Pagkatapos ng I Love You [One Shot]

12.1K 544 127
                                    

Dati n’ung bata ako, habang nangungulangot, iniisip ko kung ano ba ang nangyayari kapag nagsabi na ng ‘The End’ yung mga paborito kong fairytales na movie, yung ano na ba ang mangyayari once nag-start na mag-roll ang credits, saka lalo na kapag nag-kiss at nagsabihan na ng I love you yung magkaka-love team. Sa sobrang dami kong katanungan na walang makasagot, inakala ko na lahat ng nagsasabihan ng I love you ay mayroong happy ending, on or off screen man.

At buti na lang at hindi ako namatay sa maling akala na 'yan kasi... 

Akala ko lang pala silang lahat.

I was fourteen years old when I learned the truth, the sad truth. And only one person taught me about it, 'twas Van.

Van Thaddeus Bernardo, my first love. First landi ko sa tana ng buhay ko. Heck! Paano niya ba ako naturuan? Simple lang, nagkagusto kasi ako sa kanya.

Crush ko na si Van n'ung second year pa lang, gwapo siya, check natin yan pero talented? No. Eh matalino? How about a NO again? Yun lang talaga, gwapo lang talaga. Typical teenager lang ako na nagkakagusto sa isang lalaki dahil lang sa looks nito. Hipon din siya, yun nga lang hindi ko maitapon yung ulo kasi gwapo nga siya kaya utak lang pwedeng itapon.

Pero kung hahalukayin pa natin ng mas malalim ang memorya ko, ang alam ko nagsimula itong official landian n'ung third year high school ako. Alam naman ng lahat na hindi lang pangalawang tahanan ang eskwelahan, kun'di pugad din ng mga kalandian ng mga kabataan sa buhay. 

Eh bakit third year high school? 'Di ba ito yung time na pinaka-haggardo versoza ang mga high school students? Simple lang ulit, JS Prom

Gets niyo na ba? Kung hindi pa, i-elaborate ko, JS Prom means it's the time of the school year where the school and the faculty are very supportive of the youth's kalandian. Chos.  

Balik tayo sa sinasabi ko, sa JS Prom nga nagsimula ang lahat. Yung storya ng first love ko. 

8:00 PM na at sayang-saya ang mga schoolmates ko sa pagsayaw sa dancefloor habang ako naman ay galak na galak sa unli baked tahong na nakabalandra sa buffet table. May mga nag-aaya namang magsayaw sa akin pero wala pa akong time sa kanila, food before boys. Hihi. Ilang sandali lang nakaramdam ako ng sparks, yun nga lang sa tiyan ko saka sa pwet. Dali-dali kong tinakbo ang hallway kasi any minute ay ilalabas ko na ang mga pinakatago-tago kong yaman sa katawan nang bigla na lang akong napaupo.

"Munggago naman oh! Jebs na jebs na ako eh," 'di ko napigilang sabihin kasi may nakabunggo pala sa akin.

"Oh, I'm sorry I wasn't looking," sagot n'ung nabunggo ko. Hindi ko pa mai-angat yung paningin ko kasi pinapakiramdaman ko pa yung panty ko kung may lumabas na ba. Hihi.

Five minutes na siguro akong nakayuko nang bigla siyang magsalita ulit. "You okay? Need help?" 

"Mukha ba akong okay? Huwag ka ngang tanga-," naudlot yung sasabihin ko kasi si Van pala yung nakabunggo ko, "I mean, oo naman okay ako. Sinasabihan ko lang yung sarili kong huwag akong tanga. Ha-ha-ha-ha." Tapos ayun bigla akong naging robot kasi hiyang-hiya ako sa inasta ko. Major turn off to the square root of fifty eight squared!

"Sorry talaga ha? Felice, right?" Then nilahad niya yung right hand niya para makipag-shake hands. Kilig na kilig ako kasi alam niya pangalan ko at nakikipag-shake hands pa siya. Aabutin ko na sana nang biglang may 'di inaasahang nangyari.

"Fudge! Ang baho!" Sabi ng mga napadaang schoolmates namin sa tabi ko. Napatingin ako kay Van at grabe lang yung reaksyon ng mukha niya.

Siyempre nasaktan ako kasi alam kong utot ko yun eh, so tumakbo ako habang naiinis sa sobrang pagkapahiya. Pagdating ko sa cr ay ni-lock ko agad yung pintuan. Wala akong pake kahit sampu ang cubicle rito, jejebs ako at bahala yung ibang babae na masiraan ng pantog sa kahihintay sa pagtapos ko. 

Pagkatapos ng I Love You [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon