[33 Part 1] Ang clingy ni Mico at badtrip si Enzo. Sinong pipiliin. Bow.

347K 3.7K 1.9K
                                    

Hope's POV

Ang mommy at daddy ni Mico ay nakaalis na ng bansa last week. Hindi ko alam kung dahil doon ba, pero sobrang clingy ni Mico noong mga nakalipas na araw.

"Hope, sunduin kita after ng class ha? Let's have lunch together."

Yan ang huling sinigaw niya sa akin bago siya pumasok sa class niya. Half day lang kami ngayon dahil may pupuntahang seminar ang mga teachers.

"Hope, umamin ka nga sa amin. Anong meron sa inyo ni Mico?" Ito na naman po si Chelsea del Mundo, nagiinterrogate na naman.

"Wala! Ano ba kayo!" Depensa ko.

"Waley daw. Hoy bruha, if I know, imbis na magaral ka eh nagfoformulate ka ng mga love potions para kay Papa Mico ko!" Dagdag ni Miks.

"Hoy Michael ha, ako wag mong inaakusahan! Kung gagawa man ako ng love potions, para kay Enzo at hindi kay Mico ano! Pwede ba!"

"Chararat ka!"

ABA'T CHARARAT DAW AKO!

Magwrewrestling na naman sana kami ni bakla doon kung hindi lang kami pinatigil ni Chelsea.. At ng bell. Pumasok si Miss Bisbal sa room namin.

Oooh. Anong ginagawa ni Miss Bisbal dito?

"Hello, good morning. You all know that every year we select one student who'll be given a special task. Every year, we add different twists sa mga tasks na binibigay namin. Sometimes, we give you a list of the things that you should do--"

Oh my god. Ang planner ni Enzo! Ang task ni Miss Bisbal! Anong nangyayari?!

"We just would like to announce na meron na kaming napili na student na mabibigyan ng task. But of course, malalaman niyo kung sino ang student na iyon sa graduation day. What I would like to tell this class is.."

Bakit sa class namin?! Hindi ba dapat sa Section A?! Pero ssshh Hope! Sshhh!

"Everyone should cooperate. May mga 'hidden tasks' ang chosen student at hindi dapat siya mabuko or else fail ang mission niya. Every year lahat ng missions ay successful. So gusto ko lang sabihin na.. Kahit hindi kayo ang napili, sana pagbutihin niyo pa rin ang pagaaral niyo. Malapit ng magend ang 3rd quarter at papasok na naman ang 4th quarter. Ienjoy niyo ang bawat oras na kasama niyo ang mga kaklase ninyo dahil... Highschool ends. Time flies. Hindi niyo namamalayan, bukas graduation niyo na pala, bukas makalawa maghihiwahiwalay na kayo. Kaya guys, galingan niyo and goodluck! Thank you."

Pumalakpak kami at nagpaalam si Miss Bisbal. Napaisip naman ako sa sinabi niya. Oo nga, malapit ng matapos, gragraduate na kami. :(

100 Steps To His Heart [Published Book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon