1.I: The Beginning

4.2K 106 32
                                    

May isang babae na nakaupo sa lupa at parang umiiyak

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

May isang babae na nakaupo sa lupa at parang umiiyak. Mahaba ang kanyang tuwid na buhok, maputi at makinis ang kanyang kutis, at nakasuot siya ng isang mahabang bestida na labas ang likod at wala rin itong manggas.

May lalaki pa lang nakahiga sa kanyang hita at yakap niya ito. May mga galos din ang balat ng lalaki. Hindi naman makita ang mukha nito dahil natatakluban ng kanyang makapal na buhok.

Para bang nag-aagaw-buhay ang lalaki at nagluluksa 'yong babae.

---

Isang magandang umaga na naman at ready na 'ko suot ang school uniform ko. Tiningnan ko muna sa body mirror dito sa kuwarto ko ang kabuuan ko.

Bigla ko naman naalala 'yong weird dream ko last night. Sino ba 'yong mga taong 'yon sa panaginip ko?

I just heaved a sigh. Sasakit lang ang ulo ko kakaisip sa bagay na 'yon. Besides, hindi na rin bago sa'kin ang managinip ng weird things and scenarios.

But one thing is what I'm sure of. That guy on my dream. Basta may weird akong panaginip, present siya.

At nang satisfied na 'ko sa hitsura ko ay bumaba na 'ko para mag-breakfast. Ready na ang almusal pagderetso ko sa dining table namin. And as usual, favorites ko ang nakahain!

"Good morning, Dad!" bati ko kay Daddy after kong umupo.

"Good morning, sweetie," bati niya rin sa'kin habang busy sa iPad niya.

"Good morning, baby!" bati sa'kin ni Mommy matapos niyang umupo.

"Good morning, Mom!"

I'm my parents' only child. I'm attending an exclusive private school and my parents are both working on the business field. My dad is a company's CEO and my mom is a businesswoman.

Pero kahit gaano pa ka-busy ang parents ko, hindi naman ako uhaw sa atensyon nila. They have always time for me. Kaya kung iniisip nilang spoiled brat ako, then they're wrong. Medyo may kaartehan nga lang ako because I'm quite choosy. But who cares?

"Aika, sweetie."

I looked at Dad when he called me.

"I just want to tell you that we're planning a travel trip to United Kingdom next month."

Nandilat ang mga mata ko, "Really? For real, Dad?" then I looked at Mom, "Mom? For real?"

"Yes, baby," sagot ni Mom.

"But, in one condition."

I paused and waited for my dad to speak again.

"Kailangan mataas ang grades mo this quarter. Dapat mas mataas siya compare to your previous grades. Is that clear?"

"Of course, Dad! When did I disappoint you when it comes to studies? This would be just a piece of cake," I answered in full confidence.

"That's my girl," Dad said with a smile.

Underworld University: The Mystic QuestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon