may natututunan tayong mga bagay na magagamit natin sa hinaharap.
Ayon sa Mga Taga Roma 12:1, "Kaya nga, mga kapatid, ipinamamanhik ko sa inyo, alangalang sa mga kahabagan ng Dios, na inyong iharap ang inyong mga katawan na isang haing buhay, banal, na kaayaaya sa Dios, na siya ninyong katampatang pagsamba." Dapat nating ibigay ang ating mga buhay sa Diyos na lumikha sa atin. Kapag ginawa natin ito, siya na ang bahala sa iyo. Ang buhay ay hindi tungkol sa atin, ngunit ito ay tungkol sa kaniya.