Kath's POV
"Diba sabay kami ni Dan umuwi kahapon?" Tumango naman siya.
"Ito kasi ang nangyari..."
FLASHBACK
Naglalakad na kami ni Dan pauwi sa bahay. Doon lang kasi kami huminto sa bahay nila Les. Nag suggest kasi si Dan sa akin na maglalakad nalang daw kami.
Gabing gabi na. Wala na masyadong taong dumadaan.
"KC doon ako matutulog sa inyo ah? Nakapag paalam na ako kay mama."
"Bakit naman? Ang lapit lapit lang ng bahay niyo, pero bakit doon ka pa matutulog?"
"Bakit? Ayaw mo ba akong makasama? Ang sama mo naman." Sabi niya sabay pout.
"Seryoso kasi Dan.''
"Gusto ko kasi kasama kita.Namiss na kita eh."
Hindi na ako nag salita. Tunmango nalang ako. Little did he know kinikilig na pala ako.
Pag pasok namin ng bahay ay naabutan naming naka upo si mama sa sala, siguro hinihintay ako.
"Oh anak. Bakit ngayon lang kayo? At DJ bakit ka nandito?"
"Goodevening tita!"
"Sorry ma ngayon lang kami. Natraffic kasi kami sa daan eh. At tsaka, sabi ni DJ na dito nalang daw siya matutulog. Ewan ko sa kanya."
"Ahhh ganon ba? Oh sige akyat na kayo, para makapag hinga na kayong dalawa." Ngumiti nalang ako kay mama at umakyat na. Napansin ka naman na naka sunod lang saakin si Dan.
Pag pasok namin sa kwarto ay diretcho higa na ako. Hindi pa nga ako nakapag bihis eh. Grabe pagod na pagod na ako.
"Hoy! KC mag bihis ka nga. Para makatulog ka na." Tinignan ko si Dan at nakabihis na ang loko. May gamit kasi siya dito.
"Hmmm. Mamaya na..." Ako habang gumugulong sa higaan.
"Magbibihis ka o ako ang magpapalit sa'yo?" Mabilis pa sa alas kwatro ang pag bangon ko at daling dali pumasok sa banyo.
Pag labas ko, ay nakita ko si Dan na naka higa sa higaan ko.
Lumapit ako. Mukhang malalim ang iniisip niya. Hindi niya kasi ako napansin. Humiga ako nang pabagsak sa higaan, napabalikwas naman siya nang bangon.
BINABASA MO ANG
Bestfriend Ko... (Published under Pop Fiction)
FanfictionIsa lang naman ang gusto ko eh. Ang mahalin ako ng bestfriend ko. Cliche right? Pero masisisi niyo ba ako? Nagmamahal lang naman ako eh. Nagpapakatanga lang ako. You know what? Life is unfair. Hindi ko naman ginusto 'to eh. Pero bakit binigay saakin...