This chapter is dedicated to good watty friends of mine realheart_falcon and xyrhelle_01 salamat mga girlalou. :)
_________________________________
Six months later
"Mommy! Mommy!" walang pasabing pumasok si Vienna sa kanilang kwarto. Buti nalang ay nagbihis sila ni Ravin bago matulog kaya hindi ito maeeskandalo. "Tito Dixon called and he said ma- ahm. What is it again. Mananapak? Ah no. mangangagat? Ah that's biting?" tanong nito at tumango sya. "No not that. Ahm. Manga- I forgot mommy. Basta po he said dadalhin nya si tita Brit sa ospital kasi mananapak na ito. Aiy, hindi mananapak basta mommy." Naguguluhang paliwanag ni Vienna.
Nang marinig nya ang hospital ay dali dali nyang ginising si Ravin. Habang niyuyogyog ito ay kinausap nya ulit ang anak.
"Baby, is it manganganak?"
Tuwang tuwa itong tumango. "Yes mommy it is. Ano po iyon?"
Mas lalo pa syang nagmadali ng malamang manganganak na nga ito. Hinampas na nya sa braso ang hindi magising gising na si Ravin. Ang galing kasi nito magpagod hindi naman pla kayang gumising ng maaga.
"Baby, mommy will explain to you later. Pumunta ka na muna kay yaya at magpabihis. Tell also kuya arkin to do the same. Pupuntahan natin si Tita Brit sa ospital." Tumango naman ito bilang tugon at lumabas na ng kwarto.
Nang makalabas na ito ay pinagdiskitahan nya ulit ang asawa. Kinagat nya ang braso nito na syang nakapag pagising dito.
"Aray misis." Pupungas pungas na bungad sa kanya ni Ravin. Hinihimas nito ang braso na kanyang kinagat.
"Ang tagal mo kasing gumising. Kailangan na nating mag asikaso para puntahan si Brittany. Tumawag daw yung asawa nya at manganganak na daw si Brit." Masungit nyang sabi sa asawa.
Nakangiti lang itong nakatingin sa kanya. Nang matapos syang mag salita ay hinalikan sya nito ng mabilis sa labi.
"I love you." He told her. " Kala ko bumalik yung paglilihi mo." Hinimas nito ang kanyang malaking tiyan.
Apat na buwan na kasi syang buntis. Pero dahil tatlong bata ang nasa loob ng kanyang tiyan ay malaki ito.
"Hindi ako naglilihi. Tara bango na at makapag ayos na tayo."
Tumayo ito at inalalayan syang bumaba ng kama. "Wifey gusto mo sabay tayo maligo?" nang aakit na boses ni Ravin. Hinihimas nito ang kanyang balakang na nakakapag bigay sa kanya ng kakaibang init.
"Ravin, umaatake nanaman yang kapilyuhan mo ah." Pinandilatan nya ito ng mata.
"Misis sige na. Namimiss ka na kasi nya." Itinuro nito ang pagkalalaking nakabakat sa suot nitong boxer. Alam nyang tayong tayo nanaman iyon.
"Namiss eh late mo na nga akong pinatulog kagabi."
Napakamot ito sa ulo at yumakap sa kanya mula sa likod. Idiniin pa nito ang pagkalalake na tumatama sa kanya. Damang dama niya iyon at aaminin nyang konti nalang bibigay na sya sa pang-aakit nito.
"Bumawi lang ako. Dito kasi natulog si Baby Vienna nung isang araw kaya di ako naka score." Paliwanag nito sa kanya kasabay ng paghalik nito sa kanyang batok papunta sa kanyang tainga.
BINABASA MO ANG
Lockheart Series 3 - Ravin's Revised Rule
Художественная прозаRaiter Vinzce "Ravin" Lockheart a well known terror business man. He has this "Rules" that everyone who wanted to deal with him has to follow. That is "You should always obey me." But unfortunately not everyone is willing to do such. When he met Aza...