#Fear 55: Please Be Mine Again

2.7K 75 8
                                    

#Fear 55: Please Be Mine Again


(  ̄ー ̄)φ__

Nakatayo si Zypher sa harap ng kapatid niyang tinatawag niyang 'Kel'. Pumasok siya sa kwarto nito at ngayo'y magkaharap na sila kahit na halata namang ayaw siya nitong makita o makausap.


"Kel, please. Kailangan ko ng tulong mo." Pagkumbinsi pa niya dito. "Galit pa rin siya at sigurado akong hindi siya sasama kapag nalaman niyang ako ang naghihintay sa kanya."


Plano kasi niyang i-date ang fiancee niyang si Xenzel, pero base sa huling asal ni Xenzel ay nasisigurado niyang mahihirapan na naman siya at ang mga alagad niya sa pagkumbinsi ditong sumama sa kanya.


"Isa pa, inaatake na naman ako ng hika ko. Alam mo namang mahina itong baga ko, diba? Hindi ko siya kayang habulin nang habulin." Rason pa niya para pumayag na ito.


Hindi pa rin sumasagot si Kel. Nakatingin pa rin ito nang diretso sa pader at blangko lang ang hitsura nito.


"Kel..." Bumuntong-hininga siya. "Alam kong galit ka pa rin dahil sa pagsira ko sa usapan natin. Inaamin kong mali yung ginawa ko... Pero..." Napahinto siya't napayuko. "Pero hindi ko naman pwedeng pigilan yung nararamdaman ko para sa kanya, diba?"

"At ang lakas ng loob mong humingi ng tulong sa'kin ngayon." Matalim nitong sagot sa kanya at tinitigan siya nito nang masama. "Ginawa ko na ang dapat kong gawin."

"Ayoko mang magkasamaan tayo ng loob dahil lang sa isang babae, nandito na 'to. Hindi na natin 'to matatakasan. Sana mapatawad mo'ko sa nagawa't nararamdaman ko. At hindi na rin natin mabubura ang nararamdaman niya para sa'kin. Ako ang fiance niya, Kel."

Mas lalong nagtagis ang bagang ng kapatid niya sa narinig.

"Labas." Itinuro nito ang pinto.

"Kel... Kilala mo rin si Xen. Hindi siya basta-bastang babalik. Gawin mo lang itong pabor na hinihingi ko sa'yo, nangangako akong itutuloy ko ang plano." Huminga siya nang malalim.

Mukhang yun na nga lang ang tanging paraan para mapapayag niya ito.

"Sinira mo na ang usapan! Paano mo pa itutuloy ang plano ngayong mahal mo na rin siya?!" Singhal nito habang nakaupo pa rin sa malaking beanbag.

"Alam ko nang nagkamali ako. Sapat na yun para ituloy ko ang plano."

Natahimik ito at napatitig na lang sa mukha niya.

"Please. Ibalik mo siya dito sa mansiyon, Kel. Yun lang naman ang pabor ko sa'yo. It's either you get her back, or we'll both lose her."













Xenzel's POV

"Haay... Salamat naman at dismissal na." Umunat ako habang papalabas ng classroom namin.

Kasama ko sina Nemsey, Celine at Ree. Wala si Zypher. Absent.

Ghosts and GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon