Kabanata 4

0 0 0
                                    

"Shit. Answer the phone Axy!" gigil na gigil si Lej dahil kanina pa siya tawag nang tawag kay Axy ngunit hindi siya nito sinasagot. Dumagdag pa ang sakit ng kanyang sugat sa bandang kilay dulot ng pagkakasuntok sa kanya ni Troy.

"Tsk. Please, baby. Answer your phone." pabalik-balik ang kanyang paglalakad at di siya mapakali sa nangyari kanina sa clinic. Alam niyang nasaktan niya si Axy. Hindi niya naman mapaalis si Stacey dahil bukod sa wala siyang masabing dahilan, may pagka'spoiled brat pa ang babaeng iyon at hindi titigil kapag gusto niya ang ginagawa.

Stacey Queen Fortalejo is a family friend. Magkasosyo sa negosyo ang kanilang mga magulang. Hindi rin siya manhid para hindi maramdaman na may gusto ito sa kanya.

"Uy, pare. Ano? Okay ka lang?" napalingon siya sa tumapik sa kanya at nakita ang kanyang kaibigan na si Niko.

Niko Salazar is also a family friend. He is also his best buddy since elementary. Magkaklase sila noong elementary hanggang ngayon kaya kilala na nila ang isa't-isa. Siya lang din ang nakakausap ko tungkol sa relasyon namin ni Axy.

"Narinig ko ang nangyari sayo kanina tol. Gago talagang Troy yun, pasiga-siga! Tsk. Ano? Pababayaan mo na naman yun?" medyo galit na sabi ni Niko.

"Hindi tol. Kinausap kami ng Guidance Counselor. Ipapatawag bukas ang mga magulang nun." sagot ko.

"Mabuti naman at natauhan ka na. Aba, malapit na kitang patayuan ng monumento diyan sa sobrang bait mo eh." nakangising sabi nito.

"Namo!" natatawang sabi ko at pabiro itong sinuntok sa braso.

"So, nakausap mo din ba si Axy? Narinig ko na napasugod siya sa clinic. Hmm, nangangamoy LQ!"

At dahil sa pagkabanggit niya sa pangalan ng girlfriend. Napatingin siya sa cellphone niya at saktong kai'end call lang ng tawag ang nakita niya sa screen.

"Shit! Sinagot niya?!" gulat niyang bulalas at kaagad tinawagan ulit ngunit ganoon na lamang ang kanyang panggigigil nang cannot be reach na ang phone nito. "Damn! Disturbo ka kasi eh! Di ko na tuloy namalayan na sinagot niya tawag ko!" masamang tingin ang ibinigay ko kay Niko na tawa nang tawa lang sa akin.

"Damn!" inis kong pagmumura.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 10, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Untold FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon