PUBLISHED under Pastrybug, an imprint of Life is Beautiful (Partner of Precious Pages)
Php119.75
Available in all Precious Pages Book Store, National Book Store, Pandayan Bookshop and Expressions Nationwide!
--
Chapter 29
“Our past creates our future.”
Georgina
I was still shocked sa mga plano ni George. Una, settled na ang lahat – may bahay at sasakyan na. Pangalawa, ready na ang invitation, ako na lang ang hindi nakakaalam na ikakasal na kami. Pangatlo, kinasal kami na wala akong naitulong.
“Ma, bakit hindi n’yo naman po sa’kin sinabi na ikakasal na ako? Nakakahiya kay George.”
Nagbibiyahe kami papunta sa simbahan. It was 19th of July, our wedding day.
“’Nak, isa lang ang sagot ko sa tanong mong ‘yan: mahal na mahal ka kasi niya.” My mom almost cried. She hugged me. “Masayang-masaya ako dahil tamang lalaki ang minahal mo.”
“Ma naman, e. ‘Yong make-up ko.”
Pigil na pigil ako sa pag-iyak. Tears of joy. I was very happy. Hindi ko mapaliwanag ang sayang nararamdaman ko.
When we reached the church, kabang-kaba ako. Malaki ang simbahan. It was well decorated with yellow and brown, our motif, with tulips and white roses.
Geeo’s our ring bearer. Blesie’s my maid of honor. Maynard’s George’s best man.
Ariane, my cousin, was our wedding planner. Pinapila niya ang mga kasali sa entourage. Kaunahan si Maynard na siyang best man ni George. Sumunod ay ang parents niya. Masaya ako na bumuti na talaga ang kalagayan ng Mama niya.
Nakasilip lang ako sa bintana ng kotse. Hindi pa ako nakikita ni George.
Then, I saw my little boy. He’s so cute. Sinusundan siya ng mga abay namin from the company na sina Boss Lee at Maynard, Cathryn at Brian, Bea at Josh, at Kaidy at Jake. Kasama rin ang mga pinsan ko at ni George na sina Neeca at Ephraim, at Shiela at Jeffrey. They were followed by our godparents namely Ms. Nadine, Head of Finance, and Sir Troy, Head of Engineering, and Sir Jason Lee with his girl, Ella (Yes, may love life na rin si Sir Jason) and some of our uncles and aunts. May ilan din na mula sa Board of Directors ng The Lees.
Nagugulat na lang ako sa kanila. Hindi naman kasi ako kasali sa paghahanda nito.
Blesie, my maid of honor, started to walk down the aisle. Nang makarating na sila sa kani-kanilang mga upuan, si Gwen, George’s younger sister, ang naglalakad na sa red carpet. Siya ang flower girl. Ten years old na siya but she insisted na maging flower girl. Masyado niyang mahal ang kuya niya. Umiyak pa siya nang malaman na ikakasal na kami. Siya ang lagging sumasagot sa mga phone calls ng kuya niya at nagpapakilala bilang girlfriend. Kapani-paniwala naman dahil sa mataray niyang pananalita.
Buti na lang at natanggap niya ako agad. May pagka-istrikta ang batang ito. Na-spoiled siguro ni George.
Pero ang ganda-ganda niya ngayon. Magkatulad kami ng suot. Maliit na wedding gown ang kanya. Nagsasaboy siya ng mga petals ng white roses habang papalapit sa altar.
Sa mga sumunod na nangyari, naiyak na lang ako, hindi dahil sa kalungkutan pero dahil sa sobrang kaligayahan. Si Mama na ang naglalakad papunta sa altar. Umiiyak siya. Wala si Papa para samahan si Mama. Wala si Papa para ihatid ako sa kay George. Pero alam ko, mula sa langit, pinapanood niya kami ngayon.
BINABASA MO ANG
I'm 20 but still NBSB (Published)
Novela JuvenilPUBLISHED IN 2014 UNDER PRECIOUS PAGES CORP. ADAPTED TO TV5 WATTPAD PRESENTST IN 2015 Minsan, kahit gaano kaganda, kabait at katalino ang isang tao, hindi pa rin niya magawang maging masaya. May kulang pa rin sa buhay niyang "close to perfection" n...