Signs

13 1 0
                                    

Yanna Gonzales' Point Of View

"Class Dismiss. Siguraduhin nyong pupunta ang inyong mga magulang mamaya ah?" Sabi ng teacher namin.

PTA ngayon kasi ng mga magulang at sayang-saya naman kaming lahat dahil maaga ang uwian ngayon compared sa Regular time.

"Yanna!" Tawag sakin ng besfriend kong si Therese.

"Sama ka sakin tulungan mo kong magtinda samin." Tumango naman ako at lumabas na kami ng school. 4th year Highschool na ako. Yung tindahan nila Therese ay nasa tapat lang ng school namin.
Magkakatabi ang mga tindahan sa school namin. Mga binebenta ay syempre mga school supplies then Street foods.

Nakita ko si Mama.

"Therese sunod na lang ako mamaya sa tindaha nyo." Tumango sya at nauna na.

"MA!" Sigaw ko ng makita ko si Mama.

"Oh anak. Hintayin mo ako at sabay tayong umuwi para hindi na doble pamasahe natin pauwi."

"Sige Ma. Dito lang ako sa labas." Pumunta na ako sa tindahan nila Therese at Tinulungan syang magbenta.

Napagusapan namin yung tungkol sa pagibig.

"Kailan kaya dadating yung akin?" Tanong ko.

"Wala ka bang nagugustuhan?" Tanong ni Therese.

"Meron. Pero di sya nagtatagal eh."

"Humingi ka ng signs." Sabi nya.

"Signs? Ano namang ibig sabihin non?"

"Kunwari. Curious ka kung sino talaga yun. Pwede kang manghiling na Kulay na sinusuot ng lalaki na yon. O kaya pag gusto mo may truck na dadaan pagkatapos mong hilingin yung gusto mong mangyari."

"Ah. Yun ba iyon? Pero parang ang Desperate naman nun."

"Bahala ka. Minsan mo lang naman itry eh." Umuunti na din yung mga estudyanteng bumibili sa tindahan nila Therese. Kaya nagpaalam muna ako na bumili ng maiinom.

Lumabas ako at bumili ng Softdrinks. Napaisip ako sa sinabi ni Therese. Hmm.. kung gawin ko din kaya yon? Try lang naman. Umupo ako sa isang upuan doon.

"Kapag may maririnig akong lalaking kumakanta ng "One Call Away" siguro sya na iyon." Bulong ko sa sarili ko.

Habang nakaupo ako napatingin ako sa lalaking nakaupo sa isang tindahan sa di kalayuan sakin. May hawak syang gitara.

Medyo maingay ang mga estudyante pero kahit papaano narinig ko yung lalaking naggigitara na kumakanta.

Nag-strum sya sa gitara nya.

"I'm Only one call away... I'll be there to save the day. Superman got nothing on me..."

Sa kaingayan ng mga estudyante dito ngayon. Bakit ang tanging naririnig ko lang ay ang boses nya at.... Tibok ng puso ko?

Di ako mapakali at medyo kinabahan ako. Anong nangyayari sakin?

"Harvey!" Tawag sakanya ng isang lalaki. Ngumiti sya sa lalaki at tumayo.

Medyo kinilig ako sa mga ngiting yon. Simula non. Gusto ko ng malaman kung anong section sya, anong buong pangalan at pagkatao nya.

Kinabukasan. Pumunta ako sa Canteen para mag almusal.

Sinubukan ko ulit humingi ng Signs.

"Kapag may isang babae na tumabi sakin papansinin nya ako." Habang kumakain ako at naghihintay na may tumabi sakin. Pero patapos ko na ang pagkain ko pero walang tumabi sakin.

Medyo nalungkot ako dahil wala. Bakit nga ba ako humihingi ng signs? Siguro natamaan nga talaga ako sakanya...

"Harvey..." Bulong ko sa pangalan nya.

Kinabukasan. May kakanta daw para sa Foundation day mamaya. Tinanong ko yung isa sa mga kaklase ko.

"Sino yung kakanta?"

"Si Harvey taga Section B." Medyo nagulat ako ng marinig ko ang pangalan nya.

"Ha-harvey? Anong buong pangalan?"

"Harvey John Orlando. Di mo pa ba kilala yon? Sya yung laging Huwaran. Napakabait at gentleman nya. Siguro madaming nagkakagusto don, may itsura din kasi." Nang marinig ko ang mga pahayag na yon. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Nagsimua na akong humingi ng signs.

"Kapag naka- Green polo shirt sya. Kami talaga?"

Pinapunta na sa Wide Hall. Nakaayos na dun lahat para sa Foundation day. Lahat naka-civilian. Naka dress lang ako na flowery.

"Let's Welcome! Harvey John Orlando!" Sabi ng EMCEE.

Kinakabahan na ako kung ano yung suot nya.

Naglakad na sya papunta sa harapan. Nagulat ako dahil Green nga ang suot nya.
Ang bilis at ang lakas ng tibok ng puso ko.

Kumanta na sya ng 'Salamat' by Yeng Constantino.
Pati ngiti nya at boses nya ang magandang bagay na nakikita ko ngayon. Aasa pa ba ako sa Signs? Siguro...

Natapos ang foundation at may pinabalik ang mga teachers namin na ginawa namin. Medyo madami yon.

Pimauwi na kami. Hays. Ang dami dami pa namang estudyante. Siksikan! Medyo naiistress na ako ngayon sa bigat ng mga hawak ko. Last sign?

Sana makabunggo ko sya. Yung Unexpected.

Biglang nagring yung phone ko. Si Papa tumatawag. Ash! Paano ko masasagot? Naku lagot na naman ako sakanya.

Nahulog yung phone ko. Binitawan ko muna yung mga hawak ko para hindi matapakan.

"Ouch!" Nang makuha ko yung cp ko. May nakabunggo ako.

"Kase naman eh! Kitang may tao diba?!" Napasigaw tuloy ako. May tumulong sakin na pulutin yung mga libro at folders ko.

Tumingin ako kung sino yon. Parang maaalis na yung panga ko sa gulat. Napatitig ako sakanya.

"Sorry Yanna sa pagkakabunggo ko sayo. Di ko lang talaga sinasadya." Medyo namula sya.

Tumayo na kami.

"Ah. Eto nga pala yung mga libro mo. Hatid na kita sa sakayan." Ngumiti sya sakin.

Simula nung araw na iyon. Naging magkaibigan na kami. At sya pa nga mismo ang nag-add at nagcha chat sakin sa fb. Totoo nga ang signs. O nagkakataon lang ba talaga?

Nalaman kong gusto nya..... si Therese... Oo gusto nya akong maging kakampi nya para mapalapit kay Therese. Medyo masakit pero kailangan komg tanggapin...

Nainis ako sa sarili ko. Bakit pa kasi ako naniniwala sa mga signs na yan??! Para ngang nagkakataon lang ang mga bagay bagay na hinihingi mo. Pero hindi talaga sya totoo!

Sana naka red shirt yung taong para sakin.

Umupo ako sa isang gilid.

"Sana katabi ko na yung taong mahal ko." Narinig kong sabi ng isang lalaki sa tabi ko.

Lumingon ako sakanya. Naka red shirt sya. Napatingin sya sakin.

"Miss bakit ka umiiyak? Eto oh panyo." Ngumiti sya sakin.

"Ikaw na ba talaga yun?" Tanong nya. Ano nga pala yung sign na hiningi ko kanina? 'Sana naka-red shirt sya'.

"Siguro..."

End....

Author's Note:

Comment nyo po kung maganda po. Enjoy Reading!

Signs (Short Story)Where stories live. Discover now