:: Chapter 7: Ulan ::
[Alex's POV]
"Marco?"
Nakatitig lamang siya sa akin habang bumubuhos ang malakas na ulan amin katawan. Nang akmang siya'y aking lalapitan, iniwas nya ang kanyang tingin sa akin.
Sa pagdaan nya sa aking tabihan, naramdaman ko ang paspas ng hangin habang palabas na siya ng eskwelahan. Hahabulin ko pa sana sya upang makapagpaliwanag kung bakit nakasama ko si Kevin ngunit ng makarating ako sa gate, wala na sya...
Bumalik ako sa loob ng paaralan kasama si Kevin upang sumilong muna sa kadahilanang wala kaming mga dalang payong.
Nagpunta kami ni Kevin sa may metropolis, yun yung hintayan ng mga estudyante. Madaming mahahabang upuan ang naroon. Naupo kami sa lugar na bakante, madami dami rin kasing tao ang nakaupo doon at nagpapatila ng ulan.
Habang naghihintay kami, may tinanong ako sa kanya.
"Kevin, may mali ba akong ginawa?"
"Huh? eh wala naman, bakit mo namang naisip na may nagawa kang mali?"
"Eh pano kasi, diba siya dapat yung kasabay kong palabas ng school pero it turns out na tayong dalwa ang naging magkasabay tapos nakita nya pa tayo. Nagalit kaya sya sakin kasi kasama kita kaya na lang ganon yung pag walk out nya sakin kanina? hmm. Teka teka bakit naman sya magagalit sa akin eh sya nga itong nang-iwan sa akin sa classroom. Wala naman akong ginagawang masama ah. Saka napakapit lang naman ako sa braso mo kasi nagulat nga ako sa kulog. Teka bakit naman ako nagpapaliwanag? Hindi ko naman kailangan magpaliwanag sa kanya eh, ano ko ba sya? ano ba nya ako? Mag-kaibigan lang naman kami diba. Ay nako! Bahala sya sa buhay nya. HMP!"
"Hahaha. Ang haba ng sinabi mo, wala ako masyadong naintindihan, ang bilis bilis mong magsalita eh kaya oo na lang. pasensya na ah."
"Ah ganun ba, sorry din, mabilis pala akong magsalita. Pero di bale alam ko na kung anong gagawin ko bukas sa klase. Hindi ko sya papansinin. Bwahaha."
"Bakit hindi mo sya papansinin?" "Wala lang, trip ko lang na hindi sya pansinin. Ganun ako eh. Saka pinag walk outan nya nga ako kanina eh. Tama ba naman yun?"
"Well, if that's what you think then do what you want, basta labas ako dyan ah."
"Ay ganyanaaaaaaan. Mang-iiwan sa ere?"
BINABASA MO ANG
BF - BestFriend or BoyFriend
Ficção AdolescenteLast year of high school na ni Alex and her memories were slowly flashing back. Ang kanyang tropa na araw araw niyang kasama, ang mga kaklase na magugulo at mga guro na minsan ay namumura sila. Pero ang hinding hindi niya malilimutan ay ang dalwa ny...