Chapter 1- Embarrassing Flashbacks

562 10 9
                                    

Nag-ipon ako ng lakas ng loob para mag confess sa kanya, pero dahil sa mga nangyaring di kanais-nais sa akin bigla nalang ito naglaho.


At napalitan ng kahihiyan.
KAHIHIYAN na lahat ng yun nasaksihan niya.


SCENE 1- Sa CR


Nakaramdam ako ng kapayapaan ng maka ihi na ako. Palabas na ako ng cr ng makita ko si cyde. Ngayon ko lang naalala na magkaharap pala ang cr ng boys at girls. Ito na siguro ang tamang moment. Go Quinn Sabihin muna.


"Ahm. Hi" ako, hindi siya umimik


"Hmm?" sasagot na sana siya ng may biglang sumigaw. Epal! -.-


"Girllll! May dalaw ka, mahiya ka naman" stranger


Hinarap ko ang palda ko para makita kong may tagos ba.


Grabee. Meron nga. Nagulat ako at natauhan na nandito pala siya sa harap ko.


Nagulat nalang ako ng pumunta siya sa may gilid ng cr at bumili ng napkin sa napkin machine.


At ang mas ikinagulat ko ay binigay niya sa akin ang napkin at agad na umalis.


Natameme ako at di naka imik agad. Di man lang ako nakapagpasalamat.


I know it sounds childish but I didn't use the napkin that he gave to me. Instead i'll keep it.


Aaminin kong nakakahiya ang nangyaring yun pero di ko pa rin mapigilang kiligin.


~

SCENE 2- Sa hagdanan


"Lalalalala" trip kong kumanta ngayon. Palakad-lakad ako pababa ng hagdan ng may maapakan ako.


At tsaka ko lang narealize na nadulas ako dahil sa naapakan kong saging.


Nyemas! Sinong Unggoy ang kumain ng saging na yun??? At ng mapatay ko!


Pero bat ganun, di ko man lang nafeel na bumagsak ako sa lupa??


"Mga tol! tingnan niyo oh, color pink ang panty at winnie the pooh pa. Hahahaha" sabi nung lalaki


Anudaw? Oh lupa kainin muna ako.


Bat may umuungol sa harapan ko?? Pag tingin ko biglang nanlaki ang mata ko at dali-daling tumayo.


"Cyde??"


Ang awkward ng position namin. I am on top of him.

Ang mas nakakahiya ay nakita pa ng mga tao ang kulay ng panty ko.


"Sorry sorry cyde, di ko sinasadya" napayuko nalang ako dahil sa kahihiyan at feeling ko naiiyak ako.


Mangyari kaya yun sayo? Nadulas, nakita ang panty. :( For sure, naturn off na siya sa akin.


Hindi niya pinansin ang sorry ko, at bigla nalang umalis.


"Hahahaha pink na winnie the pooh ang panty" tawanan ng tao sa paligid ko.


Sht!

~

Ito ang pinaka matindi.


SCENE 3- Flag Ceremony


"Papa naman eh! Bat di mo ko ginising??" ako


"Ang ingay mo talaga gisele! Para kang nalalunok ng mega phone!" kuya


"Understand her kuya, nag hyhysterical yan kasi malalate na" kressel


20 minutes nalang. Lateeeee na ako nito. 15 mins pa naman ako maligo. Huhu!


@School


"Guard waittttt!" yung diary ko asan na??? Ngayon pa talaga naiwan sa bahay ah. Great! Just great!


Dali-dali akong tumakbo papunta sa bahay, walking distance lang naman eh. Pero ngayon tumakbo talaga ako.


"Guard! ito na!! *sabay pakita ng diary ko*" grabe hingal na hingal ako kakatakbo.


Pinapasok niy naman ako. Late na talaga ako.


Cause for the first time in forever!


At maswerte ka nga naman *sarcastic* Ako pa ang napiling mag lead ng flag ceremony namin. Bakit? Why? Nande? Wae?


Nakakahiya. Haharap ako sa lahat ng schoolmates ko na tagaktak ang pawis??


"Miss Heiward. You may lead now" teacher


"Yes miss" ako


Pagtungtong na pagtungtong ko sa stage.. Grabe sila makatingin. Ngayon lang ba sila nakakita ng sobrang haggard? Haha!


Nakita pa ako ni cyde!


Pagkatapos namin mag pray. Lupang Hinirang na. Para akong tanga magbeat sa harapan. -____- eh sa di ako marunong eh


May microphone pa naman, maririnig nila ang maganda kong boses na biyaya ng maykapal.


Habang nagsisimula na akong magbeat at nagsimula na silang kumanta.


Nakita ko siya sa line nila. Nakatitig lang ako sa kanya habang nagbebeat.


"Sa dagat at bundok sa simoy at sa langit mong SH*T!"


Nagulat nalang ako ng masabi ko yun. Inangat niya kasi ang polo niya kaya nakita ko ang bandang tiyan niya.


Napatigil ang lahat. At bigla nalang silang tumawa. At may naramdaman akong aura ng demonyo sa likuran ko.


"Go to my office after this" POD namin.

Patay! I'm dead.

Those three little wordsWhere stories live. Discover now