ZOE'S POV
"First day na first day puro panget ang nakikita ko wala na bang gwapo at maganda diyan? Tss"
"Zoe naman. Wag mo nga kong laitin sa ganda kong toh?"
"Ikaw maganda? San banda sa singit? Duhh tigil-tigilan mo kong bakla ka ha.."
"Bestie naman ehh.."
"Wag ka ngang ngumuso kamukha mo si Donald Duck.."
"Bat ba ang sungit mo ngayon? Meron ka ba?"
"Di ka na nasanay sakin?"
"Sabi ko nga oo..tara na nga maghahanap pa ako ng gwapo .."
Hi I'm Zoe Airene Ysenza. 16 years old and a Grade 11 student of De Gaulle University also a Volleyball Player.
Naglalakad kami ngayon ng bestie ko na si Donald Duck ..kidding.. siya si Harlan Kent Tenebro. Kay lalaki ng pangalan pero bakla.
Oo may itsura naman siya pero wala na kayong pag-asa diyan girls kasi boylet ang hinahanap niyan."Dali bes. May nakita na ako! Ayun siya oh!"
May tinuro siyang lalaki na may katangkaran.
"Gwapo? Saan? Diyan ba ang South Korea?"
"Bes naman eh! Ayun siya oh balita ko Bastketball Player yan..."
"Ahh ang gwapo nga.."
"Sinabi---"
"Ni Shokoy kesa sakanya..,
Ayy hinampas ako ng pato. Ansakit ahh. Totoo naman mas gwapo pa si Shokoy kesa sakanya.
Si Shokoy ang alaga kong aso.
"Bulag ka na ba bes?"
Ayy ginawa pa akong bulag."Malapit na kung titigan pa natin ang panget na yan.."
Tinignan ko siya na parang nasusuka."Aish tara na nga sa audi.."
Naglakad kami papunta sa audi. Bat ba ang layo ng audi? Nakakainis tuloy ang mga titig nila sakin. Sarap tusukin ng mga mata nilang parang labas na ang eyeballs sa sobrang laki.
Oo na ako na maganda tama na ang titig niyo baka mahawaan ako ng pagkapanget ninyo."Hi miss ang ganda mo naman.."
At may lumapit pa talaga.Siniko ko ang katabi ko.
Nagets na niya siguro yun kaya siya na ang nagsalita para sakin.
Sinisiko ko yan kapag tinatamad na akong magsalita."Aba! May alien pala dito sa earth ngayon!"
Yan ganyan nga bes. Sige pa. Laitin mo pa ililibre kita mamaya."Aba't wag kang umepal bakla ka!" Sabi ng lalaki na parang susuntukin na niya si bes.
"Bes nakakatakot naman yang alien na yan.."bulong niya sakin.
"Sige na ililibre kita mamaya. Nakakatamad magsalita ehh"bulong ko pabalik sakanya.
"Maksabi ng epal wagas! Maligo ka nga muna! Pwee! Ang baho nakakasuka ng amoy mo!"
"Aba't sumusobra kang bakla--"
KRINGGGG!!!
Ayy nakakabitin naman oh. Flag Ceremony na. Tss
"Hindi pa tayo tapos bakla!"
"Gusto mo tapusin ko na ngayon?"
Wow! Tindi ng fighting spirit ni Bakla.Tinignan niya lang si Bes ng masama atsaka umalis papuntang audi.

BINABASA MO ANG
When Ms. LAITERA Falls Inlove With Mr. MAYABANG
RomanceDalawang mga mahahangin ang magmemeet. Ano kayang magaganap? World War 3?