A Heart of Stone

3.9K 71 3
                                    

Author's Note:

Merry Christmas lovies!

Tissue please!

================================================

Maaga pa lang gumising na ko at mabilis na pinatakbo ang cooper ko papunta sa mansion ng mga Aquino.

Ipaglalaban ko ang pagmamahal ko para kay Jairus!

He gave me so much reason to hold on to this love. Yung Jairus na nagmahal sakin ng totoo at nagturo sakin kung paano maging selfless when it comes to love.

“Good morning manang!” masiglang bati ko sa kanya.

“Good morning Sharlene! Ang aga mo ngayon, talagang gusto mong makabawi kay Jai ha?”

Pumunta na kami sa kusina at naghanda ng breakfast.

Yung mga maid nila kilig na kilig sakin dahil ang sweet ko daw.

Gusto kong mag-usap kami ng masinsinan ni Jai.

6:08 na. I prepared a very special arroz caldo and fresh fruits for him.

“Manang dadalhin ko na to sa kwarto niya. OK lang po ba?”

Excited na excited at kilig na kilig naman siya. “Sige hija! Umakyat ka na. Dalhan mo na ng breakfast si Jairus.”

Excited na kong umakyat dala ang tray ng breakfast ni Jai.

I opened the door, dahan dahan lang.

Eeeehhhh Kinikilig ako!!!!

“Good morning!!!” masiglang bati ko.

Bigla namang nawala ang mga ngiti ko......

Ito na yata ang worse na maiisip ko na mangyari sa pagbawi kong ito sa kanya.

Hulaan niyo kung sino ang nakahiga sa bed nya?

Si Ella.

Nagising si Ella dahil sa malakas na pagbati ko.

Hinigpitan ko ang hawak sa tray na dala ko.

Biglang lumabas si Jairus sa cr na nasa loob ng kwarto niya.

“Shar????” gulat na tanong niya.

“Breakfast mo!” Iyon na lang ang nasabi ko.

Inilapag ko sa drawer niya tapos umiiyak akong tumakbo palabas.

“Prinsesa ko, please let me explain...” narinig kong sabi niya.

Hinahabol niya kong bumaba sa hagdan nila na pang mayaman at nawala ang ngiti ng mga maid nang makita akong umiiyak. Natulala sila.

Nakalabas na ko ng bahay nila pero naabutan ako ni Jairus.

“Shar, I can explain this.” He grabbed me and hugged me but I slapped him hard.

“OO! GO! IPALIWANAG MO JAI!!!! I WANT YOUR EXPLANATION KUNG BAKIT MAGKASAMA KAYONG NATULOG NG EX GIRLFRIEND MO SA KWARTO MO!”

Umiiyak akong tumakbo sa pink cooper ko at sumakay. Humaharang si Jai sakin pero hinawi ko sya. Ayoko na!!! Ang gusto ko lang ay ang makaalis sa lugar na iyon dahil hindi ko kaya ang sakit.

Maya maya I saw in my rear view mirror yung blue bmw niya. Sinusundan niya ko.

Bumubusina sya sakin.

Tapos tawa ng tawa si spongebob sa cp ko kasi tumatawag siya.

My wheels brought me to Aguas’ residence. Umagang umaga at nakita kong nagdidilig ng halaman sa garden si Tita Neth.

Let Me Love You **Under Editing**Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon