xxx | Isabella

5.3K 124 16
                                    

Mararamdaman ko kung sakaling nasa kapahamakan si Leandro. Pero hindi ko masasabi na magkadikit na ng tuluyan ang buhay namin. Nagsisilbi lang ang marka upang maging tanda sa aking pagmamahal sa kanya.

"Pasensiya na..." hinawakan ako ni Donya Miranda sa kamay. Nanginginig iyon at malamig. Ngumiti nalang ako.

Hindi ko magawang magalit sa kanya. Kasi kung nasa kinatatayuan niya rin ako, baka mas malala pa ang gawin ko sa nobya ng aking anak. Hindi lang pagbato ng vase.

Tinulungan ko siyang tumayo sa pagkakasalampak niya. Rinig ko ang malakas niyang pagbuntong hininga.

"Tumawag sa akin ang kapwa sundalo niya sa kampo at sinabi ang balitang malala ang kalagayan ng aking anak. Sinabi niya na maaaring wala na itong pag-asang mabuhay pa."

Kinagat ko ng mariin ang aking labi. Sumandal ako sa marmol na poste. Sinusubukan kong ibalanse ang aking sarili ngunit dala na rin ng panghihina ng tuhod ko ay hindi malabon mapasalampak ako.

"Kailan siya babalik?"

Halos hangin na lamang ang lumabas sa akin.

Kahit na batid kong buhay siya. Kahit na sinisingit ko sa aking isipan na buhay siya, hindi ko mapigilan na masaktan.

Nasa kapahamakan ang buhay niya...

"Hindi ko alam. Nais ko mang magtungo sa lugar kung nasaan siya ngayon ngunit delikado. Nagkaka-initan ang katunggali nila. Mas lalo lang magiging komplikado ang lahat kung makikisawsaw pa ako."

Tumingala ako. Pumikit para patigilin ang luhang nagbabadyang tumulo.

"Buhay po ni Leandro ang pinag-uusapan dito."

Suminghap siya. Pagdilat ko ay nakita ko ang pagtukod ng kamay sa kanyang dibdib. Lukot ang mukha niya at hinahabol ng hininga.

"A-Alam ko..."

Dinaluhan ko siya sa kanyang tabi. Hinimas ko ang likod niya upang pakalmahin ang Donya.

"Pero mas malakas ang bisa ng taimtim na pagdasal kaysa magpabara bara sa aking kilos."

Maagap niya akong niyakap, "Magiging maayos rin ang lahat." anas ko at sinalo ang nawalang malay na Donya.

Hindi na ako nagulat pa o nataranta. Dala na rin ito ng kapaguran, lungkot at puyat. Naiintindihan ko. Dama ko siya.

Kasi alam kong kapag hindi ko napigil ang aking sarili, mas malala ang aking matatamo...

"Maliit ang pag-asa na magising muli ang anak niyo. Malakas ang pagsabog ng bomba kaya't napuruhan siya ng sobra."

Tahimik ang buong paligid.

Pinagmasdan ko ngayon si Leandro na nakahimlay sa kanyang kama. Nakakabit sa kanya ang iba't ibang tubo at may aparato na rin na nakakonekta.

Iyon na lang ang tanging paraan upang mabuhay siya--ang hindi tanggalin.

Kagabi lang siya nakarating, mahigpit kasing ipinagbabawal ang ganitong proseso. Ngunit itinapal na sa kanila ni Don Miranda ang salapi sa mukha. Hindi na napigilan ang kanilang ninanais... na makapiling muli ang anak nilang walang malay.

"Hindi ko masusukat kung ilang taon siyang nasa comatose," tinignan kami ng doktor at malungkot na ngunit.

"Let's just pray to God. Siya nalang ang natatanging sandalan niyo ngayon. Money and power can't get your son in a conscious state, Don Miranda. Sana maintindihan niyo..."

Nakita ko kung paano nasira ang kanilang pamilya. Nasaksihan ko ang unti-unting pagkawalay ng kanilang agawat. Ako ang naging mata sa tuluyang pagbuwag ng kanilang pagmamahalan.

GhostlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon