#Special Chapter: Gangster Chaser

2.4K 84 6
                                    

#Special Chapter: Gangster Chaser


Xenzel's POV

Nagpahatid ako kay kuya Johnny sa Seriun. Lunes na ngayon at wala na'kong balak na pumasok pa sa Seriun.


"Kuya Johnny, hintayin niyo lang po ako sa parking area." Bilin ko sa driver namin tsaka ako naglakad sa isang hallway ng university namin.


Dala ko ngayon ang lahat ng mga papeles ko dito sa Seriun. Gusto ko nang i-withdraw ang lahat ng subjects ko at lilipat na talaga ako sa ibang school.


Bakit?


Wala ka na dun.


"Excuse me, Miss." Sabi ko sa isang admin staff sa kabilang parte ng glass wall.

"Yes? How may I help you?" Nakangiti niyang sagot sa'kin.

"Ah, here are my documents. I want to withdraw all my subjects and please provide me a transfer slip." Diretso kong sabi sa kanya.

"You're going to transfer to another school?" Nabigla naman siya.

"Yes."

"Uhh...okay. Let me check."


Agad niyang hinarap yung computer niya. May pinindut-pindot pa siya.


Matapos ang higit isang minuto ay hinarap na ulit niya ako.


"I'm sorry, Miss Crusiano, but I cannot grant your request."

"Ha? Bakit?" Nagsalubong ang mga kilay ko.

"It appears that your father talked to the University Head yesterday and told him never to let you transfer to another school."

"WHAT?! SERIOUSLY?!" NO WAY!

"Yes. There's a note here saying 'not allowed to withdraw or transfer'. I'm really sorry."


Hindi na'ko sumagot. Pamaktol kong kinuha yung mga papers ko at ipinasok ko iyon sa bag ko nang nakabusangot.


Dali-dali ko ring kinuha yung phone ko at tinawagan ko si dad.


["Hello, Xen?"]

"HOW COULD YOU NOT ALLOW ME TO TRANSFER, DAD?!" Inis kong singhal sabay kuyom ng free hand ko.

["Could you stop yelling at me?"] Inis din niyang sagot. ["Nangako ka sa amin ng mommy mo noon na huling lipat mo na yun. Keep your promise."]

"Pero dad!"

["Our decision is final. Sa Seriun ka na mag-aaral hanggang sa maka-graduate ka. Isa pa, napag-usapan na namin ng VEMUS ang tungkol dito. You can't leave your fiance."]

"So it's all about him again?!"

["No. It's about the both of you. Pwede ba maging mature na kayong dalawa? Engaged na kayo pero parang mga bata pa rin kayo kung umasta. Puro kayo away. Mag-usap nga kayo."] I heard him sigh. ["Sige na, may ginagawa pa'ko. Mag-ingat ka diyan."]

Ghosts and GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon