We're Just Friends

11 0 0
                                    

Sa sobrang pagod ko sa kaiiyak ay nakatulog na pala ako.

Bigla nalang akong napabangon dahil may kumakalabit sa akin at sinasabing..

Gising na,Shane.

Pamilyar ang isang boses na naririnig ko.Malalim ang boses nito.Feeling ko gwapo ang nagsasalita.

Tapos pagkagising ko ay biglang sumakit ang ulo ko.Napatingin ako sa gilid ngunit wala namang tao sa kwarto ko.

Dahil sa sobrang sakit ng ulo ko ay napabalikwas ako sa kama at tumayo na.Papasok na sana ako ng banyo pero naalala ko na Sabado pala ngayon. -____-

Parang ang weird ngayon,ni hindi ko maalala ang nangyari kahapon.

Bumalik ako sa kama at humigang muli.Ang boring naman haysss..

Habang nakahiga ako ay nagmumuni muni ako at inaalala kong ano ang nangyari kahapon.Ano nga ba?

Hindi ko alam na bigla nalang akong nakatulog.

Bigla nalang akong napabangon dahil may kumakalabit sa akin at sinasabing..

Gising na,Shane.

Pamilyar ang isang boses na naririnig ko.Malalim ang boses nito.Feeling ko gwapo ang nagsasalita.

Napangiti nalang ako sa nakita ko,si Phoenix ang bestfriend ko.

Gising ka na nga,nasobrahan ka na sa tulog. Nakangiti niyang banggit.

Eh,nagpuyat kaya tayo kagabi. Pagdadahilan ko sa kanya.

Totoo naman talagang nagpuyat kami kasi birthday ko kahapon and ang regalo niya ay spend time with me the whole day.

Ganoon niya ako kamahal as a bestfriend lang.

Pero iba ang nararamdaman ko sa kanya.Because he makes me special,he shows care for me.Basta ayun,ang hirap mag-english.

Gusto ko siya,Oo matagal na.He was my first crush and first love.Nung una,nilapitan niya ako at nakipagfriends sa akin and dahil palakaibigan ako ay nakipagfriends din ako sa kanya.

Hindi niya alam na may gusto ako sa kanya.Hindi niya alam na mahal ko na siya.

Ewan ko ba sa puso kong ito na hindi sumunod sa utak ko.Minsan nga pinagsasabihan ko ang puso ko na itigil na ang kahibangan ko,na ang kaya niya lang na ibigay sa akin ay ang friendship namin at hindi ang puso niya.

Ang saklap noh? Ako lang ata ang taong pupunta sa sementeryo mag-isa at bibisitahin ang puso kong patay na patay sa kanya.

Mag-isa nga pala ako sa bahay and sometimes nakiki sleep over si Phoenix.

Bakit mag-isa ako? Kasi mga parents ko ay wala na,hindi ko sila dinadalaw sa sementeryo kasi ayokong makita silang na nakahiga na at hindi na magigising pa.

Bumaba na ako papuntang kusina.Nakahain na sa lamesa ang mga pagkain.

Nagluto na pala siya,sabi ko sa isip ko.

Tbh,masarap magluto si Phoenix.Tuwing andito siya,lagi niya akong pinagluluto,pag wala kasi siya umoorder ako sa restaurant.Hindi kasi ako marunong magluto.

Wala akong katulong.Working student ako.Nung namatay kasi ang parents ko may naiwan naman silang pera na okay lang for me.

Hindi ko napansin na pinaglagyan na niya pala ako ng pagkain sa plato ko.

Ang sweet talaga niya.Ano siya candy?

Oo nga pala hindi pa ako nagpapakilala.I'm Shane Chua.Half chinese ako.

We're Just FriendsWhere stories live. Discover now