Huling Hiling [One Shot]

301 4 5
                                    

Mahabang panahon na ang lumipas, ilang taon na rin ang nagdaan. Ngunit ang masalimuot na nakaraan sa aking buhay ay akin pa ring natatandaan. Hindi ko lubos maunawaan kung bakit sa tinagal tagal ng araw na nagdaan ay hindi ko pa rin siya makalimutan. Kahit na pitong taon na ang lumipas, bumabagabag pa rin sa isipan ko ang pinagdaanan namin ni Kristin.

Yung babaeng minahal ko ng todo pero nawala rin matapos ang ilang taong pinagsaluhan, mga alaalang mananatili na lamang sa isipan. Mga alaalang babalik balikan na lamang sapagkat wala na siya. Wala na yung babaeng lagi kong sinosorpresa kapag monthsary namin. Yung babaeng pinaglaanan ko ng bawat pagtibok nang aking puso. Kung maibabalik ko lamang ang panahong nandirito pa siya, hindi ko hahayaang mawala siya. Hindi ko na sana hinayaang umalis siya nang hindi ako kasama. Para hindi na sana nangyari na lumisan siya ng biglaan at nag-iwan ng malaking marka, sa puso ko na para bang hinagupit ng bagyo sapagkat sa isang iglap isang malaking pinsala ang iniwan nito sa akin.

Sa tinagal tagal na ng kanyang pagkawala ay hindi pa rin ako nasanay na hindi siya kasama. Sa bawat oras, minuto at segundong lumilipas ay hinahanap hanap ko pa rin si Kristin. Kaya naman tuwing pagkatapos ng klase at may bakante ay dumadalaw ako sa puntod niya. Uupo ako sa tabi ng kanyang puntod at sasabihin ang mga pangyayari sa aking araw. Mga naganap habang wala siya sa piling ko. At saka ilalabas ang lahat ng hinanakit, dahil hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang pait at kirot sa dibdib ko. Ngunit kailangan nang tanggapin.

Marami akong gustong sabihin at kayrami ring hinihiling ngunit ang aking huling hiling sana'y muli siyang makita at makapiling.

---

Nagising ako dahil sa matinding liwanag na tumatama sa aking mukha. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga matang hindi lubos makatanaw dahil sa sobrang liwanag na nakatutok sa akin. Kaytinding liwanag ang umaaninag para bang ika'y nasa langit.

Tumayo ako at kinusot kusot ang aking mga mata, namangha ako sapagkat mala paraiso ang paligid ko. Para ba akong nasa langit na dahil sa mga nakikita ko. Naglakad lakad lamang ako habang pinagmamasdan ang kagandahan ng paligid nang may biglang humawak sa aking kanang balikat.

Lumingon ako upang tignan kung sino ito. Nakita ko ang isang babaeng nakasuot ng kulay berdeng bistida na may kahabaan, suot din ang sapatos nitong puti. Tinignan ko ang kanyang mukha at pinagmasdan ang nangingisap niyang mga mata. Kasabay ng kanyang magandang ngiti ay ang unti unting pagpatak ng aking luha.

"K-kristin?" Pagsaambit ko sa kanyang pangalan at dahilan ng patuloy na pagdausdos ng aking luha patungo sa mga kamay niyang nakahawak sa aking pisngi.

"Sobrang namiss kita" nanginginig ang boses niya na tila ba hirap bumigkas habang nanggigilid sa kanyang magagandang mga mata ang kanyang luha.

Napangiti ako at hinawakan ko ang kanyang kamay na nakahawak sa aking kanang pisngi. Inangat ko naman ang aking kaliwang kamay upang punasan ang luhang tumutulo sa kanyang mukha. Tila ba punong puno ng pighati ang bawat pag-iyak niya. Bawat paghikbi ay tagos sa aking puso na para bang hindi ko na kayang umalis dito at bigla siyang mawala. Ang hirap hindi ko malaman ang aking gagawin ngayong nandito siya sa harapan ko, hindi ako lubos na makapaniwala.

Natawa siya pagkatapos kong punasan ang kanyang luha. Masigla niyang hinawakan ang aking kaliwang kamay saka siya mabilis na tumakbo hindi ko alam kung saan kami paroroon. Ngunit kung saan man kami patungo wala na akong pakialam doon ang sakin lang masaya ako ngayon habang hawak hawak namin ang kamay ng isa't isa.

Dala ang malaking ngiti sa kanyang labi ay mabilis naming tinatakbo ang malaparaisong kapaligiran para ba akong nasa kalangitan ngunit wala akong ibang makita kundi kami lamang kasama ang naggagandahang mga bulaklak at ang malawak na damuhan na naaaninaw ng liwanag.
Sa pagod ay humiga kami sa isang madamong kapaligiran, berdeng berde ang mga damo gaya ng kanyang kasuotan. Hindi mawaglit ang ngiti namin sa isa't isa. Hawak pa rin namin ang kamay ng isa't isa tila ba ayaw ng bitawan at baka mawaglit pa. Baka nga ako'y nananaginip lang ngunit akin nang sinusulit ang bawats sandali. Hindi ko alintana ang aking pighati dahil sa kanyang magagandang ngiti. Damang dama ko ang kapayapaan, para bang nasa kalangitan.

Humarap siya sakin at nagsalita "Naalala mo pa ba nung sinabi kong gusto kong makarating ng langit?" Nakangiti niyang tanong sa akin.

"Oo lasing pa nga tayo nung mga panahong iyon" natawa kami parehas sa isinagot ko.

Alam kong naalala niya rin ang nangyari nung gabing bago siya umalis, hindi naman namin sinadyang mangyari ang bagay na iyon.

"Ngayon nakarating na ako sa tunay na langit" nakangiti siya ngunit naluluha.

Tumagilid ako para punasan ang luha niya.

"Huwag ka ng umiyak, alam kong hindi mo naman ginusto. Pero sana isinama mo na lang ako sa langit na sinasabi mo para magkasama pa rin tayo." Bakas sa tono ng boses ko ang lungkot, narinig ko naman ang paghikbi niya.

"Kailangan ka pa nila Tita, kaya lakasan mo ang loob mo. Babantayan ka namin ng Panginoon. Siya ang nagdala sa akin dito sa langit at hihintayin ko ang araw na pagsasamahin niya tayong muli. Ngunit huwag mong kalimutan na maging masaya ulit, maaari ka namang umibig ng iba. Tatanggapin ko dahil mahal na mahal kita," nakatingin siya sa itaas habang sinasabi ang mga katagang yaon alam kong naiiyak siya at kanya itong pinipigilan.

Masakit pa rin sa akin ang pagkamatay niya, ngunit kailangan ko nang tanggapin ang katotohanan.

"Salamat sa lahat Kristin, hinding hindi kita malilimutan. Hindi ko maipapangakong magiging masaya ako kaagad at magmamahal pa dahil ikaw pa rin ang mahal na mahal ko. Maghihintay din akong muling makapiling ka at nasasabik ako sa muli nating pagkikita." Sabi ko habang nagpipigil ng luha.

Ngunit kayhirap palang pigilan, unti unti pa ring lumabas. Bumangon ako at ibinangon ko rin siya. Hinawakan ko ang kanyang mga kamay. Tinignan siya mata sa mata kasabay ang bawat pagpintig ng aking puso. Dahan dahan kong inilapat ang kanyang kamay sa aking dibdib.

"Ikaw pa rin ang laman nito." Pagkasambit ko nito ay lalo akong naiyak.

"Malapit na akong mawala ulit, kailangan ko ng magpaalam. Salamat sa lahat aking mahal," nag iiwas tingin niyang sinabi sa akin, ramdam kong ayaw niya pang lumisan. Ngunit kinakailangan, lumipas na ang ilang sandali ng aming muling pagtatagpo.

"Salamat sapagkat tinupad ng Panginoon ang aking huling hiling" sabi ko saka ko hinalikan ang kanyang kamay.

Unti unti ay nagliwanag ang kapaligiran, kaya hindi na ako nagdalawang isip. Dahan dahan kong inilapit ang aking labi saka siya mariing hinagkan. Isang halik ng nagpapaalam, nagmamahal. Isang halik na hinding hindi ko malilimutan.

Huling pagkikita. Huling pagsasama. Huling hiling. Huling halik.

Maya maya pa ay aking naramdamang unti unti siyang nawawala. Naramdaman ko pa ang huling pagpatak ng kanyang luha kasabay noon ay ang pagdausdos ng aking luhang hindi na mapigilan. Paalam aking mahal, sigaw ng puso kong paos.

~~~~~

Namulat ang aking mata ng maramdaman ang malakas na pagpatak ng ulan. Nakatulog na pala ako sa harap ng puntod ng aking mahal. Ni hindi ko man lang namalayan. Tumayo ako at sinulyapan ng ilang saglit ang kanyang puntod. Malalaki at malakas ang pagpatak ng ulan, tuliy tuloy para bang hindi na ibig tumila kasabay naman nito ay ang aking pagluha. Huminga ako ng mlalim att sinabi ang huling kataga bago lisanin ang kanyang puntod sapagkat lalo pang lumalakas ang kangin at ulan. Pakiramdam ko tuloy ay niyayakap niya ako sa kabila ng malaking harang.

"Hindi kita malilimutan kahit na ako ay nagpaalam na. Ikaw pa rin ang aking huling hiling." ~Wyvern

01-12-17

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 10, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Huling HilingWhere stories live. Discover now