1

12 0 0
                                    

Ako at ang aking alagang aso.
Nariyan siya ng magunaw ang aking mundo,
laging naglalakbay sa malayo.
Masaya siya kapag nariyan na ako.

Ako at si Pablo,aking kasama ng lumaki ako
hindi niya ako nilisan ng iniwan nila ako dito sa mundong magulo.

Marami kami pagkakatulad,parehas walang makain,ni bigas para ipang saing,nakahiga kami palagi sa sementong napakalamig at napakarumi.

ang pagkakaiba lang namin tao ako at siya ay ang alaga kong aso.

Masaya akong gumising sapagkat magpapasko na dadagsa na ang tao dito sa divisoria,marami nadin ang magbibigay ng barya.

Pero sa pagkakataon iyon ang hindi ko na siya kasama, ang alaga ko ay nawala.
hindi ko alam ang aking gagawin sapagkat mahina ako at di ko alam saan ko siya hahagilapin.

Hinintay ko siya ng magdamag, tiniis ang ngalay ng paa na nakatayo na buong umaga,ako'y na ngangamba sapagkat mag aalas dose na wala pa siya.

Nasaan ka na ba pablo,Nagagalit na ako dahil ang tagal mo,Iniwan mo na din ba ako tulad ng ama ko.

Naupo nalang ako sa sementong malamig.
nangingig,nagaalala,inaalala ang mga sinabi ko gabi bago ka mawala."Sana sapagkakataon ito ay may makain na tayo pablo,sawa na ako sa kakalahad ng palad para lang makakain tayo."

Tumayo ako sa pagkakaupo.nang makarinig ang ng isang tahol mula sa kanto.nilakad ko iyon kahit hirap, isang hakbang nalang.

isang tahol ang nagpatulo ng luha ko,isang naghihingalong aso sa labas ng isang pagsasalo,naglalawang dugo ang nakita ko.
si pablo ko,ang alaga kong aso, mga pangarap ko tila nag laho.Ang gusto ko lamang ay kasama siya sa araw ng pasko, pero na bago yun dahil iniwan niya na din ako.

Hindi sila naawa sa isang asong walang kamalay malay, ang gusto lang naman ay makahingi ng makakain, pero anong ginawa nila gumamit pa sila ng dahas sa isang asong walang kalaban laban.

Mga walang puso! Si pablo nalang ang meron ako,pinatay pa ng mga taong sira ulo.Hindi ako papayag na hindi ipaglaban ang katarungan sa alaga kong aso, siya nalang ang meron ako.

Kinuha ako ang isang malaking bato at ibinato sa lamesang puno ng mga buto, tiratirang pagkain,alam kong mali ang ginawa ko pero iyon lang ang alam ko.

isang matigas na bagay ang naramdaman ko sa likod ng aking ulo, tanging tinig ng anghel ang naririnig ko."Matulog kana at bukas wala nang sakit ang mararamdaman mo."

Kasama ko ngayon si pablo,
masaya kami ngayon dahil hindi na kami muling magugutom, kasama ang mabubuting tao At ang alaga kong aso sa paraisong ipinangako.

Hi guys.sana po nagustuhan niyo ang munting tula na malaya sa tingin ko hehehe naisip ko lang yan dahil sa alaga kong pusa na nawala at di ko na nakita.

11.11.16
- M.B.B

Ako at si PabloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon