Hindi ba pag exchange gift, palitan ng mga bagay na binili mo para sa taong nabunot mo at nakabunot sa'yo. Minsan nga, wala ka matatanggap kasi absent yung magbibigay sa'yo tapos madi-disappoint ka kasi hindi mo akalain na wala ka palang regalo.
Life is unpredictable.
Eh ano pa kaya kung exchange feelings? Palitan ng feelings kung sino nabunot mo? Paano kung panget? Joke lang, lahat tayo magaganda at gwapo. Syempre, wala ka mabubunot sa pagmamahal kasi nasa puso ang nararamdaman eh. Hahahaha.
Lahat ng yan totoo kasi ngayon tingnan mo, nagka-crush ako sa best friend ko. Akalain ko ba na magkaka-crush ako dito sa mokong na best friend ko since infant.
Naglalakad ako nun sa hallway at nakita ko siya. Tatawagin ko sana, kaya lang may kasama siyang iba.
Love is so unpredictable.
Hindi ko pa pala nasabi sa inyo ang pangalan ko. Ako si Ai Trinidad, 16 years old at Senior High na sa Fontanilla University. Dito ako nag-aral para dito na rin ako magtatake ng college program ko para matupad ko ang pangarap ko na maging novelist. Kaya ganyan ang pangalan ko dahil Japanese ang Mom ko at syempre, Filipino ang Dad ko.
"Ai" which means "Love"
Hindi ba nasabi ko na sa inyo na in love ako sa best friend ko? Oo, in-love ako sa kanya at nung elementary pa. Akala ko hanggang simpleng crush lang, umabot ba naman sa pagkagusto.
"Good morning, Ai!" Bati niya sa akin sabay akbay. Tiningnan ko siya ng masama.
"Wag mo nga ako akbayan, Sync!" Sabay alis sa braso niya sa akin.
Nagwalk-out ako ng may taray effect pero sa totoo lang, masayang masaya ako na dahilan para ngumiti ako ng patago. Ang cliche nga naman mapakinggan na in love sa best friend, pero di mo na masasabi yun kapag nandun ka na sitawasyon na yun.
Siya ang sinasabi ko sa inyo na best friend ko or childhood friend ko, Sync Yamato. Pagdating sa academics, ako yung top 1 at siya ang top 2 sa batch namin. Ang pamilya namin ay kasama sa tuktok ng hayarkiya dito sa bansa. Sa totoo lang, ayaw ko talaga maging tagpagmana ng kumpanya namin pero sabi kasi ni Lolo, ako raw ang magpapalago ng kumpanya niya. Sa di inaasahang pangyayari, sinabi ni Lolo na ime-merge daw yung kumpanya namn sa pamilya ni Sync. Dahil dun, ikinasal sila Ate Claire at si Kuya Dan. Si Ate Claire ang big sister ko at si Kuya Dan naman ang big brother ni Sync. Masakit man tanggapin, may gusto si Sync kay Ate Claire. Sabi niya nga sa akin nun, "First love hurts." Nagkaroon din naman siya ng girlfriend eh.
"Good morning!" Sabi ni Aliyah sabay yakap kay Sync.
"Whoa, whoa! Wag masyadong yumakap. Baka sa susunod wala ka ng mayakap. Bahala ka." Sagot naman niya at niyakap niya din. Ang landi talaga! Kaasar! Magwa-walk out na sana ako nang may tumawag sa akin.
"Ai!" Lumingon ako at nakita ko si Sky.
BINABASA MO ANG
Exchanged Feelings [One Shot]
RomanceAre my feelings enough to be exchanged as a gift for you? --- Disclaimer: This work is fictional. The names, characters, businesses, events, and incidents are either imaginations or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, livin...