Hala Miss Nahulog!

13 1 0
                                    

First day ng second sem ng mapadaan ako sa engineering dept. Fastest way to my new class. Tahimik lang akong naglalakad nun at as usual loner mode.

Malayo palang natatanaw ko na yung mga lalaking schoolmates ko. I bet taga Engr dept sila.

Maiingay at mukhang nagbibiruan. I pass by them at yung isa sa pinaka maingay kanina bilang tumahimik.

Alam na alam mo naman pag tinititigan ka diba? Yun. Damang dama ko na nakatingin sila sakin.

"Hala Miss nahulog!"

Biglang sigaw nung maingay na lalaki. Bigla akong napalingon. Tiningnan ko yung dinaanan ko kung baka may nahulog akong gamit. WALA naman.

Tss..Ang tanga mo Hannah. Pinagtitrippan ka lang nila -.- Sinamaan ko sila ng tingin at dumeretso na sa paglalakad.

"Patay ka Sef, nagalit ata! HAHAHA.."

Narinig kong sabi ng kasama niya. At pinagtawanan pa talaga ako?!

The next following days dun parin ako dumadaan. Ayoko naman kasing malate. At sa kasamaang palad parati nalang nandun yung mga maiingay.

As usual sinasabi na naman nung Sef na....

"Hala miss nahulog!"

Pero di na ako lumilingon. Pinagtitripan lang nila ako.

May mga times na si Sef lang mag isa at wala yung mga barkada niya. Lagi nalang niya yung sinasabi. Pero deadma lang ako.

Nasanay na ako na every morning dun ako dadaan, at maririnig ko yung trip ni Sef.

Hanggang isang araw napadaan ako dun. Nakatambay dun ang barkada niya. Walang Sef.

Napadaan ako at walang sumigaw ng "Hala miss nahulog!"

I was dissapointed. Di ko alam kung bakit. Para bang nasira araw ko kasi walang Sef na sumigaw. I don't know why.

Dumaan pa ang mga araw at wala na talagang Sef na nagpakita sakin every morning. Di na kompleto yung mga araw ko.

No this can't be. Nahuhulog na ba ako sa kanya?

Gwapo si Sef, masayahin. Siguro namimiss ko lang yung trip niya. Pero bakit ko naman mamimiss eh di naman kami close?!

Arrgghh! Naguguluhan na ako. Malabo naman kasing magkagusto ako dun.

"Claire sige na kasi."

Familiar voice. Yun yung boses na gustong gusto kong marinig.

"Bakit kasi ako? Ayoko nga."

May kausap siya. Si Claire. Kaklase ko sa isang subject. Di ako nagpatuloy sa paglalakad. Ewan ko ba pero gusto kong marinig anong pinag uusapan nila.

"Sige na kasi. Please um-oo ka na kasiii.."

Nanliligaw siya kay Claire?

Naglakad ako palayo. Dun ko napagtanto na OO gusto ko na pala siya.

Pero gago huli na. May nililigawan na siya. Si Claire. Bagay naman sila eh. Maganda si Claire, gwapo si Sef.

After nun, di na ako dumadaan ng engineering department. Ayoko makita si Sef. Aasa lang ako at masasaktan. Trip niya lang pala lahat yun.

Weeks na at sa ibang building na ako dumadaan.Kahit malayo okay lang. Basta di ko na makita si Sef.

"Hi Hannah ^^"

Nagulat ako ng kausapin ako ni Claire. Naalala ko na naman si Sef nung lumapit siya. Ngumiti lang ako. Di naman kasi ako friendly eh.

"San ka dumadaan Han? Nalelate ka ata minsan."

Wow? Kailan pa siya naging concern?

"Dun na ako dumadaan malapit sa cafeteria."

Pwedi din kasi doong dumaan pero yun nga, malayo.

Tumango lang siya.

The next day dun parin ako dumadaan. Malas ko nga malelate na ako. Pucha naman kasi ehhh! Traffic masyado.

Kulang nalang tumakbo ako.

"Hala miss nahulog!"

Napahinto ako. That voice. Alam na alam ko kung sino yan. Anong ginagawa ni Sef dito?

Trip lang yan Hannah. Umalis ka na.

Pero napako ako sa kinatatayuan ko. Gusto ko siyang lingunin. Gusto kong makita yung mukha niya.

"Hindi mo man lang ba ako lilingunin Miss Hannah Eliza Fernandez?"

Kilala niya ako? Wtf. Gusto kong lumingon pero ewan ko. Ayaw ma move ng buo kong katawan.

"Kailan mo ba ako lilingunin?"

Yung masayahin niyang boses parang naging isang malungkot na musika.

"Nung unang araw ka palang na dumaan sa harap ko nahulog na ako sa'yo. Nagalit ka nun at sobrang ganda mo. Alam mo bang di kompleto araw ko pag di kita nakikita."

Speechless. Naguguluhan ako. Di pa ata nag si sink in ang mga sinasabi niya.

"Miss Hannah Eliza Fernandez, kailan mo ba ako lilingunin? Nahuhulog yung puso ko tuwing dumadaan ka. Hindi mo man lang ba pupulutin?"

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako at hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko. Buong zoo ata yung nagwawala sa tiyan ko.

Nilingon ko siya. At for the first time nagkatagpo ang mga mata namin. Nahulog rin ba ako sa kakulitan niya?

"Nilingon kita kaso may iba ng pumulot sa puso mo. Alam kong nanliligaw ka kay Claire."

Nasasaktan ba ako? Siguro. Hindi ko alam.

Ngumiti siya. May nakakatawa ba dun? Pero ang pogi niya talaga pag ngumingiti siya.

"Miss Hannah Eliza Fernandez, I'm Yoseff Alvarez. Pwedi ba kitang ligawan?"

"Gago ka ba? Paano si Claire------"

"Si Claire Alvarez Ignacio? Bakit ko naman liligawan ang pinsan ko?"

Pinsan? Pinsan niya lang si Claire? Nabunutan ako tinik. Yun ang alam ko.

"Ano na? Pupulutin mo ba puso ko o hahayaan mo nalang mabasag?"

"Pupulutin ko pero pag niloko mo ako basag yang pagmumukha mo!"






You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 02, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hala Miss Nahulog! (One Shot)Where stories live. Discover now