Chapter 27
//
" Pwede bang ako na lang? Ako na lang ang piliin mo kaysa sa Demonyong Prinsepe na 'yun. "
Isang linggo na ang nakakaraan after ng Music Festival pero hindi ko padin nakakalimutan lahat ng nangyari noong araw na 'yun. Lalong lalo na 'yung sinabi ni Joshua.
" Bhes? Okey ka na ba? " tanong ni Leslie.
" Oo naman. " sabi ko atsaka ako sumubo sa lunch ko.
kasalukuyang lunch break namin ngayon kaya kumakain ako. One week na ang nakakalipas at one week na din ang nakakalipas na hindi ko pinapansin si Adrian or as Joshua call him, Demonyong Prinsipe. Wala lang, natatawa lang talaga ako 'dun. tagalog na tagalong kasi.
Bakit ko nga pala hindi pinapansin si Adrian? Well, naiinis kasi ako sa kaniya. Sinira kasi nila ni Joshua yung stage performance namin tapos wala man lang sorry? Buti pa si Joshua may peace offering noong araw na 'yun kaya medyo na patawad ko na siya. Samantalang si Adrian, wala talaga.
Pag nagkakasalubong kami sa corridors, di ko talaga siya pinapansin. Hangga't hindi siya humihingi ng tawad. I won't talk to him.
" Bhes. " sabay turo ni Leslie sa may likod ko kaya naman napalingon ako.
Nagkukumpulan ang mga tao sa may bandang likod namin. " Ano kayang meron? " nagtataka kong tanong.
Syempre, dahil pinamagatang tsismosa kami ni Lesie ay tinignan namin kung anong pinakakaguluhan ng mga tao.
" Isa pang ulitin mo yun. Hindi lang yan ang aabutin mo. " kulang na lang lumuwa ang mga mata ko sa nakita at narinig ko. Si Adrian, his fighting again. Hindi na ba talaga nagsasawa 'tong lalaking ito sa gulo? Kailan ba siya madadala.
" Ayoko na dito Bhes. Alis na tayo. " sabay hila ko sa braso ni Leslie.
" Dahil ba kay Adrian kaya ka nagkakaganyan? " tanong ni Leslie habang kinakaladkad ko padin siya papalayo sa kumpulan ng mga tao.
" Halata naman diba. " naiinis kong sabi sa kaniya.
" Hayaan mo na Bhes. Magbabago din yun. " sabi niya sakin.
" Sana nga. " sabay napabuntong hininga na lang ako. Sana nga talaga magbago siya.
**
Nang maguwian na, agad kong inayos ang bag ko para makauwi na.
" Oy, Bhes. May meeting na naman kami. Mauna ka na umuwi ha. Ingat. " sabi ni Leslie.
BINABASA MO ANG
He's A Devil [Fin]
Adventure"My life changed when I let my self fall in love with the Devil." | mundongsaging (c) 2013 ALL RIGHTS RESERVED