A/N: Continuation...
***
“Trish, tapos na ba presentation mo para sa folklore project natin?”
Tanong ni Maan sa’kin, room mate ko. Parehas kaming estudyante sa isang university dito sa Manila, taking up Bachelor of Arts in Literature, at itong kinukutingting ko eh final project namin sa Literary History of the Philippines. Ang bongga diba?
“Hindi pa sis, eto nga research mode ako. Pero teka, aalis ka? Hindi ka ba nanatakot dun sa pagala-gala daw na tikbalang in the city?”
“Sus! Imbento lang ang mga yun! Nagpapaniwala ka dun. Sige na, gora na ako. Nagtext na si boyfie eh.”
“Okey, sige, ingat ka friend! Baka mamaya i-tikbalang ka ng syota mo sa ‘Sogo’. Sabog kinabukasan mo!”
“Hahaha. Hashtag I Like!”
“Lokaret! Alis na nga!”
Tumatawa ito habang naglalakad palabas ng pinto, kilig na kilig ang loka!
“Wag kang mag-alala self, may mag ti-tikbalang din sayo, tiwala lang. Pero sa ngayon project mo muna atupagin mo ah? Para sa ekonomiya.”
Habang para akong baliw dito na kinakausap ang sarili ko, binalikan kong basahin yung article about tikbalang real life story dated 16 years ago.
Huminga muna ako ng malakas na hangin, bago ko basahin.“Wouh!”
“Oh, God. Kawawa si girl, pero nakakabilib. Behind the fact na anak ng tikbalang ang pinagbubuntis niya, binuhay niya pa rin ito. Shems!pero nakaka-uhaw yung love scene ah?galing ng tikbalang. Hahaha.”
Habang nakangiti akong nag-iinat ng katawan sa harap ng computer ko, nakarinig ako ng sunod-sunod na katok sa pinto. Muntik pa akong mahulog sa swivel chair dahil sa pagkagulat.
“Ay p*tcha!!”
Napamura tuloy ako. Makakatok kasi wagas! Pag si Maan ‘to, kukumpralin ko mukha nito.
Dahan-dahan akong pumunta sa may pintuan, sinilip ko muna sa pinhole kung sino ang kumakatok. Wala naman akong nasilip na tao. Naisip ko baka sa kabilang unit lang, kaya naglakad ulit ako pabalik sa harap ng computer ko. Pero nakaka dalawang hakbangg palang ako mula sa pinto, narinig ko nanaman ang katok kasabay ng amoy sigarilyo at mapanghi na ewan. Bumalik ulit ako sa pinto at sumilip ulit sa pinhole, wala ulit akong nakitang tao mula sa labas.
“Leche! Istorbo!mga walang magawa!”
Padabog akong bumalik kung saan ako nanggaling kanina at kinuha ang telepono para tawagan si Kuya Guard sa baba para ereport ang pang-pa-prank nila sa akin. Kainis lang.
“Hello Kuya Guard. Si Trisha po ito sa room 13.”
“O, Trish anong atin?At tsaka maka kuya ka naman, magka-edad lang tayo.Magkaklase pa, kaya wag ka nga.”
“Whatever, Baldomero..by the way, may irereport lang ako. Pwede paki tingnan sa cctv kung sinong bastos sa labas ng unit ko na katok ng katok. Istorbo siya sa katahimikan ng mundo ko, sa totoo lang!”
“Okay sige. Pero kumalma ka muna, habang pini-playback ko ang cctv. Mga anong oras ba?”
“5 minutes ago.”
“5 minutes ago? O, wala naman eh. Wala naman akong nakitang taong tumapat sa pinto mo, 5 minutes ago kahit nung 10 minutes ago pa.”
“Sigurado ka? meron talaga akong narinig. E, sa kabilang unit meron?”
“Wala din.”
Nagsisimula ng gumapang ang kilabot sa katawan ko, yung kabog sa dibdib ko, jusko ang weird!
“Huy, Trisha ano na? ayos ka lang?!”
Hindi na malinaw sa pandinig ko ang sinasabi ni Baldomero sa kabilang linya, dahil may kumatok na naman sa pinto.
And this time, may puting usok na pumapasok mula sa siwang ng pinto sa ilalim. Nanlaki ang mga mata ko, habang naka nganga. Naalala ko si Baldomero.
“Hello! Baldomero!! Hel--uhhh?!”
Tuluyan ko nang nabitawan ang telepono ng feeling ko parang may nakatingin mula sa likod ko. Yung kaba ko mas tumindi. Nanginginig na ang mga tuhod ko dahil sa takot. Hindi ako makahinga ng maayos, parang nagsasapakan ang mag-kaliwaan kong lungs, pati puso ko nakikiparty din. Dumadagundong sa kabog.
“Juskolord..”
Sabi ko habang nakapikit. Buti na lang alert pa rin ang utak ko, kahit nangangatog na ang buong katawan ko. Naalala kong bigla yung article sa internet, ganitong-ganito din yung pag-freeze ng katawan niya ng papalapit na yung tikbalang. Oo, alam kong tikbalang ang hinayupak na ‘to! wala namang nagyoyosi sa amin ni Maan, para mag-amoy sigarilyo dito. At wala naman mawawala kung susubukan ko.
Mabilis kong hinubad ang damit ko at isinuot ito inside out, sinabayan ko na rin ng taimtim na dasal para mas tumalab.
At yun, sa isang iglap lang, nawala na yung mabigat na aura sa paligid. Yung usok nawala na rin, tapos ng tumingin ako sa likod ko ng dahan-dahan…
May kumatok ulit sa pinto.
“Trisha! Trisha!”
Nakahinga ako ng maluwag nang makilala ko ang boses ni Baldomero sa likod ng pinto. Patakbo kong binuksan ang pintuan habang umiiyak. At dahil sa sobrang takot ko, niyakap ko siya.
“O, ba’t ka umiiyak? Kanina lang ang saya mo tapos--”
Bigla akong kumawala sa pagkakayap sa kanya, nakakaloko eh. Masaya daw?!
“Anong masayang pinagsasabi mo?! May masaya bang nanginginig sa takot!”
“E, ang saya mo kaya kanina, sabi mo pa nga mahal mo ako.”
Ano raw?!assuming ang isang ‘to!
“Ako, Baldomero wag mong pinagloloko ganitong may kababalaghan na nangyayari dit--”
Natigilan ako sa sinasabi ko nang may aninong mabilis na dumaan sa gilid namin ni Baldomero, galing sa loob ng unit ko.
Bigla kaming nagkatinginan, parehas nagsilakihan ang mga mata namin dahil sa gulat. At sabay kaming napasigaw.
“WAAAAAAAAHHHHH”
Kumarepas na kami ng takbo pababa sa ground floor ng building habang magka-holding hands.
“Anak..”
