"My Superman"
Dear Diary,
It's been awhile 20 years old na ako pero hinahanap ko parin ung best friend ko si Edriel. Namimiss ko na siya. Meron kaming picture nung 10 years old pa lang kami. Nakasuperman shirt siya sa picture. Kaya ang pangalan ng banda ko ngayon ay "Superman" . Vocalist ako sa banda namin. Sikat kami locally :) And I'm hoping na sana maging international din kami. I wonder how Edriel had been? Wala na akong matinong best friend simula nung lumipat siya ng ibang bansa. Yung mga bandmates ko barkada lang nmn kanya-kanyang best friend din sila. Si Amal lead guitarist,si Pauline bassist,si Roseann sa piano si Cielo naman sa drums.Sige Iuulat ko na pala ung story namin. Bye!
9 Years Old
FLASHBACK
Mahangin. Yung malaking puno sa tapat ng bahay namin sumasayaw. Nakaupo lang ako sa lilim ng puno. Hawak yung kite ko na bigay skin ng papa ko. May truck na huminto sa tapat. May pag maglilipat. Bahay yun dati ng auntie ko pero umalis na sila. May maliit na kotse na sumunod. May batang lalaki na bumaba,halos kasing edad ko lang. Bigla siyang napatingin sakin. Nginitian nya ako. Tumakbo ako sa loob ng bahay namin at humiga sa itaas ng double deck. Ay! Nakalimutan ko ung kite ko! Lumabas ako ulit pero nawala na. Nako, yun pa naman ung favorite kong kite.
Monday na. Pasukan nanaman. Ayaw na ayaw ko sa school ko. Sa All boys school ako nag-aaral. Naka-navy blue pants kami with white polo shirt. Baduy kasi kailangan naka tuck-in. Recess na. Kinuha ko na yung food sa canteen. Orange juice na maasim, Spaghetti na sweet pati apple. Hawak-hawak ko ung tray ko. Since medyo maliit ako kesa sa iba,ako lagi nilang pinagtitripan. Umupo ako sa malaking pwesto malapit sa basurahan. Walang gustong umupo dun kasi losers lang daw dun.
Nilapitan ako nung mga lalaking 10x bigger sakin. Si Jaydee. Napakapangit,napakataba,napakasama. Lagi akong pinagtitripan.
Jaydee: Hoy bakla!
Rj: Bakla mo mukha mo!
Jaydee: Anong sabi mo?
Rj: Bingi ka ba? sabi ko mukha mo!
Pinahawak nya ako sa mga kaibigan nya tapos pinagsusuntok-suntok nya ako. Hindi ko na kayang lumaban pero kahit lumabo paningin ko,medyo nakita ko pa na may tumulong sakin. Binitawan ako nung dalawang lalake tapos nagtakbuhan sila. Kinausap ako nung savior ko.
? : Ok ka lang?
Rj: Nabugbog tapos ok? May sapi ka?!
? : Haha, ang funny mo. Ako nga pala si Edriel. Ikaw?
Rj : Rj!
Edriel: Simula ngaun friends na tayo ah?
Si Edriel and pinaka unang friend ko sa school na yan kahit nursery pa ako nanjan. Siya din pala yung bagong kapitbahay naming. Kaya mas naging close kami.
10 Years old
One year na ang nakalipas. Pero this time, bakasyon na! YAY! Araw-araw kaming naglalaro. Nagtayo kami ng treehouse dun sa likod ng bahay ko. Minsan dun kami natutulog. Kahit pangit yung looban, pero ayos lang.
Edriel: Rj! Picture tayo!
Rj: Kaninong camera yan? Ang ganda naman.
Edriel: Sa ate Ella ko toh. Hiniram ko.
Rj: Ahhh okeey!
Edriel: Tayo ka lang jan hah? Ita-timer ko lang.
Pagatapos nyang i-timer,tumakbo siya sa tabi ko. 1,2,3 click! May lumabas na papel sa gilid ng camera. Pinaypay ni Edriel tapos maya-maya lumitaw yung mga mukha namin.