Move On Na, Tanga!

1.5K 50 34
                                    

Disclaimer.

Ang storyang ito ay pawang kathang-isip lamang. Ang anumang pagkakatulad sa ibang storya ay hindi sinasadya. Ang mga pangalan, bagay, lugar, hayop o pangyayari na may pagkaparehas sa iba ay nagkataon lamang

PLAGIARISM IS CRIME

---

Prologue.

Hindi natin maiiwasang masaktan lalo na kapag nagmamahal tayo.

Dapat expected ko na ‘yun simula ng pumasok ako sa relasyon na ‘to pero hindi ko naman inaakalang mapapagod siya. Akala ko kasi siya na si The One.

“Dana, let's break up”

Kinunutan ko ng noo ang boyfriend ko. Nginitin ko siya sabay pisil ng pisngi niya.

“Hindi naman nakakatawa ‘yung joke mo, baby”

“I'm not joking”

Napatigil ako. Parang binuhusan ng malamig na tubig ang buo kong katawan.

Seryoso siyang nakatingin sa akin.

“Let's end this”

Hindi na niya ako pinagsalita. Tuluyan na siyang umalis sa parke kung saan kami nagliliwaliw.

Nagsimula ng mag-unahan ang mga luha sa mata ‘ko. Mali pala talagang gawing mundo ang tao.

Ilang oras pa akong nanatili sa parke. Nang napagdesisyunan kong umalis na, may nakita akong lalaki na deretso sa aking nakatingin.

Napansin niya atang nakatingin ako sa kaniya kaya agad itong umiwas.

Hinayaan ko na lang siya at minabuti na lang na umuwi na muna.

Pagkarating ko sa bahay. Nadatnan ‘ko si kuya na nanonood ng balita. Tungkol ito sa lalaki na namatay dahil sa lunod ng magkaaberya ang sinasakyang Jets ski

Tinawag ako ng kapatid ko pero hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy akong umakyat. Dumeretso ako sa kwarto ko.

Doon ko piniling umiyak. Umiyak ng umiyak hanggang sa magsawa ako.

Natigil ako sa pagmumuni ng may marinig na ingay galing sa labas. Sumilip ako sa bintana.

Sa labas ng bakod namin, may lalaki doon. Parehas na parehas ang suot nila ng lalaking nakatingin sa akin kanina.

Binuksan ko ang bintana para sana patahimikin siya dahil ang ingay-ingay niya.

Pero hindi ko siya nasita ng marinig ang sinasabi niya sa sarili niya.

“Pwede ba Xzyr umayos ka nga!” kausap ng lalaki sa labas. Parang nakikipagtalo sa sarili niya.

“Ikaw ang umayos, Kyros! Hindi ka tao kaya pwede bang ayus-ayusin mo takbo ng utak mo!”


Ano raw? Hindi siya tao?

Baliw ata ‘yun.

Minabuti ko na lang na isara ang bintana. Nawala na rin naman ang ingay pagkatapos.

Natulog na lang ako at iniwaksi ang isipan na wala na kami ni Airon.

It sucks.

Mababaliw na rin ata ako katulad ng kaninang tao sa labas.

In this story, you are the protagonist. You will find out what is the weird guy.

---

■ PLEASE LEAVE LIKE AND COMMENT ■

Move on na, Tanga!(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon