Prologue

160 9 3
                                    

Do you believe in such thing as 'Heart Strings'? Ito raw ang nag i-stretch sa tuwing sumisikip ang dibdib natin dahil sa iba't ibang pakiramdam na minsan ay di na natin makaya kaya nasasabi ng iba "Ang sakit sakit na sa puso."

Maraming dahilan kung bakit nabo-broken hearted ang isang tao. Pu-puwedeng dahil hindi lang tiyempo sa timing ng pagka inlove mo, puwedeng dahil talagang wala silang pakiramdam para sayo at tanging panloloko lang ang alam nilang gawin pero ang rason ko ay dahil nanatili akong tahimik.

Naging tahimik ako dahil natakot ako na baka pag umamin ako eh hindi niya ko magugustuhan. Nagpaka duwag sa pag ibig dahil mahirap umasa sa taong alam mong kahit kailan ay hinding hindi mo makakamtan- Or baka dahil yun lang ang tinatatak mo sa kokote mo.

Let me elaborate my statement- Lahat sila binubulong na sayo na umamin kana pero pinakinggan mo yung mga 'baka'

Baka di niya ko gusto.
Baka di pa ito yung tamang oras.
Baka hindi talaga kami yung itinadahana sa isat isa.

Pero paano kung lahat ng baka nayun ay mali? Paano kung nagpaka totoo nalang ako sa sarili ko? Paano?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 10, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SPEAK (KATHNIEL) Where stories live. Discover now