Hindi ko alam kung ilang araw na ako nag mumukmok dito sa kwarto. Ilang araw na rin ako hindi pumapasok sa cafe. Tinatawagan ako ni Charles to know kung kamusta na ako. Ang dinahilan ko kasi sakanya ay may sakit ako.
After ng paguusap namin ni Kuya ay hindi ko na alam ang gagawin. Parang lalo na ako nawalan ng gana. Puro hiwa na nga ang pulsuhan ko. Ang tshirt na suot ko ay puro dugo na rin. Nakakaawa. Kinakaawaan ko ang sarili ko.
Mapakla ako napangiti. "Wala ka talaga kwenta, Chantal. Anong klaseng buhay ba ang gusto mo?" Bulong ko sa sarili ko.
Natawa ako nang biglang tumunog ang aking tiyan. Mukhang gutom na ang alaga kong dragon. Dahil di ako lumalabas ng apartment, wala na ako supply na pagkain ngayon. Pati pagbili ng kakainin ko ay nakalimutan ko na. Nababaliw na ata ako. Ha!
Pumasok ako ng banyo para maligo. Pagkatapos ko maligo ay nagsuot lamang ako ng black long sleeves, shorts at vans. Lumabas nako ng apartment at pumunta ng grocery.
Tinutulak ko ang cart nang biglang may nakabunggo ako. "Sorry po. Hindi kasi ako tumitingin." Paunmanhin ko at tinignan ito.
Shit. "No, it's okay."
Hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Feeling ko ay nanigas na ako dito. Bigla nalang ako nanlamig. Bakit? Bakit pa?
"Miss, are you okay?" Nag aalala tanong nito. Akmang lalapit ito ng patigilin ko siya.
"I-I'm fi-fine." Nauutal na sabi ko.
"Are you hurt? You're crying." Napahawak ako sa aking pisngi. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Bakit kailangan mo umiyak sa harapan niya?
"I have to go." Nagmamadali sabi ko at tinulak ang cart palayo sa pwesto na yon.
Kailangan ko na umalis dito. Nagbayad na ako sa counter. Pagkatapos ay agad ako umalis sa grocery at bumalik sa apartment.
I guess you're okay now, Cameron.