Actress

10 1 0
                                    


"Bunny!" masayang basa ko sa salitang nakasulat sa maliit na papel. Nagkaroon kasi kami ng exchange ng gifts dahil malapit nang matapos ang semester. Kulang isang buwan na lang.

"So sino si bunny?" luminga ako sa paligid, ignoring him. Tumingin ako sa kaliwa dahil alam kong nasa kanan siya. Nakaform kasi kami ng bilog. Nung nakaraan pa kami nagbunutan kung sino ang pagbibigyan ng regalo, pero hindi mga pangalan ang nakalagay kundi kahit anong code name. Malalaman lang namin kung sino sa araw ng bigayan, at ngayon 'yon. At dahil 'bunny' ang nabunot ko, agad kong naisip na babae ang may-ari nito.

Walang nagtataas ng kamay bilang sagot sa tanong ko. "Yuhoo, bunny, where are you?" Tatawa tawa ko pang sabi, nang magtaas siya ng kamay. Ay paksyet ah.

"I'm here." he said as he stood. Lumapit siya sa kinatatayuan ko at nagsimulang magtilian ang mga kaklase ko. Mga baliw talaga.

Ngumiti ako at iniabot sa kanya ang isang regalo, hindi naman to para sa kanya talaga dapat. Kasi akala ko babae, eh! Ano bang laman ng regalo na yun? Towel? Libro? Panty?

I sighed. Relo ang laman nun. Kulay pink, may pagkahello kitty pa nga yata yung napili ng kapatid ko. Malay ko naman ba kasing siya si bunny. Anak ng tinapa naman kasing kuneho 'yan.

"Salamat." tinanggap niya yung box na kulay pink na may pulang ribbon. Binawi ko ang kamay ko kasama 'yung regalo. Bigla akong nahiya na ibigay sa kanya.

"Iba na lang ang ibibigay ko sayo. Pambabae kasi 'to." nagawa kong sabihin nang hindi nanginginig ang boses.

"Okay lang 'yan sakin. Basta sa'yo galing." nalaglag ang puso ko. Yumuko pa ako para pulutin ito at ibalik sa kinalalagyan. Ngumiti na naman siya. Ayan na naman yung ngiti niya. Bakit ba kasi lagi na lang siyang ngumingiti? Hindi niya ba alam na ang daming nababaliw dahil sa ngiti niya?

I gave the present up. Baka ano pa sabihin ng iba kapag pinagtagal ko pa.

"Okay next!" ani KD, 'yung nagoorganize ng event. Mabilis akong naupo. Siniko ako ng kaibigan kong si Ai. "Ano kinilig ka na naman?" inirapan ko lang siya at tumayo.

"CR lang." sabi ko at nagsimulang lumabas ng room. Hindi ko tiningnan sino man sa kanila. Lalo na siya.

Hindi ako nagpunta ng CR. Umakyat lang ako sa rooftop ng building. Humawak ako sa railings at tumingin sa baba. Napahawak ako sa dibdib ko. Shet! Nagtama 'yung mga kamay namin! Kahit saglit lang 'yun para akong mamamatay sa kilig.

Pagkatapos ay napahawak ako sa mainit kong pisngi. Tinakpan ko ang mukha ko saka tumili. Nababaliw na talaga ako. Huminga ako ng malalim pagkatapos. "Nakakainis ka, alam mo ba 'yun?" bumulong ako sa hangin. Totoo naman, nakakainis siya. Pero wala eh, gusto ko pa din siya.

Yung lalaking ilang beses nang sinabing hindi ako gusto. Paulit-ulit akong nababasted, paulit-ulit kong tinatanggap, paulit-ulit akong nagmomove on, at paulit-ulit uli akong nagkakagusto. That's just how much I like him. I'm hopeless romantic, indeed. Romantic and very hopeless. But this time, I have to move on and I will. Itatak ko man sa bato at ihampas ko sa kanya! Makakamove on ako!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 11, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Hopeless RomanticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon