Chapter 1
Jason's POV
"..has an angle of 45 degrees and has an upper base measuring twice the square of its lower base.."
"three multiplied by the square root of 169 divided by.."
"..if point A is produced so that segment CD meets at.."
"Optional.."
"..quantity x plus 8 multiplied by quantity y minus.."
"transpose 3 to the right side of the equation.."
"INFINITY."
Sa wakas, tapos na ko sa test. 15 minutes pa? Ang aga ko pala natapos. Okay lang. Di pa naman ako tapos sa essay assignment ko e. May time pa maghabol. Hehe. Makapagpasa na nga.
"Sir.."
"Mr. Rodrigo? Done already?" sabi ni Mr. Alvarez, teacher kong daig pa si Padre Damaso sa taba. Hehe.
"Yes sir."
"You better double check it. Mamaya, puro carelessness na naman yan."
Pfft. Carelessness. Tamad talaga magcheck amp. Bakit ba kasi absent yung totoong teacher ko sa Geom? Napunta tuloy kami lahat sa kamay ng teacher na to. Saksakan ng tanda na pero lagi pa ding present. Bat di pa kse magretire?!
Isip na nga muna ko ng isusulat. Kunwari nagsosolve. Bad trip. Wala akong maisip. Tsk. Di pa kasi tapos si Jen e. Siya naman talaga magaling sa essays e. Nakakanis talaga. >.<
Oo nga pala. Ako si Marko Jason Cuatro Rodrigo. Ang weird ng pangalan ko noh? Hanggang dun ba naman, may number pa din? Haha. Ganun talaga e. BTW, isa kong Math Genius. Yabang ba? Sensya na ah. Yun lang kase maipagmamalaki ko e. Maingay, palaaway, magulo. Yun na kase ung iba kong traits e. Physical? Katamtaman lang. Yung tipong "boy next door"? Average lang lahat sakin. Height. Kagwapuhan. Ilong. Katawan. Pwera lang yung IQ ko. HAHA. At oo, pati kayabangan ko.
Si Jen? Ah. Bestfriend ko yun. BFF nga daw e. Pinakamabait sa klase. Tahimik. Matulungin. Best speller. Best speaker. Best writer. Best artist. Best FRIEND. :))
Anyways. Siya nalang kaya ang maging main topic ko? GREAT IDEAAAAA! Iba na talaga ang mga cute na henyo. :)
GAME.
...
......
.........
..........
????????????????
!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Uuuuuuhhhh. Hala. Anong sasabihin ko? Nakakainis na naman oh. Wala padin akong maisulat. Ewan ko ba. Pagdating kay Jen. Parang natatameme ako. Hindi ba makapagexplain? Naku. Hindi ko maintindihan kung anong gusto kong sabihin. Para akong baliw. Tssk.
Bakit kaya ganun? Sa dinami dami ng math problems na nasolve at na-analyze ko, si Jen na ata ang pinakamahirap sa pinakamahirap intindihin.