"Kung panaginip lang ito, pakigising naman ako!” - Zachary
Simula nang seventeenth birthday ni Zach, nagbago na ang lahat sa buhay niya. Dinaig ng buhay ni Zach ang bawat teleseryeng ipinapalabas sa gabi.
Hindi special si Zach, he's an ordinary teenager with ordinary teenage problems – gigising ng maaga, papasok sa school, may quiz sa first subject, ganoon din sa second at third, dagdagan mo pa ng sandamakmak na requirements. Wala sa plano ni Zach ang mainlove sa girlfriend ng best friend niya, ang hanapin ang tunay niyang magulang at tulungan ang taong nambubully sa kanya para mapasagot ang sarili niyang kaibigan.
Ito ang unang yugto ng kwento ni Zach, ng kanyang mga kaibigan at mga desisyong pinili nila sa buhay. Hanggang saan siya dadalhin ng mga paa niya at mga desisyong siya mismo ang gumagawa? Sa isang kwentong roller coaster, dapat ba tayong bumitiw at itaas na lamang ang ating kamay and just enjoy the ride?Bloodlines and Heatstrings available on leading bookstores near you.