Chapter 32

114 2 0
                                    

(YSABELLIE'S POV)

Nakakainis! Umiyak na naman ako. Eto kasing si Migoy eh, papansin. >.<

Bago kami umalis sa rooftop, may pinromise muna kami sa isa't isa. Yun yung hindi na namin babalikan lahat ng sad moments at mga nakalipas. Gusto kong itanong sa kanya kung bakit siya biglang nawala, kung bakit niya ako iniwan, kung bakit siya umalis na hindi manlang nagpaalam. Marami akong gustong sabihin sa kanya pero wala. Wala akong nasabi. Na convert na ata sa luha lahat.

Gusto kong magalit sa kanya kasi lagi na lang siyang nakakainis sa buhay ko. Pero nung inakap niya ko, nawala lahat ng asar ko sa kanya. Parang yung lahat ng kasagutan na gusto kong marinig sa kanya na satisfy na lang ng akap niya.

"Pong Pong, promise mo wag ka na uling iiyak ah? Pag umiyak ka ulit ibig sabihin may Crush ka sakin."

Yan na naman yang pag-iyak ko. Lagi na lang issue yan. Hindi ko nga magawang mangako kay Maku na hindi na ulit ako iiyak, eh pano ba naman kasi! Napakaraming dahilan para umiyak ako. Eto naman ngayon si Migoy... Haaaay.

*Batok

"Araaaaay! Bakit mo ko binatukan?!"

"Ang kapal mo!!! Asa ka naman!"

"Asus! Gustong gusto mo naman? Kunyari ka pa, ayaw mo ngang kumawala sa pagkakaakap ko."

"!@#$%^&*()_=-!!!!!! Dyan ka na nga!"

Eto na naman, nambubwisit na naman tong isang to. Kumawala na ko sa pagkaka akap niya para naman makabawi ako ng bugbog. Ang ligalig kasi eh. -_________-

Tinulak ko siya papalayo sabay sinipa ko yung tuhod niya.

"Hoy Mister! Wag ka ngang pilingero dyan?! Swerte ka nga naka akap ka sakin. Alam mo bang maraming naghahangad ng akap ko?"

"Ang weak naman ng mga nagpapantasya sa'yo, hug lang? Ako nga na KISS na kita eh. Tapos nakatabi pa kita matulog, tapos kasama mo pa ko dito sa bahay mo. Kulang na lang----"

"Hep! Manahimik ka! Waaaaaaaaaaaaah! Kadiri ka talaga! Maniac! Maniac!"

"Luh? HAHAHAHAHA! Namumula ka na oh, kahit kailan talaga pikon ka eh nuh? Lahat naman ng sinabi ko totoo ah? Tsaka ano bang masama don? May nagmamay ari ba sa'yo? May magagalit ba? Ayaw mo ba?"

PISTIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIII! Lechugas to ah?! Bakit hindi pa niya diretsuhin?~! Kulang na lang sabihin niya "BAKIT MAY BOYFRIEND KA BA?" So pinapamukha niya sakin na wala?!!!

"Hoy! Eh ano kung wala akong boyfriend? Gustong gusto mo yun? Tuwang tuwa ka?! Wala na akong boyfriend Migoy! Wala na! Wala! Tapos na kami! Hindi na kami, wala ng KAMI!!! Malabo na eh. Alam mo yun? Yung okay naman talaga pero naging magulo? Yung andun na eh, ayos na sana. Na sa dinami rami ba naman ng araw na pwede kaming mag hiwalay, nung VALENTINE'S DAY pa! Pero okay na ako. Swear. Kaya ikaw, tigil tigilan mo ko ng mga pag ganyan mo dahil pag ako napuno na..."

"Ano? Sasagutin mo na ko?"

*Smirk

"What theeeeeeeeeee?!!!"

"Oh bakit na naman?"

Asaaaaaaar! Nasa kalagitnaan na ako ng pag e emote eh. Itong isang to kahit kailan talaga!!!

Napabugtong hininga ako. Lumapit siya sakin, malapit na malapit. Hinawakan niya yung mga kamay ko, hinawakan niya ng mahigpit sabay

*HAMPAS

"Ketchup!"

Anak ng! Namula yung mga kamay kooooooooooooooooooo!

"Lintik ka Migoy akala mo nakakatuwa ka ah?"

"Edi hindi. Habulin mo ko kung gusto mong gumanti."

Tumakbo na siya. Arrrrrrrrrrrrrrrrrrrg!!! Wag lang talaga siyang magpapahuli sakin kundi mangangamatis buong katawan nito! YAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!

"Ketchup yer ass Migoy! Magtago ka na. Yari ka talagaaaaaaaaaa!!!"

"Ohhh I'm scared. Pong Pong Pikon, habulin mo ko!!!"

Waaaaaaaaaah! Hinabol ko talaga siya. Super duper takbo to the max. Tumakbo siya papunta sa baba. Nasa hagdan na ako pero wala na siya. Grabe! Ang bilis! San naman kaya nagsuot yun?

Kinareer ko talaga yung pagtakbo, hindi ko na nga maramdaman yung paa kong sumasayad sa hagdan feeling ko nasa ere na ko. Waaaaaaaaah! Mahuli ko lang talaga yung mokong na yun tatalsik talaga siya sa kalsada!

*Riiiiing~

*Closing Time - Semisonic

Napahinto ako nung may narinig akong tumunog na cellphone. May tumatawag? Lumingon lingon ako, baka cellphone yun ni Migoy ibig sabihin nandito lang siya malapit. Nasa gitna palang ako ng hagdan at sumilip ako sa baba sa may sala, baka nandun siya nagtatago. Wala naman. =____=

Bababa na dapat ako pero may tumunog ulit.

*Beep beep

Text message naman?...

"Hoy Migoy, huli ka na. Nandito ka lang alam ko, magtago kang mabuti kung ayaw mong masako!"

HAHAHAHA! Tuwang tuwa ako. Taguan na to. Taguang bugbog! Nakoooo! Wag talaga siyang magpapahuli.

Seven steps na lang nasa baba na ko pero may narinig akong kumaluskos sa likod ko. Paglingon ko...

"BOO!"

"WAAAAAAAH!"

*Laglag

Pagmulat ko.

O____________O

OMAYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYY!!!

Pareho kaming nalaglag sa hagdan. Aguy ang sakeeeeeeeeeeeeet!!! >.<

"Hey miss, mabigat ka kaya."

Waaaaaaah! Nakapatong ako sa kanya???!!!

Wu daaaaaaaa?!!! Pansin ko lang dumadalas yung mga ganitong eksena sheeeeet! O_O

"Aray, yung siko ko. Ang sakit kayaaaaaaaa!"

"Sus masakit daw. Ayaw mo lang umalis eh. HAHAHA! Sinong MANIAC satin ngayon huh?"

*Smirk

"Lechugas ka Migoy! Hindi ako nagbibiro, masakit talaga! Pag may nangyari saking masama mananagot ka talaga! Mumultuhin kita, hindi ko patatahimikin kaluluwa mong MANIAC!"

"Luh? O.A. lang? Malayo yan sa bituka nuh? Sino kayang plumakda dito sa sahig? Ako diba? Mas masakit yon kumpara naman sa siko mo. At isa pa, sinalo ako ng sahig eh ikaw? Ayan nakapatong sa hot na hot kong katawan."

"Ewwwwwwwww! KADIRI KA TALAGAAAAAAAA!"

Pinilit kong tumayo, grabe, ang sakit. Siya naman? Ayun nasa sahig pa rin.

"Hoy Miguel Palaboy, wag ka ngang paawa effect dyan? Hindi ako tatablan niyan asa ka!"

"Hindi ako umaarte nuh? Yung likod ko...."

"Kasalanan mo kasi yan! Pa ketchup ketchup ka pa. Ayan tuloy, na ketchup ka sa sahig! HAHAHA! Ang bilis ng KARMA!"

"Anong karma? Hindi kaya karma yon? May kasama kasi akong 'WALKING DISASTER' at ikaw yun. Lapitin ka talaga ng disgrasya nuh?"

"Anong? Walking Disaster?!!! ME???!!! Ewan ko sa'yo bahala ka dyan."

Grabe yung taguang bugbog na yon. Pareho kaming nasaktan. HAHAHAHA! WALKING DISASTER? Lalala whatevs! =P

-End of Chapter 32-
@elisiachico

When Ms. Walking Disaster Met Mr. Bad JokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon