CHAPTER 17

10 0 0
                                    

Stupid


"Ano?! You kissed her?!", Lee exclaimed.

Hindi ko siya masisisi. Kahit naman siguro ibang tao magugulat sa mga sinabi ko, ano pa bang pwede kong gawin? Yun lang ang naiisip kong paraan para hindi siya umalis.

"Ano ka ba Matty? Nag-iisip ka ba? Kahit na sabihin na nating mahal mo siya, mahal ka niya. Babae pa rin siya! Oh my god. Kaya naman pala sinampal ka eh. Hay nako,  kayong mga lalaki kelan ba kayo matututo?"

"Bakit Lee, hindi ka ba lalaki?"

Inismiran ako ni Lee at ininom ang natitirang bote ng beer.

"FYI, babae ako at heart. So, wag mo akong idamay kasi naiintindihan ko si Mavis. After ng lahat ng nangyari sainyo sino bang hindi masasaktan ng sobra? Aba at hindi mo kinuwento saakin noon na na-degrade mo pala pagkatao niya niya. Kaya pala ayaw na ayaw mo magkwento saakin."

Hindi na ako sumagot, tama nanaman siya. May kasalanan talaga ako, atsobra ko siyang nasaktan. Ibig sabihin ba noon na hindi ko siya deserve? Pwede naman ang second chance diba? Pwede pa kaming mag simula ulit. Ayokong nawala sa buhay ko si Mavis.

I can't.

Tumayo ako at pumunta sa C.R., grabe nahihilo na ako mukhang nakakarami na kami ng inom. Ano ng susunod kong gagawin? Paano ko siya haharapin? Pilit at pilit kaming magkakasama, dahil sa ngayon iisa lang ang mundong ginagalawan namin.

"Hoy! Pare! Hindi mo ba narinig sinabi ko? Huwag kang nakaharang sa dinadaan ko?!"

Huh? Sinong kausap niya? Ako ba?
Lumingon ako sa likod ko, may isang maskuladong lalaki na kasing tangkad ko ang nakatingin saakin. Galit siya. Mukhang lasing na. Hindi ko siya pinansin at binalik ang aking tingin sa dinadaanan ko.

"Aba! Mayabang ka rin no?! Gusto mo ba ng away?!"

Wala akong panahon sayo.

"Ahh hindi mo talaga ako haharapin. Eto sayo-"

At bago ko mamalayan, nakahiga na ang lalaking nanghahamon saakin habang dala dala ako ng mga bouncer palabas ng bar.

"Matt! Matty! Bintawan niyo siya, kasama ko siya!"

"Bawal ang magulo dito, umalis na kayo.", sabi ng mga bouncer habang iti apon ako palabas ng pinto.

"Edi aalis! Kala mo naman gwapo kayong mga bouncer kayo! Che!"

Umiikot ang paningin ko at manhid ang katawan ko. Nasan si Lee? Itinapon din ba siya palabas? Ako ba nagpatumba sa lalaking iyon?

"Matty! Okay ka lang ba? Grabe naman bakit mo kinalaban yon? Namamaga tulog kamay mo! Huy! Naririnig mo ba ako?"

"Lee, okay la--"

"Matt! Hoy Matt! Gising! Ano ba yan, dito mo pa naisipang matulog. Hindi kita kayang buhatin! Kawawa mga lady arms ko! Matty!!"

~~~~~~~~~~~~~~

Huh? Nasa... nasa bahay ako?

Bumangon ako sa higaan at umupo sa tabi. Shit. Ang sakit ng ulo ko.
Napahawak ako sa ulo at.. benda? May benda ang kanang kamay ko?

Ano bang nangyari kagabi?

*beep*

Hmm, si Lee?

Fr: Lee Martinez
10:36  AM
      Hey Matty!! Grabe ka ha ang bigat mo! Pasalamat ka lalaki pa rin ako at nagawa kitang buhatin papauwi sainyo. May tubig diyan at gamot sa table mo, may soup na rin diyan sa stove, iinit mo nalang. Tumawag na din ako kay Nicole sabi ko may sakit ka. Pumasok ka nalang pag okay ka na. Ako na muna bahala sa mga dapat gawin.

Somewhat how it Ended is where it all BeganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon