Chapter 1:
Precious CryMalakas ang simoy ng hangin. Sobrang liwanag ng kalangitan. Kumakaway man si haring araw ngunit hindi mainit. Ang ganda ng panahon.
Nawala ang atensyon ko sa malaking gate na tinitignan ko nang may magsalita galing rito.
"Ah ma'am Dana? Pasok po kayo" napatingin ako sa maid na kakalabas lang ng malaking gate nila. Mukhang magtatapon ng basura.
"Naku,wag na po aalis na rin naman po ako maraming salamat na lang po" tugon ko. Nginitian ko pa siya para mas masigurado na ayos lang ako dito sa labas ng gate nila.
Mabuti na lang kilala niya ako at hindi ako napagbintangan na nag-aaligid sa mansion ng amo niya na balak magnakaw mamayang gabi.
Humakbang na ako paalis sa bahay nila. Ayos na rin siguro ang isang oras na pamamalagi sa tapat ng bahay nila.
Gawain ko ito simula ng maghiwalay kami.
Tumigil ako sa paglalakad ng mabosesan ang maliit na boses.
"Ate Dana!!"
Lumapit sa akin ang batang babae bago niyakap ang dalawang tuhod ko.
"Ate Dana bakit ngayon ka lang pumunta dito? Na miss po kita" tumingala ako para hindi matuloy ang nagbabadyang luha ko.
Hanep na batang ito. Miss ko din naman siya kasama. Lalo na yung kuya niya.
"Na miss din kita, Amber" tumingin na muli ako sa kanya nang nahimasmasan ako
"Ate pasok muna kayo sa bahay please, nandun din si kuya Airon" masayang sambit ni Amber, napatigil ako sa pagtingin sa mukha niya ng banggitin niya si 'Airon' ayoko pang marinig ang pangalan niya. Sa ngayon.
"Ahm...next time na lang Amber, okay? May kailangan kasi akong gawin sa bahay" pagsisinungaling ko. Sa totoo lang, ayoko lang siyang makita pa.
Umalis na sa pagkakayakap si Amber kaya't minabuti ko na lang siyang pantayan para marahang mahimas ang mukha niya.
"Nag-away po ba kayo ni kuya? Kasi po di ko na nakikita kayo na magkasama at may dinadala ng ibang babae si kuya dito" inosente niyang sabi.
Ahh... Babae... Ahh may bago na
Nginitian ko na lang ang bata para hindi na siya magtanong pa.
"Nope, 'di kami nag-away, okay? Sige na Amber mamimiss kita" sabi ko bago patagong pinunasan ang luhang nakawala sa mata habang ang mukha ko ay nasa likod niya.
"Bye, Ate Dana I love you!" Huling sambit ng bata bago ako umalis
Agad akong napatalikod ng makita ang taong gusto kong makausap pero ayaw kong makita.
Si Airon. My first boyfriend and my first heartbreak.
Maybe almost two months na since we broke up? But still... I can't move on.
Sobrang perpekto ng relasyon namin. Relationship goals kung baga. I'm pretty sure na wala rin siyang ibang babae kaya hindi pa rin ako makakuha ng dahilan para maghiwalay kami.
Minabuti ko na lang na umuwi ng bahay pero pagkakadating pagdating ko sa bahay bumungad sa akin si kuya Dean. My only one sibling and brother.
"Saan ka na naman galing Dana?" Mahinahong tanong niya but I know deep inside, gusto na niya akong bulyawan.
Ayaw na ayaw niyang bumabalik ako sa gagong ex-boyfriend ko daw. Nagmumumkha daw akong desperada sa ginagawa kong paghahabol at pagmamakaawa na bumalik siya.
Well, hindi niya naman ako masisisi. I really love him. Sa love magiging tanga ka talaga.
"Sa tabi-tabi lang kuya" sagot ko sa tanong niya.
"Tabi-tabi lang pala yung bahay nila Airon... ngayon ko lang nalaman" Mahinahon pa rin ang boses ngunit kita mo sa kanyang mata ang galit at pagkadismaya.
"Kuya napadaan lang ako sa bahay nila tap--"
"Wag ka ng mag dahilan pa Dana Kim! Ilang buwan ka ba magpapakatanga sa lalaking yan!?" Wala akong nagawa kung hindi yumuko. Handang makinig sa lahat ng sasabihin ng kapatid ko.
Bigla na lang nagtubig ang mata ko. Kumikirot ang puso at parang may bara na rin sa lalamunan ko. Hanggang sa hindi ko na mapigilan ang pagluha.
Humagulgol ako sa harap niya. Nakatakip na rin ang dalawang kamay sa mata ko. I feel so pathetic. Umiiyak ako sa harapan ng kapatid ko.
"I'm sorry Dana pero Dan naman. Just move on, mag dadalawang buwan na di ka pa rin nakaka move on? Please Dan ako ang nasasaktan sayo"
Hindi ako nakaimik bigla akong nakaramdam ng inis dahil sa sinabi niya. Moving on is like a photosynthesis. It has a process.
"I want to, kuya. I want to but I can't..." Bigla akong niyakap ni kuya na mas lalong nagpaiyak sa akin.
"Alam kong nasasaktan ka pa pero sana balang araw makalimutan mo na rin siya" Hinagod niya ang likod at marahang hinaplos ang buhok ko.
I wish I can find a guy like my brother...
---
■ PLEASE LEAVE LIKE AND COMMENT ■
BINABASA MO ANG
Move on na, Tanga!(COMPLETED)
RomantizmThere was a girl named Dana Kim Dela Rosa who can't let go her feelings toward his ex named Airon Gomez and there is a weird guy who will enter to her cliché story. Dana and the weird guy will pretend that they have a relationship. She will depends...