Hindi man nakatulog ng maayos sa sobrang guilty sa ginawa niyang pagsugod sa unit ni Venus the other night eh pinilit pa rin ni Kris na makapasok sa opisina ng maaga. Busy-busyhan ang lola niyo pagkadating niya doon at agad na binasa/binusisi/pinag-aralan ang past issues ng Glam Oh! Medyo napag-iwanan na nga sila. Natuwa siya ng isa-isa ng magdatingan ang kanyang mga kasama. Nakakatuwang isipin na sa loob ng 10 taon ay nandun pa din sila. Mabait kasi si Ms. Cherlynn. Parang kapatid na ang turing nito sa kanilang lahat. Ito ang isa sa dahilan kung bakit pinili ni Kris na bumalik kesa tanggapin ang offer sa ibang bansa. Masaya siyang binati ng mga kasamahan at halatang excited ang mga ito sa mula niyang pagbabalik. Bubuksan na niya ang kanyang laptop ng marinig na nagsalita si Tessie, ang maganda at sexy na secretary ni Ms. Cherlynn.
Tessie: The target has arrived.
Napansin ni Kris na nagmamadaling mag-retouch ang sangkababaihan at sangkabaklaan (bale 5 silang babae doon pwera kay Ms. Cherlynn at 2 naman ang mga beki). Si Ynna ay nagretouch ng make-up. Si Andrea ay nagpahid ng lipstick kahit na mas mapula pa sa dugo na ang mga labi nito. Si Hasmin na naniniwalang kilay is life eh of course, nag-ayos ng kilay habang si Tessie naman na pinagpala sa hinaharap eh naghubad ng blazer at kinipit pa ang dibdib para mas lalo itong lumaki at lumuwa. Si Hanz, ang malantod na beki ay dali-daling kumuha ng kape at pumwesto malapit sa main door. Si Tongie, ang baklang maton na tinubuan ng muscles na may sparkly pink na buhok ay nagkunwaring walang paki pero pasimpleng inaayos-ayos ang kanyang buhok.
Bumukas ang main door at nakangiting pumasok ang isang pagkapogi-poging lalaki.
Morris: Hello, guys! Good morning!
Hanz: Good morning, pogi! Here's your coffee oh.
Morris: Uy, thanks. *Sabay palo sa pwet ni Hanz.
Hanz: Ene ke be? Ikaw ha. Kainish ka!
Tessie (kumuyabit kay Morris at sadyang dini-dikit pa ang kanyang malusog na dibdib): Fafa Morris, kelan na yung pinangako mong dinner sa 'kin? Ikaw ha, kinalimutan mo na ako.
Morris (dumistansya kay Tessie): Ano ka ba? Pwede ba namang makalimutan kita? Busy lang sa mga shoots eh. Kapag hindi na busy magdi-dinner tayo. Okay? Tayong lahat para masaya. Right, guys?
Sumimangot si Tessie at bumalik sa table niya at padabog na sinuot ulit ang kanyang blazer.
Hanz: Umamin ka nga sa akin? Bakit ba takot na takot ka sa dibdib ni Tessie? Bakla ka ba?
Morris: Ako bakla?! Hindi ha.
Natawa si Kris kaya biglang napalingon sa kanya si Morris.
Morris: Hey! You look familiar.
Kris: Yes. Ako yung nabunggo mo sa elevator the other day.
Morris: Tama! Ikaw nga. Dito ka pala nagwo-work?
Kris: Oo. First day ko ngayon.
Morris: Hmmmm...
Nag-ngitian silang dalawa.
Hanz: Oh... This must be love!
Tongie: Eh di shing!
***
Glam Oh! Meeting Room. Kris is presenting her ideas to Ms. Cherlynn and the rest of the staff. *Isipin niyo yung katulad kina Miggy Montenegro and Laida Magtalas. Ganun lang din yung Glam Oh! Magazine. *Kris: So here's what I'm thinking... We're going to make Glam Oh! a fashion magazine available for women of all ages.
Andrea: You mean pati senior citizen?
Kris: Exactly! There are lolas out there who are still interested in fashion. And take note, some of them don't even look that old at all ha. I can visualized Glam Oh! as every girl or woman's guide to fashion. Kung noon ang focus lang natin ay teens and young adults, ngayon mag-eexpand na tayo. Try browsing Instagram, makikita niyo dun babies or toddlers pa lang umo-OOTD na so Glam Oh! would also have a column for fashionable baby and toddler clothing. We will feature some skin care products as well... again, for all ages. This is worth a try. Come 'on, guys! Think of this... Fashion has no age limit. Everybody can be stylish regardless of sex and AGE. This is gonna be our edge to other fashion magazines out there.
