"Manong sa Upper Bonifacio po." Sambit ko agad pagkasakay ko ng taxi, galing akong BGH nagpa check-up, ilang araw na kasing sumasakit ang Ulo ko.
Habang asa daan tinawagan ko muna si Josh sa skype.
"Hi baby! Pauwi nako."
Halata naman kay josh na kakagising lang neto.
"Anong sabi ng doctor?" Tanong ni Josh.
"Balik raw ako sa Wednesday."
Ngiting-ngiti parin si Lai habang kausap at kaharap ang Cellphone kung asan si Josh.
"Manong jan nalang po sa may green na gate." Sabi niya sa taxi driver na agad din namang huminto at ibinigay na niya ang kanyang pamasahe.
Asa ibang bansa si Josh, long distance relationship silang dalawa halos mag-iisang taon naring ganun.
Ilang araw nagpabalik-balik si Lai sa Hospital para makuha ang resulta nung nagpa-check-up siya, dahil nung sinabi nilang Wednesday at nung bumalik siya ng wednesday ang sabi balik ulit siya ng monday hanggang sa thursday nalang daw ulit at kinuhanan pa siya ng dugo. nung una ayaw pa nilang ibigay dahil kailangan ng guardian, pero dahil asa province ang magulang niya wala naring nagawa ang doctor.
Halos maguho ang mundo no Lai nung nakita niya ang resulta.
"Manong, upper bonifacio po" Malamya niyang sabi.
"Sabi nila mas okay daw mag-open sa taong hindi mo kakilala." Bigla niyang basag sa katahimikan, tinignan lang siya saglit ng driver at hindi ito umimik.
Biglang umiyak si lai habang nakatingin parin sa may bintana.
"Ang sakit manong, ang sakit! sakit!"
"Wala akong kasamang lumalaban, natatakot ako eh, natatakot ako na baka pag sabihin ko sakanila eh kaawaan lang nila ako."
"Pero pano kung bigla nalang akong mamatay? Magugulat nalang sila mama" Tumawa siya saglit pero patuloy parin ang pag-agos ng kaniyang mga luha.
"Manong jan na po sa may green na gate." Sabi niya.
pumara ulit ng taxi si Lai pagkalabas ng hospital.
"Josh tama na, pagod na ko." Bigla niyang sabi sa kausap niya.
Umiiyak siya habang asa biyahe.
"Tangina naman kasi ng sakit na to eh!" Bigla niyang sabi kaya napatingin saglit ang driver sa dalagang nakatingin sa may bintana habang umaagos ang mga luha.
--
Sorry kung may ibang mali sa nangyayare yung about sa check-up ganun, hindi ko alam kung pano eh :)) sakyan niyo nalang. Aayusin ko to pag nakapagresearch nako about..