Umalis na si Kris at naiwang nag-iisa sa kanyang opisina si Ms. Cherlynn. Kanyang sinasariwa ang unang araw na kanyang nakita at nadiscover ang natatanging talent ni Kris sa fashion.
FLASHBACK:
Namimili sa isang sikat na boutique sa Greenbelt si Ms. Cherlynn ng kanyang mapansing ang noon ay 19-anyos pa lamang na si Kris. Nakasuot ng college uniform ang dalaga habang namimili ng mga damit. Sa harap ng isang malaking salamin ay nagmi-mix and match si Kris ng mga napili niyang damit. Lihim na natuwa si madam dahil kanyang nakita ang potensyal ng dalaga sa larangan ng fashion. She approached Kris.
Ms. Cherlynn: Hi! I'm wondering if you could help me out in choosing an outfit for my friend? Kanina pa ako paikot-ikot dito pero nahihirapan ako magdecide eh.
Kris: Sure, ma'm! I'd love to do that. Uhmmm... Anong klaseng outfit po ba ang gusto niyo for your friend? Formal? Casual?
C: Hmmm... Let's go for casual.
K: Great!
Nag-ikot si Kris sa boutique while si madam ay nakaupo lang sa isang eleganteng sofa habang pinagmamasdan kung paano siya mamili ng mga damit. After 15 minutes binalikan niya si madam holding a sleeveless knee-length dress in baby blue and a few accessories that go perfectly with it. Napataas ang kilay ni madam.
And the next thing she knew ay kasama na niya si Kris sa kanyang opisina.
***
Balik tayo sa opisina ni madam.
Hindi maikakaila ng kislap sa mga mata ni Cherlynn ang labis na ligaya nang makitang muli si Kris. Hulog talaga ng langit ang babaeng ito sa kanya. Hindi makikilala ng husto ang Glam Oh! kung wala ito. Isang magaling na writer, designer at stylist ang dalaga. 50% ng laman ng kanilang magazine ay galing sa utak at puso ni Kris. Kaya halos mabaliw si madam at lahat ng staff na nagtatrabaho sa Glam Oh! ng walang pasabing lumipad ang lola niyo to US tatlong taon na ang nakakaraan. Sa sobrang pagkangarag eh hindi na nagawang mabusisi ng lubos ang mga aplikanteng nagnais na pumalit sa posisyon ni Kris. Pero move on na. Okay na. Nandito na ulit si Kris. Nandito na ulit ang walang katulad na si KRISANDRA MARIE VILLACORTE.
Napangiti si Cherlynn ngunit napawi agad ito at napakunot ang noo ng biglang pumasok si Morris sa kanyang opisina.
Morris: Sorry I'm late. Again. Sorry po talaga. *Umupo sa chair na harap ni madam.
Cherlynn: Aminin mo nga sa akin, Morris?! Yung totoo? Mahal mo ba ang trabaho mo??!
M: Sorry na. Traffic eh.
C: So traffic? Traffic ang mag-aadjust sa 'yo? Yung EDSA gagawa na sarili niyang paraan para makadating ka sa trabaho on-time?! Ganun ba?? So anong gagawin natin?? Nakaalis na yung dati nating stylist/designer/writer na babalik na sa atin ngayon?! For the past three years puro ka reklamo sa mga stylist na nakakatrabaho mo, ngayong bibigyan kita ng isang magaling na tao na makakasama mo eh nagpa-late ka naman?? Nasaan ka kagabi?? Nagpakalasing?? Nambabae??
Tumayo si Morris at niyakap si Cherlynn.
M: Sorry na, ate. Last na yan. I promise this is the last time na male-late ako sa trabaho o sa kahit na anong meetings natin.
C: Hay naku, Morris. Ilan beses ka na nangako sa akin. I swear kung hindi lang ako pinakiusapan ni dad hindi kita tatanggapin dito. Nakaka-stress ka eh. Grow up, will you? Please?
M: I love you, ate. You're the best sister in the world. *Kiss sabay hug kay Cherlynn
C: Nagugutom ako. Treat me to lunch. Now na!
Hindi maitatanggi ni Cherlynn na mahal na mahal niya ang nag-iisang kapatid sa kabila ng pagiging pasaway nito.
***
BINABASA MO ANG
Ang Pag-ibig Nga Naman
RomanceThis is a romantic-comedy story. Ewan ko lang kung matawa kayo, ako kasi mababaw ang kaligayahan ko. In fact habang sinusulat at iniimagine ko ang mga scenes sa istoryang ito, hindi ko mapigilang tumawa. :P Anyway, the story revolves around KRIS an...