Pinili kong lumugar dati sa tabi mo dahil nakita ko ang mga lungkot sa mata mo.
Sinamahan kita hanggang kailan mo gusto.
Ibinahagi ko sayo ang aking mga kwento.
Pinakilig kita hanggang sa pumula ang pisngi mo.
Hinawakan ko ang kamay mo dahil yun ang nais mo.
Dahil mahal kita at pinili kong lumugar sa tabi mo.
Alam kong hindi ka handa dati pero kinaya kong ipagpilitan ang nararamdaman ko.
Ramdam kong mahal mo ako noon at natatakot ka lang.
Pero hindi ka na nag alala pa, kaya't lumugar ako sa iyo ng walang pag aalinlangan.
Walang halong biro at hindi napilitan. Ginusto ko ito.
Ginusto ko dati na ako'y nasa tabi mo.Napakasarap umupo noon sa tabi mo. Pareho tayong hindi nauubusan ng kwento.
At napakasaya. Dahil nung mga panahong hawak ko ang kamay mo, kumakapit ka pa.
Mas lalo pa nga tayong nag dikit.
Ang mga mata nati'y 'di namalayang pumikit at nang ang mga labi nati'y naglapat, para akong nasa langit.
Ayoko na sanang umalis sa tabi mo.
Komportable na ako.
Kampante na ako .
Pero naramdaman kong nanakaw na ng iba ang titig mo.
Kaya kahit ako ang kasama mo, balewala lang sa iyo.
Kaya di na ko nag atubili pa.
Ako'y tumayo at sayo'y nagpaalam na.
Wala lang naman sayo kaya hindi na ako nagtaka.
Kaya ngayon, pipilitin ko nang ilugar ang sarili ko.
At pangako.
Hindi na yun sa tabi mo.
BINABASA MO ANG
Spoken Words
PoesíaPara sa mga taong nasaktan at iniwan. Para sa mga gustong magbasa ng mga TULANG MAY HUGOT.