-2- beeyotch

74 8 7
                                    

Ariesa Domingo aka beeyotch

-----------

OMG!! Eto na! Hindi ko na nakayanan ang mga nababasa ko sa OP Confessions ni Master Eydee! Gravityyy!! HAHAHA!! Puro #OPConfessions ang laman ng news feed ko. Nakakaathar sya in a way na mapapatawa ka ng sobra at mapapareact na, OHMYGAD talaga!! Kasi naman ang daming rated SPG, at tuwang tuwa naman ako! Chos! HAHAHA!

At dahil hindi ako makasingit at makasali sa OP Confessions, dito ko nalang idadaan ang mga nararamdaman ko! Kailangan ko itong mailabas dahil sasabog na ang ovaries ko! Mygaad talaga! Ang hirap pigilan.

Nung una, FB profile lang ni Ate Eydee at ng mga characters ang sinusubaybayan ko! Pero nung ang daming nabubuntis sa ask.fm ni Drake/KM! huhu! Hindi ko napigilan ang sarili ko, nagbabad narin ako doon! Tama nga sila, parang nagkalat ang ilang milyong sperm ni Drake/KM sa ask.fm nya. Kahit anong sagot nya, parang mabubuntis ka talaga. But Thank God, napigilan ko ang sarili ko. Next time nalang kapag matangkad na ako! Wahaha!! Ayaw nya kasi ng maliit, papatangkad muna ako para kahit mabuntis ako, mahal nya na ako. Charot!

Pero hindi ko naman uubusin ang oras ko para lang ilabas ang saloobin ko sa bawat pagpapakilig na ginagawa ni Drake sa story pati na rin ni Drake/KM sa ask.fm. This part is really intended for the one and only Beeyotch. Ate Eydee hello! Sana po mapansin mo ako. HAHA! Feeling close ako! Sorry naman po, hindi ko mapigilan eh, idol kasi kita.

Sa ibang super fan din ni Ate Eydee alam kong makakarelate kayo, lalo na ngayon na sunod sunod na ang nangyayari sa buhay ng DRALYS. Shemmy talaga! Ang bilis ng update, at ang bilis din ng tibok ng puso ko dahil ang intense ng bawat pangyayari.

Pero ang napansin ko, uso talaga ang buntisan eh. Mapa-ask.fm pa yan o DAP. HAHA! Come what may nalang, abang abang din pag may time. HAHA! Fier magtago ka na. Jk.!

Habang nag iisp ako kung ano ba ang pwede kong ilagay kapag si Ate Eydee na ang ifefeature ko dito, bigla kong nakita yung FHADGK book ko. It just gave me an idea that I need to share my thoughts regarding the published books and yung experience ko pagdating sa mga libro na ito.

Nakakatuwa talaga na malaman na yung mga kwentong nabasa mo dito sa wattpad noon, ngayon ay naipupublish na at yung iba magiging movie pa. Oh diba ang saya! HAHA! Pero syempre sa kabila ng tagumpay ng mga great authors ng wattpad, ay ang pagluluksa din ng mga bulsa ng mga bumibili ng libro. Right?

Pero ako, kahit gustong gusto ko talagang bilhin lahat ng lumabas na libro, hindi ko magawa. Hindi ko kayang isacrifice yung budget ko for food kasi mahirap na, baka pumangit ako. De Joke! Hahaha! Napaka-purita ko talaga kasi book 2/part 2 na ang naglalabasan wala parin akong libro kahit isa. And then when the time came that I have already the chance to buy a book kasi nagkapera na ako, matinding pag-iisip ang aking ginawa para mamili kung anong libro ba ang dapat kong bilhin. Kasi naman lahat gusto ko, pero limited lang ang pera ko. Isang libro palang ang kaya kong bilhin kaya kailangan pag-isipang mabuti.

Nagbabad ako sa facebook at sa wattpad, nakita ko ang library ko at ang bumungad sa akin ay ang mga likha ni Ate Eydee. Nagpaparamdam ata talaga siya na kulang nalang sabihan ako na “Hello! Ang ganda ng story na ito, ako na bilhin mo!—FHADGK.” Naisip ko, ano bang naging epekto sa akin ng story na ito, and then biglang nagflashback sa utak ko yung bawat tawa, bawat luha at bawat kabaliwan na naranasan ko ng paulit ulit kong binalikan ang story na ito. Kaya walang patumpik tumpik pa, ito ang librong binili ko.

Bago pa man maipublish at mawala sa wattpad ang FHADGK, binalikan ko talaga ulit ito at tuluyan na talaga akong nahumaling kay Andoy. Shete! Garabe naman kasi! Lalo pa na ang galing galing ng OP nya pati ni Ate Dana. Saludo talaga ako parang sundalo  sa mga nagiging OP ng characters ni Master Eydee. Mahirap kaya mag-OP, pero dahil kakaiba talaga si Ate Eydee syempre dapat kakaiba din yung mga OPs ng characters nya.

Pansin nyo ba? Ang daming pakulo ng mga characters nya. Ang saya saya diba? Ang yayaman pa nila kasi laging may papremyo. Wow talaga! Ate Eydee, ikaw na talaga. Saan mo po ba hinuhugot yang mga OP mo? Pwedeng malaman baka sakaling magkalovelife ako! Charot lang. Haha!

At ayun nga, ang pinakaiingat-ingatan kong libro na nagmula sa wattpad ay ang FHADGK book ni Ate Eydee. Wala akong pagsisisi sa libro na ito, kasi ang dami kong naririnig na yung iba ang pangit ng pagkakasalin sa book lalo na kung English. Though hindi naman ako ang mismong nakaranas noon I guess hindi naman siguro maiiwasan talaga yun. Pero itong FHADGK book! Isa lang ang masasabi ko, AMAZING! Super! As in. Kasi ang galling ng pagkakasalin at kahit English sya damang dama mo parin talaga yung emotions ng mga characters sa bawat linyang binibitawan nila. Ibang klase talaga.

Kaya sabi ko sa sarili ko, kung may libro akong bibilhin sisiguraduhin kong libro yun ni Ate Eydee. Kaya nga nung lumabas yung announcement tungkol sa Drake Palma book! Waaahh!! Kahit purita pa ako, pinaglaanan ko talaga ng budget. Kahit masmahal sya talaga compare sa ibang book na gusto ko pang bilhin, inuna ko parin sya. Umasa din kasi ako na mapapasama ako sa first 100 para lang sa pirma ni KM the Great, pero hindi ako pinalad. Kaya eto imbis na yung pagbubuntis ang problemahin ko yung pirma nya! Dama nyo ba? Pirma lang yun pero luksang luksa ka na. Ang OA ba? Wala akong pake eh sa fan ni Drake eh. Hahaha!

Kahit ano pa man ang dinanas ko dahil kay Drake, (feeling Alys lang eh) mahal na mahal ko parin sya. Haha! Pero masmahal ko si Master Eydee. Yan ang walang duda. I just want to thank you Ate Eydee for being such an inspiration sa mg aspiring writer na katulad ko. Yung tipong ang isa sa nagtulak sayo para magsulat ay boredom? Wow Ate! Dama kita talaga. Haha! Ang galing galing mo po talaga, sobra. Marami ka man pong naburang story mo sa wattpad, wala lang nasabi ko lang po. Haha! Ang sarap po pala sa feeling na nailalabas ko yung saloobin ko sa isang idol author ko. Thank you Ate Eydee, hindi mo man po ako kilala, gusto ko lang po ipaalam sa iyo na isa ako sa milyon milyong fans na nagmamahal sa’yo lalo na sa story mo.

 FROM THE HEART Ate Eydee, I love you to the moon and back and round the universe back to my heart !

--pinkstellar

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 29, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

From the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon