fifteen

18 1 0
                                    

Third Person's POV



Nakaulit nang huminga ng malalim si Roxy. Diniin niya maigi ang oxygen mask sa bibig niya upang makalanghap ng hangin. Muntik na siyang mamatay, ulit.




Nang idiin kasi sa kanya ang unan ay nagpanggap siyang patay na. Mabuti na lamang ay ibinalik ng salarin ang oxygen mask upang ipakitang walang nangyari kay Roxy.





Lumabas ang malamig na pawis sa kanyang noo at napapikit siya. Nag-usal siya ng mahinang dasal at muling huminga ng malalim. Naalala niya kasi ang sinabi sa kanya ng kababata niyang si Amada..




"Roxy kapag nasa bingit ka ng kamatayan, magpanggap kang patay. Nang sa gayon, maaaring mailigtas mo ang sarili mong buhay."




Sinabi sa kanya 'yon ni Amada bago ito matagpuan sa likod ng building na puro dugo at tadtad ng pasa ang katawan. Simula nang araw na 'yun, nawala ang kalahating pagkatao niya.





Bumukas ulit ang pintuan at napaupo siya. Nataranta siya at hindi malaman ang gagawin dahil napaparanoid siyang baka ang killer na naman ang pumasok sa loob ng silid niya.





Muntik na siyang atakihin ng puso nang pumasok ang ina niya kasama ang ama niya.




"Oh my God! Roxy! Gising ka na!" Masiglang sabi ng nanay niya at inilapag ang binili nitong pagkain sa lamesa.




Umiyak si Roxy at bumaba ng kama niya. Niyakap niya ang magulang niya habang humahagulgol.





"M-mom... I thought I'm gonna die.." Hikbi niya sa nanay niya.





Hindi niya pa rin makalimutan ang nangyaring pangbababoy sa kanya ng taong hindi niya inaakalang kayang gumawa ng ganoong bagay. Akala niya ay isa itong mapagkakatiwalaan at inosenteng kaibigan.





Faked SuicideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon