♔ Chapter 12 ♔

338 58 45
                                    

James Point of View

Hayop talaga iyang Jeremy na yan.

Sabi na nga ba nambababae siya.

Ang masaklap pa yung girlfriend ko pa.

Ex girlfriend ko pala.

Nakipag break na ako sa malanding babaeng yun.

Ang kapal ng mukha nila, naging mabuti si Sammy sa kanila tapos ganyan ang ginawa nila.

Baka nagluluksa ngayon si Sam.

Pupuntahan ko siya at bibigyan ng comfort para gumaan ang loob niya.

Kailangan nya ngayon ng makakausap.

Shit. Sarado ang bahay nila.

Alam ko na, aakyat ako dun sa hagdan then tatalunin ko na lang para makapunta sa kwarto niya.

Buti naman at walang nangyaring masama sa akin . . . este kay Sammy.

Kumatok ako ng tatlong beses sa bintana niya.

Bago niya buksan ang bintana ay pinunasan niya ng panyo ang mata niya.

"Sammy." sabi ko.

"Ohh? Bakit ka nandito?" sabi niya.

"Ahmmm. Gusto lang kitang samahan" sabi ko

"Ahh... Okey" ngiting sabi niya.

"Okey ka na ba?" pag aalalang tanong ko.

"Oo naman." sabi niya.

"Pero Sammy. . . . ." putol na sabi ko.

"James . . . I told you that I'm fine.

Kung tungkol sa nangyari kanina, wala na yun. Atsaka nakipag break na ako sa kanya" sabi niya.

"And besides, I can forget it naman, right?" sabi niya

Hindi na ako sumagot. Mga ilang minuto lang ang lumipas, hindi na niya napigilang umiyak.

"J-James, n-nasasaktan ako." paputol putol na sabi nya

"Don't worry Sammy, I'm always here for you. Hinding hindi kita iiwan. Sasamahan kita" sabi ko.

Tarantadong Jeremy na yun, ngayon ko lang nalaman na ganun siya manakit ng babae.

Grabe! Iyak ng iyak si Sam. Medyo napapaiyak ako pero pinigil ko.

Ayaw ko kasing nakikitang umiiyak ang mahal ko. Nasasaktan ako.

"Hoy James! Itigil mo nga iyang kahibangan mo.

Tulungan mong malimutan ni Sam ang sakit na dinulot ni Jeremy sa kanya." sabi ng utak ko.

Mag iisang oras ng umiiyak si Sam.

Pagkatapos nun ay nakatulog na siya.

Kinumutan ko na siya at lumabas na ako sa bintana.

Kauuwi ko pa lang sa bahay.

Grabe ang namuong galit sa dibdib ko.

Humanda siya sa akin bukas.

Samantha's Point of View

Hindi ko pa din nalilimutan ang sakit na nararamdaman ko dahil sa nangyari kagabi.

Teka. Pumunta ba si James kagabi o Nananaginip lang ako?

Nakarating na ako sa school na namamaga ang mga mata ko . . . dahil sa kakaiyak.

True Love ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon