part 5

2 0 0
                                    

ZOE'S POV

After ng incident kanina sa bulletin board parang nandidiri silang tumingin sakin. Bakit? May ginawa ba akong mali? Wala naman ahh.

Tss. Kung umacting siya super halata pa. Akala siguro niya hindi ko siya nakita kaninang umaga. Dito ako sa room natulog kagabi. Tinatamad akong umuwi kahit dala ko ang kotse ko. Pero umuwi naman ako kaninang umaga kaya nakapagpalit na ako at nakaligo.

Akala niya siguro hindi ko alam. Pinicturan ko pa nga siya kanina eh. Pfft. Ang sabaw naman ng higanti niya at nakita kong naghahanap pala sila ng Secretary at para lang yun sa mga Grade 11 kaya pumunta kami ni Donald para sa Screening. Dapat ako ang makuha niya para makaganti ako sa mayabang na yun. Ginamit pa talaga niya ang sarili kong kambal. Akala niya siguro ex ko yun. Tss. Ang kitid naman ng utak niya SC Pres. Ba talaga yun? Parang hindi bagay sa kanya eh.

"Bes. Bat antagal ni papa jayther? Nangangalay na ako dito."

Nagkibit balikt ako. Ewan ko rin nga kung bakit antagal niya ehh. Tapos kanina pa reklamo ng reklamo ang baklang toh. Nakakairita kaya ng boses niya.
Ang haba rin ng pila. And mabuti na lang kami ang nasa pinakaunahan ayy si Donald pala.

"Good Morning Mr. President.." may bumati sakanya kaya napalingon silang lahat.
Pawis na pawis ito at halatang tumakbo.
Grabe yung respeto sakanya ng mga estudyante dito. Tss kung alam lang nila ang pinanggagawa ng lalaking yan. Tss.

"Shete. Ang hot ni papa Jayther.."

"Hot? Mainit naman talaga.."

"Hayy naku.. alam ko sa kaloob-looban mo na nagagwapuhan ka sakanya.."

Umubo ako. Nababaliw na naman ang baklang toh. Kung ano-ano na lang ang pinagsasabi.

Naglakad siya papunta saamin kasi malapit kami sa pinto pero natigilan siya ng makita niya ako. Hindi niya siguro inaasahan..

Pwes. Humanda ka sakin..

JAYTHER'S POV

Nakapasok na ako sa room na nasa state of shock parin. Hindi ko kasi ineexpect na mag.aapply siya.
Unang pumasok yung bakla niyang kaibigan at pansin ko lang puro mga babae ang nakapila walang lalaki except sa baklang toh..

"Anong ginagawa mo dito bakla?"

"Well of course. Mag-aapply as Secretary."

"Hindi pwede ang mga bakla kaya alis. Papasukin mo yung next.."

"Aba't pasalamat ka at gwapo ka .."

Umalis siya. Nakakainis talaga ng mga bakla sarap nilang upakan. Ang lalandi kasi.

Pumasok ang next.

"Introduce yourself and explain why you want to be the SC Secretary.."

Sabi ko na hindi pa rin tumitingin sa pumasok busy kasi ako kakapahid sa pawis. Anlagkit. Makauwi nga mamaya at magbababad ako sa bath tub.

Imbis na magsalita siya naglakad siya papalapit sa table ko at pinatong ang kanyang Ipad.. O_O

Nanlaki ang mata ko. Ako yung nasa picture. Kaninang umaga iyon at lumilinga ang ulo ko habang nagdidikit ng mga pictures sa bulletin board.

"Accept me or I'll post this on the Bulletin Board like what you did to me.."

Nanigas ako. Si Zoo yung nagsalita.
So talagang alam niya kanina pa na ako yung nagpadikit. Pero bakit hindi niya sinabi kanina?

"Ehem..eh bakit hindi mo sinabi sakanila kanina?"

"Ewan..ampanget mo kasi.."

Aba't puro panget na lang ba ang nasa utak ng babae na toh? Nakakainis na ha. Sa gwapo kong toh? Tss.

"So..yes or no? Dali baka mahawaan ako ng pagkapanget mo.."

Makalait wagas. Bagay ba talaga siyang maging SC Secretary? Parang hindi ehh. Pero may balak ako sakanya. Papahirapan ko siya and alam kong idedelete na niya yang picture na yan.

"Ok. Basta idelete mo yan."

"Hmm okay. Oh wala na.."

Pinakita niya ang gallery niya at wala na ngang pic doon kahit isa.

"So it's settled I'm the new Secretary and I will do my duty to serve the President.."
Napangisi siya sa sinabi niya na parang may binabalak.

"Ok paalisin mo na sila at ioorient kita sa mga dapat mong gawin.."

Lumabas siya at rinig ko pa yung pagtaboy niya sakanila..

"Get out of here uglies. I'm now the new Secretary. "

Pumasok siya at prenteng umupo sa sofa. Aba akala mo bahay niya toh..

"So can we start now?"
Nagmamadali ba ang panget na toh? Tss

"Okay first. Wag mong aawayin ang President."
Tumango siya.

"Pero pwedeng laitin. Wag kang umangal.."

Siya ba yung President? Makautos wagas ahh.
Parang sasakit ang gwapong ulo ko sa babaeng ito..

"Tss. Next susundin mo lahat ng inuutos ko. Wag ka nang umangal pa.."

Tumango siya . Mabuti naman--

"Basta pwede kang laitin.."

"Oo na oo na.."

Puro na lang lait ang nasa utak niya. Tss pero gwapo pa rin ako.

"Next. Kung tatawagin kita dapat pumunta ka agad. Wag ka nang umangal.."

"Paano kapag may ginagawa pala akong...alam mo na.."

"Shet. Ang bastos mo naman. Eww..hindi ka na pala Virgin?"

"Gago. Paano kapag natatae ako? Pupuntahan kita? Wag makitid ang utak panget.."

Napahiya ako dun ahh..

"Okay and last..don't fall inlove with the handsome SC President.."

"Pfft. Hahhaha."

May nakakatawa ba sa sinabi ko? Wala naman ahh abnormal talaga ng panget na toh.

"Oyy anong tinatawa-tawa mo diyan ."

"Pfft. Sino maiinlove sa panget na kagaya mo? Hahaha"

Yan na naman tayo sa panget na yan. Aghh nakakainis siya.

Opps Jayther wag masyadong mastress baka masira ang kagwapuhan. Kaya huminahon ako baka masira ang kagwapuhan ko. Tss

"Makakaalis ka na.."

Lumabas siya na tumatawa pa rin. Baliw na nga talaga ang babaeng yan.
Pero bakit ko nga ba nasabi ang last na rule na yun? Wala naman kasi talagang ganun.
Pero ginawa ko lang yun kasi andaming babae ang nafafall sakin. Ayokong saluin ang mga panget. At isa pa wala pa akong balak magka gf kasi bata pa ang poging si ako.

Wag niyo akong pagtawanan kapag malaman niyong NGSB ako. Paki niyo? Wala akong paki kung wala man akong naging gf. Makakain ko ba yun? Tss.

Nagbibigay problema lang yan mabuti pa ang kagwapuhan ko pinapasaya ako. Hindi gaya ng mga babae na yan na puro landi lang ang alam.

Wag niyong isipn na woman hater ako. It's just that I'm not fond of them well of course except my mom.

Pero bakit nga ba wala akong naging gf? Andami namang nanliligaw sakin palagi pero ni isa sakanila hindi pumasok sa mga standards ko.

Oo na mapili na ako pero wag kayo kasi gwapo pa rin ako..

***

When Ms. LAITERA Falls Inlove With Mr. MAYABANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon