Chapter1

641 4 0
                                    

Gulat na napalingon si Belle sa humablot ng sigarilyong nakapasak sa bibig.

It was Piero, the barangay captain's son.

Itinapon nito ang sigarilyo sa pinakamalapit na basurahan.

"Bawal manigarilyo dito. Maraming bata na naglalaro dito ang pwedeng makakita sa'yo." Iginala nito ang paningin sa covered court na iyon. "Baka gayahin ka pa nila."

Sumimangot siya.

"Tanghaling-tapat ngayon, Piero. Namamahinga sa kani-kanilang bahay ang mga batang sinasabi mo."

"Tama. Katanghaliang tapat nga pero nagsusunog ka ng baga."

"At least hindi baga mo ang sinusunog ko." Hindi na siya kumuha pa ng isa pang stick ng sigarilyo. Tiyak kasi na hindi siya titigilan ng lalaki.

"I'm just a concerned citizen. Besides-"

"You're the barangay captain's son. At naturuan ka ng parents mo na maging concerned sa barangay specially sa mga mamamayan dito." Siya na ang nagtuloy sa sasabihin pa nito. Nasaulo na niya ang speech nito sa loob ng tatlong taong panenermon nito sa kanya. "What else is new?"

Natawa ito. "It seems like I have to remind you from time to time na masama ang paninigarilyo sa ating katawan."

"I know. But I can't help it..."

"Sino ba'ng magkakatuberculosis, Piero? Don't stress yourself too much."

Nagsalubong ang kilay niya sa narinig. Kailangan pa niyang tumayo para makita ang nagsalitang iyon.

Tama siya. Si Jayden nga iyon. Isa sa mga pinakamayabang na lalaking nakilala niya. Kasama nito ang kaibigang si Lievan.

"Oh. Bakit kaya napadpad dito si Sir Yabang?"

Professor ang lalaki sa isang university sa kapitolyo. Duda siya kung may natututunang matino ang mga estudyante nito.

Naiinis siya sa lalaking ito. Akala mo kung sinong gwapong makapagyabang... Well, gwapo naman talaga ang hudas, aminin man niya o hindi.

"It's a public place Miss Yosi Photographer. Expect me in here anytime. Besides mas karapat-dapat ang kagwapuhan ko sa mga kabataang naglalaro dito," ngisi nito.

"Really huh! I'm wondering if you know the spelling of the word 'humble'."

"What did you think of me? Utak peanut? Ofcoarse I know. H-U... oh sorry I forgot the word."

Eksaheradong tumawa siya. Sa totoo lang ay gusto nang mag usok ng bumbunan niya.

"Jayden, Jayden, Jayden. You must be joking... very funny! Ha! Ha! Bigyan ninyo ng piso ang clown na 'yan. Nakakaawa naman."

Natawa si Lievan. "Bro, ang corny mo kasing magjoke. Eto piso."

"Kulang ang piso sa joke ko, Belle. One million dollars ang joke ko." Hindi nito pinansin ang pambubuska ni Lievan. Waring hindi rin ito apektado sa pasaring niya.

Tinaasan niya ito ng kilay.

"One million dollars, huh! Piso lang ang halaga ng joke mo. At kahit ibenta mo ang kaluluwa mo, hindi pa rin aabutin ng one million dollars."

"Ayokong ibenta ang kaluluwa ko. Pero kung katawan ko ang ibebenta ko, aabutin ito ng higit pa sa isang milyong dolyar. Pustahan pa tayo. But of coarse, hindi pa ako ganoon kahirap para ibenta ang macho kong katawan."

"Pigilan mo ako, Piero. Mababato ko ng basurahan ang mayabang na iyan," gigil na bulong niya sa kaharap.

Napabuntong hininga si Piero. "Heto na naman kayo. Minsan-minsan lang kayo magkita pero nag aaway agad kayo. Ganyan ba ninyo mamiss ang isa't isa?"

"Hah! Excuse me?" pati yata ito ay paiinitin ang ulo niya!

"Come on, Piero. Hindi naman kami nag-aaway eh. Lambingan ang tawag dito." Lumapit ito sa kanila.

"Wag kang mangarap Mr. Yabang," sarkastikong sabi niya dito.

"I'm not dreaming Miss Yosi," inabot nito ang pisngi niya at pinisil iyon. "Umm! Ang cute mo talaga!"

"Aray! Ano ba!"

Batid niyang namumula na ang pisnging kinurot nito nang makawala siya.

Minsan ay natatakot na siyang lumapit dito. Lagi na lang kasi nitong pinanggigigilan ang pisngi niya.

"Nakakadami ka na ha! Piero, physical harassment ito at mag aapela na ako sa barangay hall. Back me up!" baling niya kay Piero.

"He won't do that. I'm his friend. Ako ang kakampihan niya. Di ba, Piero?"

"Tigilan nga ninyo akong dalawa. Kung gusto ninyong magbarangayan, feel free to visit my dad," nauubusan ng pasensyang sabi ni Piero.

"Jayden, hindi ka pa rin nagbabago. Pumapatol ka pa din sa mga babae," iiling-iling na sabi ni Lievan.

Nakalapit na rin ito sa kanila.

Kung may gusto man siyang hangaan sa tatlong ito, si Lievan iyon. He's so kind, gentleman, humble at tingin niya ay one-woman-man ito.

"Alangan namang sa lalaki ako pumatol, Lievan? 'Sagwa naman nun. Straight ako, no."

Hindi katulad ng Jayden na ito na sobrang yabang na, napakapilosopo pa. Mukhang graduate ito ng Philosophy with master's degree and a gold medal awardee.

Napabuntong hininga siya. May naaalala siya kapag nakikita ito. Kaugaling kaugali nito si...

Ipinilig niya ang ulo.

Mabuti pang umuwi na lang siya. Wala siyang mapapala sa pagtambay sa covered court na iyon.

She wanted to be alone. Peace and quiet. Kaya nga katanghaliang tapat siya pumunta doon.

"This is nonsense. Uuwi na lang ako." Tinalikuran niya na ang mga ito.

"Teka sandali. Ngayon lang tayo ulit nagkita after a couple of days, Belle. Hindi mo ba ako namiss?"

"Shut up, Jayden! Kung ayaw mong tuluyan na kita diyan." Binilisan niya pa lalo ang lakad.

"Teka, hintayin mo ako. Sabay na tayo'ng umuwi."

Maya maya pa ay kaagapay na niya ito.

Huminto naman siya at pinameywangan ito.

"Hindi ka ba makakauwing mag-isa at kailangan mo pa ng kasabay?"

"Hindi ang sarili ko ang inaalala ko. Ikaw. Baka lang kako kailangan mo ng proteksyon ng mga murcles ko." Tinapik pa nito ang muscle sa braso.

"Ito'ng muscle ko, nakikita mo?"

"Saang banda?" Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa.

Lalong nag init ang ulo niya sa ginawa nito.

"Lumayas ka nga sa harapan ko! Baka masuntok ko na 'yang pinagmamayabang mong mukha!" asik niya dito na iniamba ang kamao sa mukha nito.

Hinawakan naman nito ang kamao niya.

Ang liit naman ng ipapanuntok mo sa akin. Gusto mo pahiramin kita ng boxing gloves?"

Inis na binawi niya dito ang kamao.

"Oh, how can I forget? Kulang nga pala ang kamao ko kahit magboxing gloves pa ako sa kakapalang ng mukha mo."

Subalit parang hindi umepekto dito ang sinabi niya. Tumawa pa nga ito.

Lalo naman siyang nagngitngit.

"Wag kang sasabay sa akin! Ayaw kitang kasabay!" Tinalikuran niya ito at nagmartsa palayo doon.

"Teka, sure ka bang hindi mo kailangan ng-"

"Get lost!!"

Way Back Into Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now