Rhian
Pag tumalon kaya ako dito siguradong dedbol ako? Mukha namang matatalas ang mga bato at malalim. Magandang pwesto para pagtalunan pero hindi magandang spot para bagsakan. Well, para sa magsusuicide na tulad ko, magandang spot. Pero sigurado kahit nasa kabilang buhay na ako, hindi ako patatahimikin ni Bianca. Isinama niya lang ako sa lugar na ito para magbakasyon at para maaliw tapos magpapakamatay na ako. Bakit ko ba biglang naisip magpakamatay? Wala naman akong mabigat na problema kundi ang puso ko lang naman na nasaktan. Alangan namang itong puso ko lang ang ibato ko o patalunin ko out of my chest. Bakit kasi may putol na tulay dito, nakakapagisip tuloy akong magpakamatay.
"Magpapakamatay ka?" tinig ng isang babae ang nagpagising sa akin at ng lingunin ko, a pair of almond eyes is directly staring at me. Kahit nakatago ang kanyang ulo sa hood ng jumper niya. I was dumbfounded for seconds but I composed myself again.
"None of your business!" mataray kong sagot.
"Nanahimik itong tulay tapos bibigyan mo ng pangit na reputasyon. Sayang naman, wala ng maglalakas loob na umakyat dito at tingnan ang magandang tanawin ng dagat kasi takot na silang lumapit dahil lamang sa pangyayaring ikaw ang may gawa na kung hindi ako nagkakamali ay isang dayuhan pa." deretso niyang sabi na hindi ako tiningnan but went straight to the edge of the bridge at umupo saka inayos ang gitara na dala dala niya.
"What do you care? And why are you here? Can't you see I came here first." mataray kong sabi. "At bakit diyan ka umupo sa dulo baka mamya mahulog ka." habol ko, she's practically swaying her legs pa, ang tapang naman ng babaeng ito. Mataas kaya itong tulay mula sa may dalampasigan paakyat at mula dito sa dulo pababa ay mga 20 feet din siguro o mahigit pa.
"Diba balak mong magpatiwakal, bakit natatakot ka sa pwesto ko? Pag mamay ari mo ba ang tulay na ito para angkinin mo? Kung ayaw mo ng may kasama, tumalon ka na tutal yon naman talaga ang gagawin mo kung hindi ako dumating di ba?" deretsa niyang sabi. Sasagot na sana ako pero nakita ko siyang ngumiti and I saw her dimple, ang cute tingnan para akong na hypnotized at bigla akong natameme. Bumalik siya sa ayos at nag umpisa ng magtipa ng gitara niya.
"Can you please move back a little, natatakot ako sa pwesto mo. I'm not kidding, you're freaking me out." pakiusap ko na sa kanya.
"Bakit mo ako pinauusod? ganito talaga ang upo ko tuwing pumupunta ako dito." sagot niya, mas may sayad pa pala itong taong ito kesa sa akin eh. Then she removed her hood at lalo kong nakita ang nangungusap niyang mga mata.
"I'm serious, please move back a little" at umupo na ako sa bandang kanan niya pero malayo."Dito ka na lang tabi tayo, hindi ko kayang umupo diyan. I'm afraid of heights." nasabi ko and I saw her laugh and her eyes that laughs too at ang cute niyang dimples. Mas malinaw ngayon dahil hindi na nakatago.
"Takot ka pala sa matataas na lugar pero gusto mong tumalon mula dito sa tulay." she said and she started to move backwards hanggang magkatabi na kami. "Ayos na ba ito?" tanong niya and I just nod then I saw her smile again.
"Why are you smiling?" seryosong tanong ko.
"Bakit seryoso ang mukha mo?" tanong niya pabalik.
"Can't you answer my question straight, why do you always asked me back?" inis ko ng sabi.
"Bakit masama ba?" tanong ulit niya.
"I'm serious." tingin ko ng tigre sa kanya pero napangiti lang siya
"Kanina ka pa nga mukhang seryoso eh." sagot niya sabay tingin sa dagat at inumpisahan nanamang magtipa ng gitara niya.
"Why are you here?" tanong ko muli.
BINABASA MO ANG
Thirty Days To Forever
FanfictionFor a broken soul ready to give up, is 30 days enough? RaStro characters naman po ngayon. Muli ito po ay kathang isip lamang. Anumang pagkakahawig sa ibang kwento ay hindi sinasadya at nagkataon lamang. Wala po itong kinalaman sa mga characters ng s...