Third Person's POVNapahinto ang lalaking naglalakad nang biglang may malakas na pumugak.
Biglang bumaba ang isang babae.
"Hoy! Ano ba? Magpapakamatay ka ba ha?" Tumungo lang siya at ngumiti ng bahagya.
"Sorry" aniya. Lumakad na ito palayo. Hindi naman makapaniwala ang babae sa naging sagot nito.
"Aaaaahh!!! What the hell is that?" Bulalas niya. Hindi man niya maintindihan ang lalaking iyon bumalik na lamang siya sa sasakyan kaysa ipagtuon niya pa ito ng pansin. Late na late na talaga siya.
'Marami na talagang weirdo sa mundo'
Nagmaneho na lamang siya patungo sa university na kanyang pinapasukan. Siya nga pala si Andrea Fernandez. The famous volleyball player sa kanilang university. Maraming kaibigan at isa ring model. She stays humble in what she have pero masungit at mataray. Sa lahat ng mga kaibigan niya isa lang ang close friend niya. Alam naman niya na yung iba ay kinakaibigan lang siya dahil sa pangalan at estado niya sa paaralan at industriya.
Pagkarating niya sa unibersidad, marami pa ring nag aabang sa kanya sa may gate. Bumaba siya at binigyan lamang sila ng isang ngiti. Para sa kanya, hindi nila dapat siya binibigyan ng special treatment. Sa unibersidad na ito maraming mayayaman at kilala sa kanilang lugar. May mga anak din ng artista, mayor, senator and etc.
Biglang sumingit sa mga nagkukumpulang mga estudyante ang kanyang bestfriend na si Gail.
"Andy! Bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa hinihintay ni coach. Ayun, galit na galit" ani niya habang hinihingal pa.
"May nangyari kasi, halika na" mabilis silang tumakbo papuntang open court kung saan ginaganap ang practice. Maya maya pa'y nakarating na sila at pinagalitan na naman siya. Pagkatapos ng practice, dumaan muna siya sa may locker. May nakita siyang bottled water at face towel. Hindi naman ito ang unang beses na may naglalagay ng mga kung ano ano sa kanyang locker kaya hindi na siya nagtaka. Ngunit nagulat siya ng may nakita siyang isang sketch ng mukha NIYA.
Hindi niya alam sa likod ng locker sumisilip ang mga kumikinang na mga mata ng isang lalake. Siya si Stalwart Henderson. Galing sa kilalang pamilya ng mga Henderson. Mayaman sila ngunit 'di tulad sa mga nababasang libro, isa siyang Geek at nerd na mahilig mag drawing. Sa kabila ng kanyang katalinuhan walang gustong makipagkaibigan sa kanya. Noon pa man inaabangan na niya palagi si Andrea. Matagal na niya itong gusto. Imposibleng magkagusto rin ito sa binata ngunit hindi siya nawawalan ng pag-asa. Marami na siyang nagawa para mapansin siya ng dalaga. Sa kasamaang palad, hindi sang-ayon ang tadhana sa gusto niyang mangyari.
May pagkakataong, isang araw sinubukan niyang lapitan si Andrea. Hindi pa man siya nakalapit nag uunahan na ang mga babaeng tagapaghanga. Ayun, hindi siya nakalapit man lang. Kaya umalis na lamang siya.
Sumunod naman nung nakita niyang nag- iisa si Andrea sa may cafeteria bumili siya ng isang frappé. Ibibigay na sana niya ito ngunit may nabangga siyang lalake at nabuhos ito kay Andrea. Hindi niya maipaliwanag ang galit sa mukha ng dalaga. Kaya napapahiyang tumungo na lang siya at umalis.
YOU ARE READING
My First Dance
RomanceImportance. Existence. Value. Hindi niya alam dahil hindi ka nagpaparamdam. Hindi niya malalaman kung hindi mo aaminin. Hindi ka makikilala kung hindi ka magpapakilala. Nagpaparamdam ako, pero hindi niya pinapansin. Sinubukan kong umamin, ngunit aya...