Mahirap talagang maging babae, kasi yung mga lalaki, pwede pa nilang ligawan yung mga napupusuan nila. pero kami? Hanggang tingin nalang.
Ganyan kasi yung sitwasyon ko. I think, mga 3 years ko ng crush si crush.Nahihiya naman akong umamin tsaka, baka kung umamin ako, layuan niya naman ako. Diba? Kaya mas pinili ko nalang na huwag umamin, kaso...
Paano naman kaya kung umamin ako? Siguro kung ginawa ko yun, baka umamin din siyang crush niya rin ako? Oo? Hindi? Siguro? Hay, ewan!
Aamin na ako kay crush. Ito kasing kaibigan ko, sinulsulan ba naman ako. Kung hindi daw kasi ako kumilos, walang mangyayari. Hanggang tingin nalang talaga ako sa kaniya.
Kaya, this is the moment! Kaya mo yan, Shar! Go!Go! Fighting!
" Ahm..N-Na-a-sh?" Aish..bakit ba nauutal ako?!
Bigla nama siyang lumingon sa akin.
" Yes? Ano 'yun?" Gosh! Kinausap niya ako! Pigil ka muna, kausap mo siya! Pero, may halo pa ring kaba. Hihi...
" Ah....ano..ahh" Ano ba yan! Bakit di ko masabi?
" Eh?Ih?Oh?Uh? Haha." Nabara pa ako. Lol.
" Hehe..ano kasi.."
" Ano ba talaga yung sasabihin mo?"
" Ano...kasi..............GUSTO KITA!" Hala! Napalakas ata yung pagkakasabi ko kaya saakin natuon ang atensyon ng klase.
"...." Wala siyang respond? Wala lang ba siya sasabihin? Tss.. na-shock ata siya sa pag-amin ko?
May sasabihin sana ulit ako kaso bigla siyang tumalikod? Anyare? Lagot! Paano na? Sabi na e, mangyayari toh. Hay..kainis.
Umupo nalang ako at tinakpan ko ng buhok ko yung mukha ko. Nakakahiya kasi, pinagtitinginan na kami. Geez!
Nagsimula na ang klase kaso lutang lang ako hanggang matapos ang klase.
" Shar! Mauna na ako ha? See you tomorrow!Okay lang 'yan, huwag mong dibdibin masyado kasi wala ka namang dibdib. Hahahahahahaha. Mwah. Bye! Ingat ka!" Pagpapaalam ni Beshie.
" Tsk.. bwiset ka! Sige sige.. ingat ka rin! Loka ka talaga! Mwah. Bye!" Kumaway nalang ako sa kaniya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.
Naramdaman ko na may humawak sa braso ko at hinila ako.
" Aray naman! Ang sakit ha? Baki--" Natigilan ako sa pagsasalita. Si Nash pala. Bakit kaya?
" Hmm.." Ano kayang sasabihin niya, kinakabahan ako.
" Oo, alam ko na."
" Huh? Ano?"
" Alam ko naman na ayaw mo saakin kaya tinalikuran mo ako kanina. Pasensya na ha? Kung gusto mong layuan kita, sige, okay lang. May magagawa ba ako? Wala naman diba? Gusto ko lang sabihin sa iyo na gusto kita, simula pa nung 1st year college pa tayo. Sige, bye!"
Paalis na ako ng hatakin niya ulit yung braso ko. Kailangan ba talagang hatakin? Baka naman maputol braso ko?
" Sandali. Ano bang sinasabi mo?"
" Huh? Diba yun naman talaga yung gusto mong sabihin? Kaya pinangunahan na kita."
" Eh? Hindi... hindi. Hindi yun."
" Hehe..ano ba yung sasabihin mo sa akin?" Grabe, nakakahiya.
" Ano kasi e....pasensya na kung tumalikod ako nung umamin ka sa akin kanina. Hindi ko alam ang sasabihin ko. At di ako makapaniwala na may gusto ka rin pala sa akin. Namumula na yung tenga ko nu'n. Nakakahiya kung makita mo.."
" Ta-ta-talaga?" This can't be true? Am I dreaming? Mali ba yung pagkakarinig ko? May gusto rin siya sa akin?
" Oo eh. Liligawan na sana kita kaso naunahan lang ako ng pagkatorpe."
" Ahh.." Iyon na lang yung nasabi ko. Tama ba yung narinig ko? Liligawan? Wahhh!! Hihihi...
" So...ayos na tayo?"
" Ha? Anong ayos na?"
" Haha. I mean, walang ng ilangan between us? Okay?"
" Hehe..sige." Maikling sagot ko.
" Sige, pwede ko bang ligawan yung mga magulang mo?"
" Ha?! Bakit naman?" Diba, dapat ako? May gusto ba siya kay mama?
" Haha..lg ka pala. Nakakatuwa ka naman."
" Lg? Diba, tatak yun ng mga appliances? Tsaka 'di naman ako nakakatawa." Anong pinagsasabi niya? Diko siya ma-gets..
" Hahahahahahahaha." Bakit siya tumawa? Diba, tama naman ako? Diba diba?
" What's funny? Donkey? Haha. 'De, joke lang."
" I mean du'n, low gets or slow type ka pala at magkaiba ang nakakatuwa sa nakakatawa."
" Ahh..haha. Tama ka nga. Pero bakit mo nga sila liligawan?!" Grabe! Nakakahiya naman.. Ano ba naman kasing pinagsasabi ko?! Aish..
" Haha, simple lang. Liligawan ko sila para makuha ko ang loob nila para maligawan kita, diba? Haha. Mas lalo pa kitang nagustuhan sa ugali mo." Ang sweet naman niya! Kaya ko siya nagustuhan eh. Hihi..
" Ahh..ganun ba yun? Haha. Sige.."
" Hatid na kita sa inyo, delikado na, mag gagabi na oh."
" Hehe..huwag na. Nakakahiya..." Pakipot pa yung lola niyo. Haha.
" Pakipot ka pa! Alam ko namang gusto mo e."
" Hala! Paano mo nalaman?" Mind reader ba siya?
" Haha. Sabi na e. Tara na, hatid na kita sa inyo."
" Sige, maraming salamat!"
" Walang anuman, prinsesa ko!"
--THE END--