Ms. Cherlynn: What do you think, guys?
Morris: I think it's brilliant! And if it turns out well which I'm 100% sure will be, then maybe we can also do Glam Oh! for Men in the future?
Napangiti si Kris sa sinabi ni Morris.
Ms. Cherlynn: Alright! Then let's do this!
***
After the meeting nagmamadaling umalis si Kris. Hinabol siya ni Morris.Morris: Kris! Kris! I'm wondering if you're free? Yayain sana kita mag-coffee.
Kris: Naku! Sorry ha. I have to meet a friend eh. Maybe next time.
Morris: Sure. No worries.
***
Sa condo unit ni Venus. Nanliliit sa kinauupuan nila sina Jen at Kris habang si Venus ay sige sa pagtalak.Venus: Oh ano?! Masaya ba kayo sa ginawa niyo?! 15 years na tayong magkakaibigan! 15 years!!! Ngayon pa bang matatanda na tayo saka niyo ako pag-iisipan ng masama??! Parang kapatid na ang turing ko sa inyong dalawa! Tingin niyo talaga magagawa kong ahasin ang isa sa inyo? Wow ha! Ang ganda ko naming ahas!!! FYI, Mark is NOT my type!
Kris: Sorry na, Venus. Please naman oh. Nagulat kasi akong tumawag si Jen at sinabing magkasama kayo. Hindi na ako nakapag-isip ng tama. Sorry na.
Venus: To clear things up ganito yun... I was not in good terms with my BOYFRIEND (as in pinagdiinan niya) that night so I went out alone. Etong si Papa P nagtext sa akin na kung hindi ako magpapakita sa kanya eh magpapakamatay siya. Tumawag siya at iyak ng iyak. Akala ko nga mababaliw na eh. Sabi niya andito daw siya sa unit ko and ready na siya tumalon kung hindi ko siya kakausapin so naaligaga ako. Sakto naman na nakita ko si Mark na may ka-date na bading. Nakiusap ako sa kanila na kung pwede ihatid ako dahil hindi ko dala ang kotse ko. Nagpaiwan si bakla kasi may dadating pa daw siyang mga kaibigan so si Mark lang ang naghatid sa akin gamit ang kotse ng jowa niya. I asked him na umakyat din dito sa unit ko dahil natatakot ako sa kung ano man ang pwede kong madatnan. Noong dumating kayo at nag-eskandalo eh obviously okay na kami ni Papa P!
Jen: It's all my fault. Kung hindi ako nag-assume at tumawag kay Kris hindi mangyayari ito. Sorry na.
Kris: I'm really sorry, Venus.
Venus: Oh siya, kalimutan niyo na yun.
*Group hug.*
Jen: Pwede magtanong?
Venus: Ano yun?
Jen: Paano kayo nagkakilala ni Papa P?
Venus: Fine. Dahil alam niyo na ang lihim ko eh di sige ikukwento ko na. I was looking for a new shade of lipstick noon in Greenbelt. That was 9 years ago. Bigla siyang lumapit sa akin and told me that I look gorgeous in a red. That explains why I'm always wearing red lipstick. Hihihi. Anyway, hindi ko pa alam at first na siya yun kasi he was wearing a wig and a huge sunglasses para hindi siya makilala. Niyaya niya ako mag-dinner and since free naman ako pumayag ako. Ayun, nagkapalitan ng cellphone number, naulit ang aming pagkikita and nagpakilala na din siya hanggang sa nagka-developan na. Actually matagal na niya akong gustong ipakilala pero I told him na hindi ko kaya ang pressure ng showbiz so we decided to keep our relationship a secret. Sabi ko sa kanya once he's ready ready to quit showbiz that's the time na pwede na ipapakilala namin ang isa't isa. 9 years na kami and he is still not ready to leave the showbiz world. Hindi pa daw kasi sapat ang ipon niya to give me the glamorous life that I deserve so hanggang ngayon sikreto pa rin ang aming relasyon. Well, hindi na totally secret kasi alam niyo na!
Jen: Wait. Di ba naging sila ni KC Concepcion?
Venus: Keme lang yun. That was only for publicity.
Jen and Kris: Ohhhhh...
Nag-ring ang cellphone ni Venus. It's Papa P calling.
BINABASA MO ANG
Ang Pag-ibig Nga Naman
RomansaThis is a romantic-comedy story. Ewan ko lang kung matawa kayo, ako kasi mababaw ang kaligayahan ko. In fact habang sinusulat at iniimagine ko ang mga scenes sa istoryang ito, hindi ko mapigilang tumawa. :P Anyway, the story revolves around KRIS an...