-1- Relic~

97 12 6
                                    

-1- Relic

PAALALA: Para sa taong pag-aalayan ko ng churva na to, maghanda ka na ng tissue!! Chos!! HAHAHA xD

----------

Nag-iisip ako kung sino ba sa lahat ng idol ko ang uunahin kong alayan ng isang part ng ka-echosan na to!


Nagpaka-stalker ako sa talagang mga nangunguna sa listahan ko, pero hindi parin ako makapag decide kung sino sa kanila ang uunahin. Hahaha!! Eh ang dami kaya!

Bigla akong may naramdaman na parang may kulang? Yung feeling na yung sagot na hinahanap mo sa tanong mo eh yun pa yung nakaligtaan mong gawin at daanan.


Atsaka ko lang napagtanto na sa lahat ng profile na na-stalk ko, ang profile ng isang to ang nakalimutan ko :(


I am very busy idolizing others without realizing that this person I am talking about is the very reason why I exist here in wattpad.

Kaya bakit pa nga ba ako hanap ng hanap kung sinong dapat unahin eh ang "PAYAT" na to ang pinakamalapit sa akin, pinakamalapit sa puso ko.


LIL SISSY??!!

Sino nga ba sya para sa akin?

Ano nga bang kapangyarihan ang meron sya bukod sa pagiging payat nya kaya naimpluwensyahan nya ako ng sobra sobra?!

Almost three years na ng magkakilala kami. We were strangers to each other way back then.

We were in our 1st year as a college student that time. Uso parin talaga ang introduce chenes nung mga time na yon. Hindi ko pa talaga pansin ang taong ULAN na to that time. Ang PAYAT nya kase kaya hindi kapansin pansin. Joke! Hahaha.


Nagsimula ang pagpapakilala at nakuha nya ang attention ko ng may binanggit sya about pink! As far as I remember it, fave color nya yun. ata?! Hahaha! Inasar sya ng ilan dahil sa barbie na design ng notebook nya. Barbie girl pa nga ata kung tawagin at asarin sya.

Maingay na talaga ako ng mga panahon na yun. Pero tahimik ako na nag-oobserve sakanya. May aura kasi sya na feeling ko makakasundo ko sya, bukod sa pink na isa sa mag uugnay sa amin.


At hindi nga ako nagkamali, dahil kung titingnan ngayon super close na kami. As in parang magkadugtong na ang mga intestines namin. Kulang nalang magkapalit na kami ng mukha dahil lagi kaming magkasama.

Lahat ng meron kami ngayon hindi ko inaasahan. Kung babalikan ang nakaraan namin, may sarili syang circle of friends at ganuon din naman ako.

Ibang iba ang trip nila sa trip ng barkada ko.

Sa klase, parang may sari sariling mundo ang bawat magtotropa kaya wala kaming pagkakataon na magkausap na dalawa.

From the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon