Chapter 52:

7.9K 115 6
                                    

Shantelle Kristina


May alam na ibang ruta si Papa para mapadali ang byahe namin. Saktong pagdating namin sa sinabing hospital ng mga pulis ay nakaparada na sa tapat ng hospital ang ambulansya. Agad kaming bumaba ng sasakyan, maraming nurse na lalaki sa likuran ng ambulansya. May stretcher doon at inilalabas ng dalawang nurse na lalaki ang laman noon.


Napatakip ako ng bibig at halos manlumo ng makita kong si Ram ang inilabas nila doon.


"Diyos ko Isamel! Ang anak natin!" Iyak ni Mama.


"Ram!" Iyak ko rin sabay lapit dito, pero hindi kami pinayagang mapalapit doon dahil dali dali ng dinadala ng mga lalaking nurse sa loob si Ram na inilipat nila sa stretcher.


Wala kaming nagawa kung hindi sundan na lamang nina Mama at Papa si Ram sa loob.


Akay akay kami ni Papa habang sumusunod. Wala kaming tigil ni Mama sa pag iyak. Namamanhid ang buo kong katawan dahil hindi ko makalimutan ang hitsura ni Ram na nakahigang duguan sa stretcher.


Nang malapit na kami sa emergency room ay hinarang na kami ng dalawang nurse.



"Hanggang dito na lang ho kayo sa labas." Sabi sa amin. Nagpumiglas si Mama kaya inawat ito ni Papa.

"Ram!" Sigaw ni Mama. Kinabig ni Papa si Mama at niyakap. "Ismael ang anak natin." Iyak ni Mama. Gustuhin ko ring magwala at sundan si Ram sa E.R. ay pilit kong pinakakalma ang aking sarili dahil sa sitwasyon ko. Hawak hawak ko na lamang ang tiyan ko habang napasandal sa dingding habang umiiyak.


Ilang minuto na rin kaming naghihintay ng may dumating na mga pulis at kasama si Ninong. Agad akong napatayo at sumunggab ng yakap rito.


"Ninong." Muli kong iyak.


"Sssh. Ayos ka lang ba hija?" Tanong nito. Nag angat ako ng tingin dito at sinalubong ang tingin nito.


"Ninong si U-Uncle Milan... p-parang nakita ko sya."sumbong ko agad. Natatakot kasi ako, para talagang si Uncle Milan ang lalaking nakita ko kanina sa tapat ng bahay pagkaalis ni Ram.


"Ano na ang balita? Aksidente lang ba ang nangyari sa anak namin o may iba pa." Tanong ni Papa na nakalpit na rin sa mga pulis na kasama ni Ninong.


"Hindi aksidente ang nangyaring pagbangga ng sasakyan ni Ram." sagot ni Ninong. Muli akong napaiyak. Pinakalma ako ni Ninong bago ito muling nagsalita.


"May isang residente malapit sa lugar na iyon ang nakasaksi sa pangyayari. May isang sasakyan ang nakabuntot sa sasakyan ni Ram. Nagpaputok raw ito ng dalawang beses  at base sa pag iimbistiga ng mga pulis sa sasakyan ni Ram ay tumama ang isang bala sa likurang bahagi ng gulong nito. Hindi pa namin matukoy ang buong nangyari dahil sa salaysay ng nakakita. Mabuti at may CCTV malapit sa lugar ng pinangyarihan. Hinihintay na lamang iyon para matukoy kung ano talaga ang nangyari at kung si Melanio dela Cruz nga talaga ang taong may gawa nito kay Ram." Muling tumingin sa akin si Ninong.


"Ibig sabihin...." halos lumabas na ang puso ko sa kaba. Si Uncle nga.

"Oo, isa ang Ninong mo sa mga preso na nakatakas ng may maganap na sunog sa bilibid na pinaglalagakan nito."


"Paanong nangayari? Bakit hindi namatyagan ng mga kapulisan ang mga preso. Alam nilang posible sa mga preso ang tumakas!" hindi na mapigilang galit ni Papa. Napayuko tuloy ako habang umiiyak at nanginginig sa takot. Marinig ko pa lang talaga ang pangalan ni Uncle Milan ay sobrang natatakot na ako.


Stolen Innocence (Completed) Warning: SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon