Tama na O Tanga na?

6 0 0
                                    


Minsan sa buhay ng tao nagmamahal tayo at minamahal tayo.

Sumasaya at nasasaktan. 

Tumatawa at umiiyak.

Lagi tayong nakakaramdam ng mga bagay na hindi natin maipaliwanag.

Darating daw sa buhay ng bawat tao na magmamahal tayo. 

Dati naalala ko pa minahal kita, minahal kita ng higit pa sa pagmamahal ko sa kahit anong bagay sa mundo.

Minahal kita ng higit pa sa pagmamahal ko sa sarili ko. 

Minahal kita ng minahal ng minahal hanggang wala na akong ibang maramdaman kundi ang masaktan. 

Pero bakit ganun? 

Diba sabi nila ang pagibig daw ay isang masayang pakiramdam pero bakit hindi ako masaya, hindi na ako masaya.

Sa sobrang pagmamahal ko sayo nakalimutan kong ang pagmamahal pala ay dapat minamahal ka din ng taong minamahal mo. 

Na dapat nagbibigayan kayo at hindi isa lang ang nagbibigay. At nalaman ko ubos na ubos na pala ako kaya wala nakong maibigay pa sayo. At nung umalis ka, kasabay mong umalis ang lahat ng natitirang pagibig na meron ako. 

Tama na o tanga na? 

Kasi kahit wala ka na sa tabi ko, ikaw parin ang nasa isip ko.

Na kahit iba na ang kapaling ko ikaw parin ang nasa puso ko?

Araw araw, gabi gabi.

Para na akong nauupos na kandila sa madilim na gabi.

Unti unting namatay sa sakit na naiwan mo sa akin. 

Maaring tama na, tama na ang panahon na hiniling sa langit.

Na sana sa paggising ko, hindi na ako tulad ng dati. 

Nakaya ko nang mas mahalin ang sarili ko kesa ang mahalin ang ibang tao.

Para kapag dumating na ang panahon na ako'y iibig muli.

Hindi ko na kailangang hanapin ang taong kukumpleto sa akin.

Dahil alam ko sa sarili ko na kumpleto na ko.

Buong buo yung sarili ko na magmamahal sa taong inilaan para sa akin.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 12, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tama na O Tanga na?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon